Matapos ko ngang gawin ang mga gawaing bahay sa bahay namin nang asawa kong si Yuan ay agad akong naligo ulit dahil tagaktak ang aking pawis at madumi na din ang suot kong damit na bagong palit kanina lang dahil sa mga alikabok at dumi na aking nilinis. Matapos ko ngang maligo ay naghanap ako nang matinong damit na magagamit ko sa paghahanap nang trabaho at agad itong isinuot at nag ayos nang aking sarili nag apply ako nang light make up upang kaaya aya naman akong tingnan at presentable ang aking hitsura.
Matapos kong mag-ayos nang aking sarili ay napagpasyahan ko munang idouble check ang mga nakasaksak na gamit at ang gas kung napatay ko ba ito nang maayos dahil ganun ang tinuro sa'kin ni Mommy at Daddy upang makaiwas sa sunog. Matapos ko ngang maidouble check ang mga ito ay lumabas na ako nang bahay at siniguradong nakasarado ang pinto at gate nang bahay namin at iniwan ko ang susi nang bahay namin sa guard nang subdivision namin tutal ay dadaan naman duon ang sasakyan ni Yuan kung uuwi na siya at iaabot naman ito sa kaniya nang guard.
Magcocommute lang ako kasi yung kotse ko ay piniling iwan ni Yuan sa mansyon nang bahay nang magulang ko dahil gusto daw ni Yuan na sa kaniya ako sasakay at hindi na ako mag drive pa pero parte rin iyon nang plano niyang pagpapahirap sa'kin buti na lamang at may pasimpleng inabot sa'kin si Daddy na BlackCard na tinago ko lamang at wala sana akong balak gamitin ngunit kelangan kong gawin dahil ayokong maging pabigat kay Yuan baka patago itong binigay sa'kin ni Mommy at Daddy kung sakali daw na magka emergency ako ay magagamit ako at hindi nga sila nagkamali.
Hindi ako pupwedeng mag trabaho sa kumpanya namin ganun din sa kumpanya ni Yuan dahil baka iba ang isipin nang mga tao dahil sa pagkakaalam ng mga tao ay maayos at maganda ang pagsasama namin ni Yuan lalo na nang mga magulang namin kaya kelangan kong mag ingat. Naghanap na nga ako nang taxi na aking masasakyan upang makapunta na sa aking patutunguhan upang magawa ko na ang aking plano na paghahanap nang trabaho makalipas ang 50 minutes ay nakarating na nga ako sa tapat nang isang kumpanya na malayo sa kumpanya ni Yuan.
Agad akong pumasok dito at pumunta sa front desk upang magtanong kung maaari ba akong mag apply sa kanila.
"Hello! Can i apply here? Is your company hiring for an employee" Wika ko sa babaeng naka upo sa front desk.
"Good day Ma'am! Tamang tama po at naghahanap po nang bagong secretary ang boss namin dahil manganganak na po ang secretary niya kaya naghahahanap po nang kapalit agad" Sagot naman sa'kin nang babae.
"Really? That's great i badly need a job. So where should i go now i want to apply as a secretary" Sagot ko sa babae.
"Kung mag aapply po kayo bilang secretary ay kelangan niyo pong dumiretso sa office ni Boss dahil gusto niyang makilala at maobserbahan mismo ang mga mag aapply bilang secretary niya at siya ang magdedesisyon kung tatanggapin niya ba ito o hindi" Wika nang babae.
"Is that so, where is the office of your boss can i go there?" Sagot ko sa babae patuloy lamang ako sa pagsasalita nang wikang English dahil yun naman talaga ang lenggwahe na ginagamit ko kapag ibang tao ang aking kaharap.
"Ofcourse Ma'am, tamang tama ang punta mo dahil ngayong araw ay andito ang boss namin madalas kasi siyang work from home kaya yung mga nag apply nung nakaraan bilang secretary ay nadismaya dahil wala dito si boss" Wika sa'kin nang babae na agad ikinatuwa nang damdamin ko dahil ibig sabihin ay may pag asa akong makapasok sa kumpanya na ito.
