Nanuyo ang lalamunan ko. Napasandal ako sa upuan at napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Ramdam kong nanginginig ang kamay ko. “Uhm… L-Lance, pwede mo ba akong ibalik na lang sa kotse ko? Baka naman hindi gano’n kalala—” Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niyang niliko ang manibela pakanan, papasok sa makipot na daan na halos natatakpan ng mga puno. Halos mapasigaw ako. “Lance! Anong ginagawa mo!?” Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagmamaneho. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kasabay ng tunog ng mga gulong na dumadausdos sa lupa ay halos buong katawan ko na ang nanginginig ngayon.. Diyos ko! I should’ve listen to my instict at unang beses ko pa lang siya nakilala ay hindi ko na siya bet. Kung may choice ako kanina ay wala sa isip ko na sumama sa kanya. Natakot a

