bc

My Heartless Husband

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
HE
powerful
drama
bxg
campus
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sampal, tadyak, suntok, sabunot, hampas at marami pang ibang klase nang pananakit. Yan ang laging natatanggap ko mula sa aking pinakamamahal na asawa na si "Yuan". Ngunit sa kabila nang kaniyang pananakit sa akin ay mahal ko pa din siya. Siguro nga matatawag akong tanga pero mahal ko siya at martir akong asawa. Umaasa kasi ako na dadating din ang panahon na mamahalin niya ako at hindi na niya ako sasaktan pa. At sana dumating na ang panahon na yun dahil baka hindi ko na kayanin pa.Ako nga pala si "Yanna" at ito ang kwentong pag-ibig ko. Mali ba ang magmahal nang sobra? Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa taong mahal mo? Handa ka bang magpakatanga o magpakamartir wag kalang iwanan nang taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong tiisin? Mahal mo o mahal ka?Author's Note: I hope u guys enjoy my story , expect errors hehe.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Yanna and Yuan
"Yuan sandali nasasaktan ako, ahhhh tama na pleaseeeee" pakiusap ko kay Yuan. Ngunit hindi siya natinag tinuloy niya lang ang pagkaladkad sa'kin papunta sa bodega nang bahay namin. Akala ko ay iiwan na niya ako sa bodega nang mag isa dahil umalis na siya. Pero nagpunta lamang pala siya sa kusina para uminom nang tubig at kumuha pa nang malamig na tubig para ibuhos sa'kin. "Yuan ahhhh ang lamig tama na pleaseee parang awa mo na" pakiusap ko muli kay Yuan. "Yan ang bagay sayo malandi ka kulang pa yan sa ginawa mong paninira sa buhay ko desperada ka kasi tangin* kang babae ka hay*p ka sana mamatay ka na" wika ni Yuan. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkakabuhos niya sa akin nang malamig na tubig ay sinampal niya naman ako nang napakalakas kaya dumugo ang labi ko. Matapos akong sampalin ay sinikmuraan niya naman ako at tinadyakan sa tyan na labis kong ikinanlumo sa sakit. Napaluhod ako sa sakit at pilit na iniinda ang masakit kong tyan ngunit tinadyakan niya pa ako muli sa tuhod, hita at kung saan saan pang parte nang aking katawan. Hanggang sa napagod siya at tinigilan na ang pag tadyak sa'kin. Iyak lamang ang aking nagawa at pamimilipit sa sakit habang siya ay parang tuwang tuwa pa sa kaniyang nakikita. "Ano masarap ba? Kulang pa yan sa ginawa mo sa'kin papahirapan kitang babae ka hanggang sa magsisi ka na pinakasalan mo ako" wika ni Yuan. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sobrang sakit nang ginawa niya sa'kin hanggang sa tuluyan nalang siyang umalis at iniwan ako dito sa bodega nang mag isa at inilock niya pa ang pinto. Paniguradong hindi na naman ako makakain o makakainom nang ilang araw dahil hindi ako makakalabas dito maliban nalang kung kelan niya maisipan akong pakawalan dito. Sa kabilang banda habang iniinda ko ang sakit nang aking katawan at putok na labi ay iniinda ko rin ang panlalamig nang aking katawan gawa nang binuhusan niya ako nang malamig na tubig at wala akong damit na pamalit. At sakto na malamig dito sa bodega at maalikabok pa kaya paniguradong papasukin ako nang lamig. Dahil saktong gabi na din hindi na ako umasang babalikan ako ni Yuan dito sa bodega kaya mas pinili ko na lamang mahiga sa malamig na sementong sahig at namnamin ang sakit at panlalamig nang aking katawan. Mulat na mulat ang lumuluha kong mga mata habang nakasilay sa buwan na natatanaw ko sa labas nang bintana nang bodega. Tahimik akong lumuluha habang