Kaya nang malaman ko kung saan ang opisina nang tinatawag niyang boss ay agad ko itong pinuntahan at kumatok.
*Knock, Knock, Knock*
"Come in" Wika nang baritonong boses nang isang lalaki na lalong ikinatuwa ko dahil baka ito na ang boss nila sisikapin kong maging maganda ang first impression sa'kin nang boss nila upang tanggapin ako nito bilang secretary nito.
Kaya agad akong pumasok at naglakad nang confident and with poise sa loob nang office nang boss nila at nang makarating na ako sa harap nang boss nila na busyng busy sa mga paperworks na tinitignan nito na hindi man lang ako tinapunan nang tingin. Ay agad aong tumikhim na nagpaagaw sa atensyon nang lalaking kaharap ko ngayon at tamang tama na pag angat niya nang kaniyang tingin ay nagtama ang aming mga mata.
Nang magtama ang aming mata agad kong napuna ang brown na brown niyang mga mata na bumagay sa maliit at hugis puso niyang mapulang labi at makapal na kilay na tamang tama sa isang lalaki napansin ko din ang mahaba niyang pilikmata at ang kaniyang umiigting na panga pati na rin ang kaniyang matangos na ilong. Sa unang tingin malalaman mo na maskulado siyang lalaki kahit nakasuot siya nang black suit napansin ko din ang makinis at maputi niyang balat natapos lamang ang pagobserba ko sa kaniyang hitsura nang tumikhim siya sa'kin.
"Who are you? What brings you here? Miss?" Tanong sa'kin nang kaharap kong lalaki na boss siguro nila.
"I am here to apply Sir" Sagot ko sa lalaki na agad niyang kinangisi na bahagyang nagpakaba sa'kin.
"What position you are applying Miss?" Tanong niya sa'kin na agad ko namang tinugon at sinabing gusto kong mag apply bilang secretary ng boss nila nagkunwari ako na hindi ko alam na siya ang boss kaya lalo siyang napangisi.
"So you're applying as a secretary of the boss" Wika niya na lalong lumapad ang ngisi na lalong nagpakaba sa'kin.
"Yes" Pormal na sagot ko habang nakangiti nang matamis sa kaniya gaya nang sabi ko kanina dapat maganda ang first impression niya sa'kin ngunit magpapatay malisya ako na alam kong siya ang boss.
"Is that so, do you know who's gonna be your boss if you get hired as a secretary?" Tanong sa'kin nang lalaking kaharap ko na agad kong kinangiti lalo.
"I don't know who's gonna be my boss but i will do my best as a secretary if i get hired" Sagot ko habang nakangiti pa din nang matamis na agad naman niyang sinuklian nang ngisi.
"That's great i think you doesn't need to undergo on a interview because i think you already know everything about this job" Ngising sabi niya sa'kin na agad kong kinagulat dahil inakala ko na dadaan pa ako sa mga proseso upang makapasok sa trabaho ngunit agad namang nawala ang pagkagulat ko at napalitan nang kasiyahan dahil sa sinabi sa'kin nang lalaki.
"Are you sure Sir?" Paninigurong tanong ko sa lalaki dahil baka nagbibiro lamang ito dahi kanina pa ito nakangisi sa'kin.
"Yes i think this job really suits you, are you willing to start asap and start your training and be my secretary? Ngising tanong sa'kin nang lalaki na siyang magiging boss ko.
"Yes Sir i am willing to start asap and undergo on a training to be your secretary" Sagot ko sa lalaking nakangisi pa din sa'kin.
"Great so i think you are hired you will be my secretary you're training will start tomorrow morning at 7:00 AM please be on time and i don't want you to be late as of now you can go and prepare yourself for your training tomorrow" Wika sa'kin nang lalaking kaharap ko sa sobrang tuwa ko ay napangiti ako nang malawak.
