Beatrice’ POV “Nababaliw ka na ba!?” singhal ko kay Craig. Gustuhin ko mang umatras o gumalaw ay parang may nakapako ang mga paa ko. Halo-halo pa rin ang emosyon sa dibdib ko. Gulat, takot, lungkot, pero higit sa lahat, galit. Galit na naman ako dahil gumawa na naman si Craig ng paraan para i-corner ako. Para pilitin akong humarap sa kanya. “Simula nang nawala ka sa ’kin, hindi mo alam kung paano ako nabaliw sa’yo, Bea…” paos niyang sabi. “Please. Bigyan mo lang ako ng chance magpaliwanag. Please… baby ko…” Nagulat na lang ako nang lumapit siya. Kanina may yabang pa sa tindig niya at nakangisi pa siya pero ngayon, wala na. Seryoso na ang mukha niya at nakikita ko na naman ang pagsusumamo sa mga mata niya. Bigla niyang kinuha ang kamay ko. “Craig—” akmang babawiin ko iyon pero hinigpi