inaalala ko ang mga pinagdaaanan ko ngayon na napakalayo sa nakagisnan kong buhay noon. Simula nung nagpakasal ako kay Yuan ay naging impyerno ang buhay ko pero kahit ganoon masaya ako kasi kasama ko ang lalaking mahal ko kahit sinasaktan niya ako kada uwi niya galing sa trabaho ay ayos lang ang mahalaga ay umuuwi pa din siya sa'kin at pinagpapasalamat ko yun sa diyos. Hindi pa din ako dinadalaw nang antok kahit hating gabi na mugtong mugto na ang aking mga mata ngunit hindi ko pa din mapigilan ang aking mga luha patuloy pa din sila sa pagdaloy dahil sa sakit na nararamdaman nang aking katawan. Kelan kaya ako mamahalin ni Yuan? Kapag pagod na ako at ayaw ko na? Sana naman mahalin niya na ako bago pa mahuli ang lahat. Hindi ako nagsisising pinagpalit ko ang buhay ko sa mansyon para lang sa ganitong buhay. Dahil kahit papaano kahit ganito ang buhay ko dito ay kasama ko naman ang lalaking mahal ko kesa sa mansyon na nakukuha ko nga lahat nang gusto ko wala naman akong kasama maliban sa mga katulong namin sa bahay dahil ang aking mga magulang ay masyadong busy sa kumpanyang pag aari namin kaya nababalewala na ako sa kanila kaya mas okay na ako sa ganito kahit lagi akong bugbog sarado. _______________________________________________________ KINABUKASAN Nagising ako sa sikat nang araw na tumatama sa aking mukha umaga na pala at hindi ko namalayan dahil napasarap ang tulog ko dahil sa kaiiyak ko kagabi tinungo ko kaagad ang pintuan nang bodega kung pinagbuksan na ba ako ni Yuan ngunit bigo ako dahil nakalock pa din ito kaya't wala akong pagpipilian kundi maghintay na pagbuksan niya ako. Dahil kung magwawala ako at magpupumilit ay tiyak na mas malala pa ang gagawin niya sa'kin naalala ko tuloy nung una at huling beses na nagwala ako at nagpumilit na pagbuksan niya ay hinampas niya ako nang kadenang bakal sa katawan kaya malalang mga pasa ang natamo ko kaya ayoko nang maulit iyon. Uhaw na uhaw na ako at gutom na gutom na din dahil hindi pa ako nakakain kagabi dahil abala ako sa paglilinis nang bahay at paglalaba dahil hindi kumuha nang katulong si Yuan dahil gusto niyang ako ang gumawa nang lahat nang gawaing bahay kaya hindi ko namalayan na gabi na pala at saktong padating na si Yuan kaya hindi na ako nagkaroon nang oras na makakain kahit kaunti. Dahil pagkadating niya matapos ko siyang pagbuksan nang gate para maipasok niya at maipark ang kaniyang sasakyan ay agad na niya akong kinaladkad papasok nang bahay gawa nang sobrang pagod ko ay hindi na ako nakapanglaban. Tanghalian na at ganun pa din wala pa ding Yuan na pumupunta sa'kin sobrang tamlay ko na dahil sa pagod, sakit at gutom na nararamdaman ko idagdag mo pa ang masakit kong tiyan na lalong sumakit pa dahil sa nararamdaman kong gutom. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang magbuntis dahil palagi akong sinisikmuraan ni Yuan baka naapektuhan na ang matris ko pero wag naman sana dahil gusto ko pang magkaroon kami nang mga kyut na anak ni Yuan. Lumipas ang hapon at sakto pinuntahan ako ni Yuan sa bodega at pinakawalan lumabas kami nang bodega at hinayaan niya akong pumunta sa sarili kong kwarto upang magpalit nang damit pagdating ko sa kwarto agad akong naligo at nagbihis nang damit matapos magbihis pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Napakalayo na nang hitsura nang Yanna noon sa ngayon dahil ang Yanna noon ay napakaganda at palaging blooming at fresh samantalang ang Yanna ngayon ay losyang na, makapal ang eyebugs, puro pasa at higit sa lahat namumutla na. Ipinagsawalang