"Thank you so much Sir for hiring me i really need this job thank you for allowing me to be your secretary i promise that i will do my job properly" Nakangiting sabi ko sa lalaki dahil anlaking tulong nang pagtanggap niya sa'kin bilang secretary niya dahil magkakapera na ako para may pang gastos ako na pambili nang aking makakain at mga pangangailangan ko ayoko namang iasa sa BlackCard na binigay sa'kin nang magulang ko ang pangangailangan ko dahil gusto kong patunayan sa kanila na kaya ko ito dahil ginusto ko ito at ito ang bunga nang pinakiusap ko sa kanilang bagay na agad naman nilang binigay sa'kin kahit na sila ay nag aalala sa kahihinatnan nang hinihingi ko.
"You're welcome, before you go may i know your information so i will know your personal background and information" Wika sa'kin nang lalaking magiging boss ko na agad ko namang ikinangiti kaya agad agad kong ibinigay sa kaniya ang folder na naglalaman nang mga personal information at background ko.
Tinanggap niya iyon habang may ngisi sa kaniyang mga labi at habang taimtim niya itong binabasa ay napansin kong nawala ang ngisi sa kaniyang labi at napalitan nang blankong ekspresyon na agad ko namang ikinabahala.
"So you're Yanna Denisse Faulkerson and you're 24 years old, am i right Miss Denisse?" Bumalik ang ngisi nang lalaking magiging boss ko nang banggitin niya ang pangalan at edad ko na agad ko naman ikinatango ngunit agad ding naguluhan nang tinawag niya ako sa pangalawa kong pangalan isang tao lamang ang tumatawag sa'kin sa pangalan kong iyon at yun ang best friend ko nung bata ako na matagal ko nang hindi na nakita dahil ito ay nanirahan na sa ibang bansa ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil baka nagkataon lamang na trip niya ang Denisse sa pangalan ko kaya iyon ang ginamit niyang tawag sa'kin.
Patuloy lang siya sa pagbabasa sa ipinasa ko sa kaniya na folder na tila may sobrang nakakainteres duon kaya hinayaan ko na lamang dahil baka gusto niya lamang makilatis nang mabuti ang magiging secretary niya ngunit hindi naman nagtagal ay ibinaba niya na ang folder at kumuha nang isang papel na sa tingin ko ay isang kontrata na kailangan kong pirmahan. Inabot niya sa'kin ito at hindi ko na ito binasa pa dahil alam ko namang kontrata ito kaya hindi ko na pinagtuunan pa nang pansin basahin kaya pinirmahan ko nalang ito diretso na may kalakip nang aking pangalan.
Hindi ko inilagay ang apelyido ni Yuan sa aking resume at single ang aking inilagay dahil tiyak bubugbugin ako non pag nagkataon dahil diring diri siya ipaalam sa mga tao na kasal siya sa babaeng desperada wala lang siyang choice pagdating sa trabahador nang kumpanya niya at sa mga trabahador nang kumpanya namin nang magulang ko dahil ibinalita ito nang aming mga magulang sa kanila upang malaman nila na kasal kaming dalawa para na rin sa mga mana namin sa kumpanya. Ang mga nakakaalam lang nang kasal namin ay mga magulang namin, mga trabahador at mga malalapit naming kaibigan ipinagbawal ni Yuan na ibalita sa telebisyon ang naganap naming kasalan dahil ayaw niya daw nang issue at gusto niya nang tahimik na buhay kasama ako pero ang totoo ay ikinakahiya niya ako maging asawa at baka malaman pa nang babaeng mahal niya na si Solene na kinasal siya sa isang desperada.
