“Craig…” anas ko. Sobrang nag-init ako sa pagdidikit ng katawan namin. My god! May nararamdaman akong matigas na part at parang alam ko na kung ano ‘yon. Parang mahuhulog ako sa malalim na bangin na hindi ko maintindihan kaya imbes na tanggalin ko ang kamay ko na nasa dibdib niya ay pinadausdos ko pa ‘yon sa may balikat niya. Mas humigpit naman ang kapit niya sa beywang ko. Hanggang sa napansin ko na lang na bahagya niyang nilayo ang mukha niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha ko. Hindi na lang siya sa mga mata ko tumingin at nakita ko kung paano niya binaba ang tingin hanggang sa ilong ko papunta sa labi kong nakaawang pa. Kulang na lang ay mahimatay ako sa sobrang kaba. Hindi kinakaya pati ng tuhod ko ang nangyayari sa katawan ko. Sa pagkakadikit ng lower part n

