Beatrice Manuel
“Senyorita, narito na po tayo malapit sa mansion.” Sambit ng driver ko na si Mang Leo.
Naalimpungatan ako sa mahinang boses ng driver ko na si Mang Leo. Pero dahil mababaw lang ang tulog ko ay narinig ko pa ‘yon. Kanina ay narinig ko na ang busina nitong kotse ko at tinamad lang akong buksan ang mata ko.
“Senyorita?” Mas mahinang tawag pa ni Mang Leo. Parang ayaw akong gisingin.
Minulat ko ang mata ko at tanging ilaw dito sa loob ng kotse ang nagsilbing liwanag. Medyo dim pa sa labas.
“Mang Leo…” Mahinang usal ko.
“Nandito na po tayo sa mansion niyo.” Sambit ni Mang Leo na mas malakas na ang boses.
Lumingon ako sa labas ay natanaw ko naman sa di kalayuan ang malawak namin na garden. Malaki kasi masyado itong bubong ng garahe ng mga kotse namin dito. Kaya kailangan ko pang tanawin para makita ang malawak na dadaanan papasok ng entrance ng mansion namin.
Pinatay na ni Mang Leo ang makina ng sasakyan at lumabas para pagbuksan ako.
“Salamat, Mang Leo.” Sabi ko pagkatapos.
Nilakad ko na ang malawak na garden at sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin. Tahimik ang paligid. Iba talaga ang pakiramdam ko dito sa probinsya. Parang ang bagal ng bawat kilos ko habang naglalakad sa two-storey mansion namin.
Hanggang ngayon ay wala pa rin ‘yong pinagbago. Ang tagal ko na rin na hindi nakapunta dito. Mga dalawang taon na rin. Resthouse na lang talaga ang mansion na ‘to.
Nang namatay si Mommy ay ilang beses ko lang itong nadalaw. Pero noong buhay pa si Mommy ay madalas kami dito. Ang daming magandang memories ng kabataan ko dito with my Mom and Dad.
Pero ngayon ay tanging mga caretaker na lang ang nangangalaga dito. Siguro ay dahil na rin naalala ni Mommy si Daddy sa lugar na ito kaya naging bihira na lang ang pagpunta namin dito. But look at him now? Parang balewala na si Mommy sa kanya at mas priority pa ang Amanda na ‘yon kesa sa akin.
Pagdating sa malaking pinto ng mansion ay sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay. Pamilyar ang mukha ng babae. Siya siguro ang sinasabi ng caretaker namin na kamag-anak niya na magsisilbi sa akin habang nag-stay ako dito ng ilang buwan. Parang nasa early thirties na ito sa paningin ko.
“Senyorita Beatrice, welcome po. Gusto niyo po ba ng maiinom o pagkain?”
Ngumiti ako ng tipid sa kasambahay.
“Salamat po, Ate?” huminto ako sandali.
“Carmina po, Tawagin niyo na lang po akong Mina. Ako po ‘yung bunsong kapatid ng caretaker dito. Baka po, nakikita niyo na ako dati dito nong madalas na napapadalaw kayo. Sinasama sama kasi ako ni Ate dito para tulungan siya.” Mahabang paliwanag niya.
Tumatango tango ako. “Salamat, Ate Mina.” Sambit ko na lang.
“Gusto niyo po ba ng maiinom? Snacks? O baka may iuutos kayo?”
Maaga kaming umalis ni Mang Leo mula sa Maynila at bugbog pa ang pwet ko sa matagal na pag-upo. Nasa halos apat na oras rin ang byahe namin. Kumain naman kami ng breakfast at nag-stop over sa nadaan namin na fastfood kaya hindi pa ako gutom.
“Gusto ko na lang dumiretso sa kwarto, Ate Mina at medyo pagod po ako sa byahe.”
“Kung gano’n po, ipaghahanda ko na lang kayo ng mainit na gatas. Makakatulog po kayo agad.” Sagot ni Ate Mina na halatang sanay na sanay na magsilbi.