Nalungkot ako sa isiping iyon kaya hindi ko na napagtuunan nang pansin pa ang lalaking kaharap ko tila nawala na naman ako sa sarili nang maalala ang aking sitwasyon agad na nagluha ang aking mga mata at napayuko hindi ko alam kung bakit masyado akong nagiging emosyonal pag sumasagi sa aking isipan si Yuan at si Solene dahil para akong kontrabida sa love story nila pero wala akong magagawa dahil mahal ko si Yuan kaya ko nagawa iyon umasa lang naman ako na baka kapag ginawa ko iyon ay magagawa niya akong mahalin na susubukan niya pero wala pa din pala. Pinilit kong makabalik sa aking sarili upang bumalik nang tingin sa lalaking kaharap ko at pilit itong nginitian nang matamis ngunit nang magtama ang aming mga mata ay tila may napansin akong kakaiba dito na tila ba ay nagdilim ang awra nito at umigting ang panga na sakto namang pumatak ang kanina ko pang namumuong luha sa aking mga mata na agad kong pinahid.
Nginitian ko na lamang ang lalaking magiging boss ko dahil ayaw kong isipin niya na iniiyakan ko siya baka masira pa ang first impression niya sa'kin ngunit kahit nginitian ko siya ay seryoso pa din ang tingin niya sa'kin. Kaya bago ako umalis ay napagpasyahan kong tanungin muna kung ano ang kaniyang pangalan upang alam ko kung ano ang itatawag ko sa kaniya.
"Sir may i know your name so i will know how would i address you?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko na seryoso pa din kinabahan tuloy ako dahil kanina ay puro ngisi ito ngunit bigla na lamang naging seryoso at tila galit sa'kin.
Hindi siya umimik bagkus sinenyas niya na lamang sa'kin ang pangalan niya na nakalagay sa isang bagay na nakapatong sa kaniyang table na hindi ko napansin simula kanina pagkapasok ko dito sa office niya kaya agad ko itong tinignan at nang malaman ko ang pangalan niya ay nagpasalamat ako ulit sa kaniya at nagpaalam na aalis na at nangako ako na hindi ako malilate bukas sa unang araw nang training ko.
Habang nasa taxi ako pauwi sa bahay namin ay di ko maiwasang magpasalamat sa diyos dahil mabilis akong nakahanap nang trabaho at natapos ako agad nang maaga dahil kung natagalan ako at inabot nang gabi ay tiyak bugbog na naman ako lalo nito kay Yuan dahil iisipin nun na nanlalaki ako dahil bukod sa desperada ay tingin din sa'kin ni Yuan ay isang malanding babae na kung sino sino nalang ang nilalandi ganun kasama ang tingin niya sa'kin kaya walang wala daw ako kay Solene na mahal niya. Bago pa ako makarating inutusan ko ang driver nang taxi na ihinto muna sa isang convenience store ang taxi upang bumili muna ako nang makakain ko pag uwi dahil kanina ko pa tinitiis ang gutom at agad din akong bumalik sa taxi nang makuha ko na ang aking nais bilhin at agad na dumiretso sa bahay.
Pagkadating ko sa bahay ay tamang tama na wala pa si Yuan kaya nagmadali akong pumasok at nagbihis nang pang bahay na damit upang hindi niya malaman na umalis ako at naghanap nang trabaho. Hindi ko na kelangan problemahin ang mga kelangan ko sa trabaho kagaya nang mga susuotin dahil kumpleto ako sa mga damit at sapatos at kung ano ano pa pati mga make ups at pabango dahil habang nag aaral ako dati ay ipinag sabay ko ang pag momodel ngunit tinigil ko iyon nang magpakasal ako kay Yuan dahil gusto ko sanang maging isang mabuting asawa sa kaniya na aalagaan siya pati ang magiging anak namin ngunit sa loob nang 4 na taon na pagsasama namin ay ni isang beses na walang nangyari samin at ayos lang naman iyon sa'kin dahil alam kong diring diri siya sa'kin.
Bago pa makarating si Yuan ay kinain ko na ang binili kong pagkain sa Convenience Store kanina dahil sigurado akong hindi na naman ako papakainin ni Yuan kaya uunahan ko na siya dahil ayoko nang magutom ulit kung sakaling magutom man ako ay bumili ako nang mga biscuits gaya nang Skyflakes at Cream-O at itinago ko sa kwarto ko dahil sabi ni Manang Lourdes sa'kin mabisa daw ang Skyflakes pantawid gutom kaya dinamihan ko ang bili dahil ngayon ko lang napagtanto na dapat dati ko pa pala ito ginawa pero naduwag lang ako lumabas dahil natatakot ako na baka paguwi ko ay saktong dumating na si Yuan ngayong araw lang ako nagtangkang lumabas at maghanap nang trabaho dibale pagkauwi niya ay sasabihin ko naman sa kaniya ang totoo dahil ayokong magsinungaling sa kaniya.
