Beatrice Manuel “Senyorita, ayos lang ba kayo?” Nag-aalalang tanong ni Ate Mina nang makita niya akong papasok sa mansion habang kasunod si Mang Leo. Ngayon pa lang ay alam ko nang ang tungkol sa paglakad ko ang inintindi niya dahil halatang masakit ang katawan ko. Kaninang sinundo ako ni Mang Leo sa hotel ay agad kong sinabi dito na nadulas ako sa banyo ng hotel dahil nahalata na agad ng matanda ang paglakad ko. Mabuti na lang din at hindi nagtagal ay nasundo ako ni Mang Leo at naging mabilis ang byahe namin pagbalik dito. Wala na ang gumuhong lupa sa dadaanan namin at maayos ang naging byahe pauwi dito sa mansion. Habang nasa byahe din ako ay hindi na mawaglit sa isip kp si Craig. Paulit ulit na nagpa-flashback ang nangyari sa amin at kapag naiisip ko ‘yon ay nag-iinit agad ang kata