Tumango lang ako at dumiretso na papasok. Bumalik sa akin ang pamilyar na ambiance. Halos wala naman itong pinagbago sa huling stay ko dito. Sobrang tahimik pa rin. Modern mansion ito at si Mommy talaga ang namili ng mga furnitures dito. Lahat nang nandito ay base sa taste ni Mommy. Kaya biglang bumigat ang dibdib ko nang maalala na naman ang masasayang alaala namin dito nila Daddy, lalo na nang nasa elementary days pa lang ako.
Napabuga ako ng hangin. Masasanay din ako dahil halos dalawang buwan akong mag-stay dito.
Pag-akyat ko sa ikalawang palapag ay dumeretso na ako sa kwarto ko. Malaki, mabango ang kobre kama, at may malaking bintana na tanaw ang hardin. Pero imbes na makaramdam ng relaxation ay bumigat na naman ang dibdib ko sa lungkot.
Binuksan ko ang cellphone ko. Walang text o missed call mula kay Daddy. Napabuntong-hininga ako. Kung dati, siya ang unang nagchi-check kung nakarating na ako ngayon parang may iba nang priority ang isip niya.
“Good morning, Dad…” mahina kong bulong kahit alam kong hindi niya iyon maririnig.
Pagkahiga ko sa kama ay hindi agad dumating ang antok. Sa halip ay gumugulo sa isip ko ang mga bagay na naiwan ko sa lungsod mga kaibigan ko, pati ang kursong pilit kong pinagsusumikapan. At higit sa lahat, ang kasunduang nakabalandra sa hinaharap ko.
Hindi ko naman talaga ginusto ang kurso ko. Si Daddy ang mas may gusto nito. Ako simpleng business woman lang naman ang gusto ko na makakatulong sa pamilya ko na palaguin ang negosyo namin. Pero mataas ang ambition ni Daddy. Pangarap niyang maging abogado at ako ang gusto niyang tumupad no’n.
Hindi naman ako kumontra sa desisyon ni Daddy. Nag-try akong bigyan ng chance ang Law at nagustuhan ko naman. Kaya ngayon ay nagsusumikap ako para mas maging proud pa si Daddy akin. Gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong maipasa ang Law at magiging abogado ako kagaya ng pangarap niya.
Pero kasabay ng pagtatapos ko ay hindi ko rin maalis sa isip ko ang naghihintay sa akin pagkatapos no’n. Ang maikasal kay Adrian ang kinatatakutan ko. Sa totoo lang ay nang sinabi sa akin ‘yon ni Daddy ay mariin akong tumanggi. Gusto ko ay ako ang pipili ng mapapangasawa ko.
Pero hindi ko na raw pwedeng matakasan ang napagkasunduan ng dalawang pamilya. Kailangan namin magpakasal para magtayo ng powerful na negosyo. Isang airline companies na gusto ni Daddy na maging number one airline companies sa buong Pilipinas within 10 years lang. Ang taas ng pangarap ni Daddy. Sobrang yaman na namin pero gusto niya pa na mas maging mayaman. At ang pagpapakasal kay Adrian ay isa sa mga hakbang para matupad ang mga kagustuhan niya.
Hindi lingid sa akin ang ganitong kalakaran sa mundo ng business. Ang mayaman ay para sa mayaman. Sabi ‘yon sa akin ni Daddy. Pero nababanggit na rin ‘yon sa akin ng mga kaibigan ko. Ang iba nga ay nirereto na rin ng pamilya nila sa mga kasosyo sa negosyo.
Na-meet ko naman na si Adrian. Matapos masabi sa akin ni Daddy na si Adrian ang pakakasalan ko ay na-invite kami ni Daddy sa dinner ng pamilya nila. Mas matanda lang sa akin si Adrian ng isang taon. Kagaya ko ay wala rin naman itong balak na suwayin ang mga magulan nito.