Nang matapos ako sa aking pagkain ay agad ko itong niligpit at hinugasan naglinis din ako ulit nang bahay matapos ko maglinis ay napilian kong umupo muna sa sofa dahil sa sobrang pagod maaga pa naman alas-5 pa lang naman nang hapon kaya may oras pa akong umidlip iidlip muna ako habang wala pa si Yuan dahil naramdaman ko ang antok dahil hindi din naman ako nakatulog nang sapat kagabi. Hindi ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko at alas-10 na pala nang gabi ngunit wala pa si Yuan ang oras kasi nang uwi ni Yuan ay alas-9 nang gabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa ito ngunit agad din akong naalarma nang may bumubusina na sasakyan sa labas nang bahay na sa tiyak ko ay si Yuan na iyon.
Agad agad ko itong tinakbo palabas dahil baka mainip siya sa paghihintay at agad na binuksan ang sarado naming gate at agad naman niyang pinasok ang sasakyan niya muntik niya pa akong mabangga na sa tingin ko ay sinadya niya buti na lamang at nakaiwas ako at di ko nalang ito pinagtuunan nang pansin. Hinayaan ko na lamang ito at sinarado na ang gate at nauna naman na siyang pumasok sa loob nang bahay namin bago ako pumasok sa loob nang bahay ay chineck ko muna ang aking sarili baka ay nagalusan ako kahit na nakaiwas ako sa pag tangka niyang pagsaga sakin mahirap na at ayokong pumasok sa trabaho nang may sugat mabuti na nga lang at yung mga pasa ko ay nadadala ko pa sa skincare routine ko kaya agad itong nawawala at bumabalik sa makinis at maputi ang balat ko kahit papaano.
Pumasok na ako agad sa bahay at nakita ko si Yuan na nakaupo sa sofa na tila nakainom pero hindi naman ito lasing nakainom lang siguro ito nang kaunti kaya ganun.
"Yuan kumain ka na ba nang dinner?" Tanong ko kay Yuan ayokong tanungin siya kung bakit ngayon lang siya umuwi dahil baka sabihin na naman niyang wala akong karapatan dahil asawa niya lang ako sa papel at hindi niya ako mahal kaya i should know my limitations.
"Wala kang pakealam manahimik ka desperada wag mokong kausapin at baka hindi kita matantya" Pasigaw na sagot sa'kin ni Yuan na agad namang ikinatubig nang mata ko ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at pilit na ngumiti sa kaniya at napagpasyahan kong handaan pa din siya nang pagkain dahil may natira pa naman sa pagkaing binili ko kanina kaya kinuha ko iyon sa kitchen at inihanda sa kaniya dinala ko nalang ito sa sofa at inabot sa kaniya ngunit laking gulat ko nang tabigin ni Yuan ang kamay kong may dala sa pagkain kaya tumilapon ito sa sahig.
"Putangin*ka ano ka ba b*b* o tang* diba sinabi ko na sayong wala kang pakealam hindi ka talaga nakikinig" Matapos sabihin iyon ni Yuan ay agad niya ako hinila at pinagsasampal kaya agad akong naiyak sa sobrang sakit nang pisngi ko at hindi pa siya nakuntento sinabunutan niya pa ako at nginudngod sa sofa laking pasasalamat ko at malambot ang sofa kung hindi ay malamang masusugatan ang mukha ko.
