Beatrice POV Hindi ko alam kung paano ko naitawid ang ilang sandali sa loob ng office ko matapos ang eskandalong ginawa ni Craig sa café. Imbes na magtatrabaho pa ako ay hindi ko na nagawa dahil napilitan akong magpasya na umuwi na lang ng mansion. Nagmamadali akong nagpunta ng kotse ko at nagsimulang mag-drive. Sa bawat pag-usad ng sasakyan ay parang hinihigop ng dibdib ko ang lahat ng bigat na pilit kong itinago sa loob ng dalawang taon. Humihigpit ang hawak ko sa manibela habang nakatanaw sa kalsada. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi lang dahil sa takot, pati na rin sa galit, sakit, at panic na hindi ko inaasahang muling mararamdaman. Hindi ko talaga expect na darating pa ang pagkakataon na ‘to. Hindi ko na siya kasama sa mga plano ko. Inilibing ko na siya sa nakaraan, pero