Maraming beses ko lang din nakita si Adrian. He likes me. Sinabi niya sa akin ‘yon. Pero ako sakto lang. Walang spark ang first meet up namin. Wala man lang akong naramdaman na siya ang lalaking gusto kong pakasalan. Pero tinataga ko sa utak ko na kapag nagsama na siguro kami sa iisang bahay ay matutunan ko rin siyang mahalin.
Sa ngayon ay nasa Maynila rin si Adrian. Busy at nagsisimula na para sa training niya sa kumpanya nila. Ni hindi nga ako nag-e-effort na tawagan siya. Pero si Adrian ay kahit papaano naman ay nangangamusta. Alam naman nito na busy ako sa pag-aaral.
Ilang beses na rin kaming nag-date. Bilang lang talaga sa daliri ko kung ilan. Masasabi kong nabo-boring ako sa ilang beses na nangyari ‘yon kaya wala akong gana. Feeling ko tuloy ay nahawahan ko na si Adrian at na-boring na rin sa akin at hindi naman kami pareho ng trip sa buhay.
Halata ko naman na nagagandahan siya sa akin. Pero dahil sa pinakita ko sa kanya ay baka may konting turn-off na rin siyang naramdaman. Hindi ko man maamin sa sarili ko ay minsan ay inaasam ko na sana ay mag-back out si Adrian sa kasal namin. Na may mahanap siyang iba. O kaya naman ay makabuntis siya ng ibang babae.
Pero ang nababasa ko kay Adrian ay kagaya ko rin siya na masunurin sa magulang. Na hindi susuway at hindi papayag na maging disappointment sa pamilya. Lalo na ay may mas matanda pang kapatid si Adrian na kinasal na rin sa asawa na pinili ng pamilya nila.
>>>>Diyos ko! Nabangga!?
Agad na binuksan ni Mang Leo ang sasakyan at bumaba ang matanda. Nanginginig ang kamay ko habang dahan dahang sumilip sa bintana at binuksan ‘yon ng kalahati para marinig ko ang usapan sa labas.
Doon ko nakita ang isang lalaking nakahawak sa bisig niya galit na galit at nakatingin sa driver ko. Naka-side view. Pero napa-awang ang bibig ko dahil alam kong kapag humarap ito ay gwapo ang mukhang nakikita ko. Kita ko mula dito sa kotse ang tangos ng ilong nito, strong jawline.
Nakasuot ng sando ang lalaki at napalunok ako sa muscles na nakikita ko sa braso niya.
“Anong klase ‘yang pagmamaneho mo, manong, ha!?” malakas na sigaw ng lalaki. Malalim ang boses nito, galit na galit… Pero bakit gano’n? Parang ang sarap pakinggan ng boses nito. Parang ang sexy sa pandinig.
“Eh, boss pasensya na! Hindi kita nakita. Bigla kang tumawid.” Depensa ni Kuya Leo at nang binaling ko sa matanda ang tingin ay nakita ko ang takot sa mukha ng matanda.
“Pasensya!?” halos pasigaw ulit ng lalaki. “Kung nasaktan ako nang grabe, anong gagawin mo? Kaya mo ba akong buhayin?!”
Hindi ko na tuloy natiis na hindi lumabas ng kotse.
“Mang Leo, bayaran na lang natin siya,” Kalmado kong sabi kahit na nagtataka ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Sa linya ng kurso ko at tinuturo sa amin kung paano maging kalmado kahit nakaka-pressure na ang sitwasyon. Pero ngayon kakaiba.
Parang mas nagdilim ang mukha ng lalaki ng marinig ang sinabi ko. Nilingon ako ng lalaki at napalunok ako nang ma-stuck ang mata namin sa titigan.
Para siyang estatwa ng isang lalaking matipuno. Tall, moreno, rugged, pawis pero may kakaibang appeal.
“Bayaran? Sa tingin mo, lahat ng bagay nababayaran ng pera, Miss?” mariin niyang tanong.
Hindi ako nakapagsalita. Parang natuyuan ako ng laway. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.