Iyak lang ako nang iyak habang nginungudngod niya ako sa sofa at hindi pa nga siya nakuntento kinaladkad niya pa ako paakyat sa hagdan at tinulak papasok sa kwarto ko at duon ako sinikmuraan at pinagtatadyakan na agad kong ikinaluhod dahil sa sakit halos mapasuka ako nang dugo sa sakit nang pagkakasikmura niya sa'kin hindi ako makalaban dahil malakas siya kumpara sa'kin. At nang napagod siya ay binuhat niya ako at ibinalibag sa kama ko mabuti na lamang at malambot iyon kaya hindi masakit ang pagtama nang katawan ko sa kama hindi pa nga ako nakakarecover sa pagsikmura, pananabunot, pagsampal at sa pagbalibag niya sa'kin ay inakyat niya ako sa kama ko at pinatungan niya ako para sakalin.
"Y-yu-yuan h-hi-hindi a-ak-ako maka-hing-a" Iyak na wika ko kay Yuan habang sakal sakal niya ako.
"Putangin* kang babae ka dahil sayo iniwan ako ni Solene dahil sa pagiging desperada mong hayo* ka maland* ka dapat sayo mamatay ka na" Wika ni Yuan sa'kin.
Sa kabila nang pagsakal sa'kin ni Yuan ay ang masaganang luha na dumadaloy sa mata ko nang sinabi niya ang mga salitang iyon ay hindi na ako nanlaban sa pagkakasakal niya sa'kin at hinayaan ko nalang siyang sakalin ako labis akong nadurog sa narinig kong sinabi niya at naramdaman niya sigurong hindi ko na siya pinipigilang sakalin ako kaya siya na mismo ang tumigil sa pagsakal sa'kin. Sinampal niya ako nang dalawang beses na nagpatagilid sa mukha ko bago siya umalis sa ibabaw ko at iniwan ako sa kwarto ko habang lumuluha at iniinda ang sakit nang katawan lalo na nang leeg ko.
Ganun ba ako kahirap mahalin Yuan at balak mo na talaga akong patayin ang gusto ko lang naman mahalin mo ako kagaya nang pagmamahal mo kay Solene kaya pinilit ko ang kasal na ito para maiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal at nang sa ganun ay mahalin mo din ako pabalik ngunit nagkamali ako mas lalo kang nagalit dahil sa ginawa ko pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon dahil nakasama ko naman ang lalaking mahal ko kahit lagi niya akong binubogbog. Hindi ko susukuan si Yuan hanggang sa mahalin niya mahal na mahal ko siya at kung talagang mahal mo ang isang tao ay ipaglalaban mo siya at iintindihin kaya ganun ang gagawin ko kay Yuan.
Nang makarecover na ako sa sakit nang katawan ay bumangon na ako at inayos ang aking sarili kailangan ko nang matulog para makapagpahinga may trabaho pa ako bukas at hindi ako nagkaroon mang pagkakataon sabihin iyon kay Yuan dahil sa nangyari sa amin. Pero bago ako magpahinga ay bumaba muna ako at nilinis ang natapong pagkain sa sahig ng sofa dahil ayokong makalat ang bahay namin ni Yuan ayokong isipin niya na wala na nga akong kwenta hindi pa ako marunong maglinis nang bahay kaya nilinis ko muna ito at pagtapos ay napagpasyahan kong umakyat na ulit pero bago ako dumiretso sa kwarto ko ay bahagya kong sinilip si Yuan sa kwarto niya na mahimbing na natutulog habang hawak ang picture frame nila ni Solene na magkasama at parehas silang masaya.
Durog na durog ako sa nakita kong scenario sa kwarto ni Yuan pero wala akong magagawa ginusto ko ito nangyari ito dahil sa pagiging makasarili ko pero ano nga bang magagawa ko nagmahal lang naman ako at umaasa ako na dadating din ang panahon na mamahalin ako ni Yuan at hihintayin ko iyon kahit gaano pa iyon katagal. Dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog dahil kelangan ko nang magpahinga para sa first day ko bukas dahil sa naisip ay nakaramdam ako nang excitement dahil iyon ang unang beses na magiging secretary ako dahil ang alam ko lang naman na trabaho ay pagiging modelo kaya pabor din sa magulang ko na nagpakasal kami ni Yuan dahil marunong si Yuan pagdating sa pagpapatakbo nang kumpanya habang ako daw ay walang alam at puro paganda lang alam nakaramdam na ako nang antok at pagod kaya nakatulog ako kaagad.
_______________________________________________________
KINABUKASAN
Nagising ako nang alas-5 nang umaga at laking pasasalamat ko sa diyos na hindi ako tinanghali nang gising dahil tiyak na malalagot na naman ako kay Yuan dahil alas-6 ang alis niya papasok sa kumpanya kaya agad agad akong nagtimpla nang kape niya at pinaghanda ko siya nang tinapay, hotdog at itlog mabuti naman at saktong paghanda ko nang agahan niya ang pagbaba niya at bihis na bihis na din siya kaya inalok ko na siyang kumain bago siya pumasok sa kaniyang trabaho na agad din naman niyang tinalima at sinimulan niyang kainin ang inihanda kong agahan para sa kaniya. Nakaramdam ako nang tuwa habang pinapanood ko si Yuan at agad din akong tumalikod dahil alam kong ayaw niya nang pinapanood ko siya kaya bago niya pa mapansin na pinapanood ko siya at tumalikod na ako sa kaniya.
Matapos kumain ni Yuan ay inihatid ko na siya sa labas dahil kailangan kong buksan ang gate para makalabas ang kotse niya nang makalabas na ang kotse niya ay kinawayan ko siya nang kamay na senyales na nagpapaalam na ako sa kaniya na mag iingat siya na sigurado naman akong nakita niya sa side mirror nang kaniyang sasakyan ngunit hindi niya man lang ako pinansin. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Yuan ay pumasok na ako sa loob at ako naman ang nag asikaso para sa pagpasok ko sa trabaho pero bago ako mag asikaso ay nilinis ko muna ang bahay namin nang mabilisan dahil bawal ako malate kaya pagkatapos kong maglinis ay hindi na ako nagpahinga at naligo na ako diretso matapos kong maligo ay nagbihis na ako nang damit uniporme ng isang secretary at naglagay ako nang light make up upang mukha naman akong presentable.
Matapos kong ayusan ang aking sarili ay tinignan ko ang aking kabuuan sa salamin bagay na bagay sa'kin ang suot kong damit pang secretary bakat na bakat ang hubog nang maganda kong katawan at kitang kita din ang makinis at maputi kong legs sa suot kong black pencil skirt. Mas lalo akong tumangkad nang kaunti dahil sa suot kong heels at inobserbahan ko pa nang mabuti ang aking sarili at hindi ko maiwasan na malungkot ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil ayokong masira ang first day of work ko.
Kaya habang maaga pa ay umalis na ako at nagsimula na naman akong mag commute papunta sa kumpanyang pagtatrabahuan ko at tamang tama ang dating ko dahil hindi ako late agad akong binati nang security guard nang company na agad ko din namang ginantihan nang pagbati at nang mapadaaan ako sa front desk sa babaeng nakausap ko kahapon ay malawak ang ngiti niyang tinignan ako kaya agad ko siyang nilapitan.
"Magandang araw natanggap ka pala bilang secretary ni boss masaya ako para sayo napakaswerte mo at ikaw ang napili ni boss maging secretary niya" Wika ng babae sa'kin na agad kong ikinangiti.
"Yes he hired me immediately yesterday and i am so happy and thankful because of it, today is my first day and he will train me as his personal secretary " Wika ko sa babae.
"Alam mo Miss Yanna hindi halata sa hitsura mo na kailangan mo nang trabaho dahil mukha ka namang anak mayaman at napakaganda at sexy mo pa kung tutuusin hindi ka mukhang secretary sa lagay mo ngayon mukha kang fashion model na nagsuot nang pang secretary na damit" Mahabang litanya niya na ikinatawa ko hindi na din ako nagtaka nang tawagin niya akong Yanna dahil nabasa niya siguro sa name plate ko at sa tingin ko ay magkakapalagayan naman kami nang loob kaya sige hindi na niya ito kakausapin sa wikang ingles.
"I want to be a independent women kasi kaya i took a job for myself para maka earn ako nang own money ko and ayoko umasa sa parents ko kaya igagrab ko na itong opportunity na ito to be honest modelling lang alam kong work pero i will try my best na maging maganda ang performance ko bilang secretary ni boss and also i want to learn about this kasi i want to help my parents na magpatakbo sa company namin and besides experience na din" Mahabang litanya ko din sa babaeng kaharap ko na ngayon ko lang pinansin ang name plate niyang may nakasulat na Patricia.
"Kung ganuon bakit hindi ka nalang duon nagtrabaho sa company nang parents mo at dito ka pa talaga nag apply?" Patanong at nagtatakang sabi ni Patricia sa'kin na agad ko namang ikinangiti.
"They doesn't know na i took a job and besides i want to work on my own i don't want to have a special treatment i want a fair treatment that's why i choose to apply to a different company because kung dun ako sa company namin edi hindi ako magiging professional kasi may special treatment agad sa'kin i want to start sa mababa" Mahabang litanya ko ulit kay Patricia.
"Kung ganoon ay good luck sa unang araw mo Miss Yanna sana magenjoy ka dito sa company ni boss kung may kailangan ka magsabi ka sa'kin ah" Wika ni Patricia na ikinangiti ko at tinanguan ko siya at nagpaalam na din ako na pupunta na sa office ng boss namin.
Pagdating ko sa tapat nang office ng boss namin ay kumatok muna ako nang tatlong beses.
*Knock, Knock, knock*
"Come in" Wika nang baritonong boses nang isang lalaki na alam ko na kung sino ang nagmamay ari pero bago ako pumasok ay bahagya ko munang inayos ulit ang aking sarili dahil gusto ko maging presentable sa harap nang magiging boss ko.
Pumasok ako sa loob nang office na may ngiti sa labi at agad na dumiretso sa harap nang boss ko na agad namang nagtama ang aming mga mata at bahagya kong naramdaman na may iba sa pagtingin niya sa'kin lumipas na ang ilang minuto at nagtataka na ako kung bakit nakatingin pa din siya sa'kin pero mabuti na lamang at tumikhim na siya at ngumisi.
"Welcome back Denisse i'm glad you come back and you're not late" Nakangising wika sa'kin nang lalaki na sinuklian ko naman nang sincere na ngiti na mas lalo niya pang kinangisi.
"Thank you Sir Kazuyuki" Nakangiting wika ko sa boss kong si Kazuyuki.
"You can call me Sir Yuki for short" Nakangising sabi ni Kazuyuki sa'kin kaya bahagya na lamang akong tumango bilang pagsang-ayon ko sa kaniya.
"Shall we start with your training Miss Dennise?" Nakangising wika ni Sir Yuki sa'kin na agad ko namang ginantihan nang matamis na ngiti dahil excited na ako sa umpisa nang training ko.
"Yes Sir Yuki don't worry i can learn easily" Nakangiting wika ko kay Sir Yuki na agad kinangiti niya na umabot sa kaniyang mga mata.
At ganun na nga ang nangyari nagsimula na kami.
"So Miss Dennise you -" Hindi ko na pinatapos si Sir Yuki sa sasabihin niya dahil naiilang na ako kaka Miss Dennise niya sa'kin kaya ngitian ko siya nang pilit.
"Sir Yuki you can just call me Dennise or Yanna just remove the Miss because i am just your employee and you are my boss" Matipid kong ngiti kay Sir Yuki.
"Is that so, if that's what you want i will" Wika ni Sir Yuki na ikinangiti ko nang matamis.
"Okay Dennise do you know how to make a coffee?" Wika ni Sir Yuki na ikinalapad nang ngiti ko.
"Yes Sir Yuki" Ngiting wika ko kay Sir Yuki na labis niyang kinangiti at natuwa naman ako sa reaksyon niya na yun.
TO BE CONTINUED.....