bahala ko nalang ang aking hitsura at agad na din akong bumalik kay Yuan upang tanungin siya kung nag umagahan at tanghalian na ba siya. "Yuan kumain ka na ba nang agahan at tanghalian?" Tanong ko kay Yuan. Ngunit para lamang akong nakikipag usap sa hangin dahil walang sumagot sa'kin at umakyat na lamang ito sa kwarto niya kaya pinagsawalang bahala ko nalang iyon bagkus dumiretso na lamang ako sa kusina at naghanap nang maaaring lutuin sa refrigerator at napagpasyahan ko na ngang magluto na lamang nang adobong baboy na paborito ni Yuan. Nagsimula na nga akong magluto at nagsaing na din ako habang hinihintay kong maluto ang ulam at kanin ay nagwalis at nagmop muna ako nang sahig para hindi ako kagalitan na naman ni Yuan dahil makalat ang bahay. Sakto namang pagbaba ni Yuan ay naghahain na ako nang hapunan kaya agad ko siyang tinawag upang kumain na siya dahil ayaw niya naman akong kasabay kumain kaya titiisin ko nalang ang gutom ko at ang sikmura ko na humahapdi na mamaya nalang ako kakain pagkatapos niya. Umalis ako sa dining area upang makakain nang maayos si Yuan dahil ayaw niyang pinapanood ko siyang kumain nagtungo na lamang ako sa kusina at uminom nang tubig para maibsan ang nararamdaman kong gutom dibale mamaya nalang ako kakain pagkatapos ni Yuan hindi naman niya siguro mauubos ang niluto kong ulam at ang kanin. Naramdaman kong tumayo na si Yuan sa dining area kaya alam kong tapos na siyang kumain dumiretso siya dito sa kusina kaya nagtaka ako kung bakit siya nandito akala ko kukuha lang siya nang tubig dahil kulang ang tubig na binigay ko sa kaniya ngunit laking gulat ko nang tinapon niya ang natirang niluto kong ulam sa basurahan pati na rin ang natitirang kanin sa rice cooker. Matapos niyang itapon sa basurahan ang mga tirang pagkain ay nginisihan niya ako nang malapad na agad kong ikinanlumo paano na ako kakain ngayon kung tinapon niya ang tirang pagkain yun na ang huling stock sa ref kaya ayun ang aking niluto wala din naman akong pera dahil kinausap ni Yuan ang mga magulang ko na wag na akong bigyan nang mga cards or cash dahil responsibilidad niya daw iyon bilang asawa ko ngunit parte pala iyon nang plano niya. Matapos niya akong ngisian ay umalis na siya sa kusina at bumalik na siya sa itaas sa kwarto niya paniguradong busy na naman iyon sa paperworks niya kaya nagkukulong siya sa kaniyang kwarto. Nang makaalis na si Yuan agad nagbagsakan ang masagana kong luha dahil sa ginawa ni Yuan napaupo ako sa sahig dahil sa aking panlulumo ngunit pinahid ko din agad iyon at pilit ipinagsasawalang bahala titiisin ko nalang itong gutom ko tutal ay sanay naman na ako sa gutom dadaanin ko nalang ito sa tubig. Kinagabihan ay bumaba si Yuan galing sa itaas at nakita ko siyang nakaporma na damit kaya agad ko siyang nilapitan. "Yuan saan ang lakad mo gabi na ah?" Tanong ko kay Yuan. "Ano bang pake mo? At anong karapatan mong malaman kung saan ako pupunta ha. Asawa lang kita sa papel kaya wag kang umasta na parang may karapatan ka sa'kin" Sagot ni Yuan sa'kin sabay pisil sa mukha ko at tinulak ako palayo sa kaniya kaya muntik na akong matumba. "Ahh ganon ba sige mag iingat ka kung saan ka man pupunta dahan-dahan sa pagmamaneho ha hihintayin kita makauwi" Wika ko kay Yuan. Ngunit agad niya lang akong tinalikuran at binangga pa sa balikat hanggang sa makalabas siya sa pintuan kaya agad ko siyang sinundan para mabuksan at maisarado ko ang gate sa pag alis niya. Pagkaalis na pagkaalis ni Yuan ay agad kong isinira ang gate at pumasok na ulit sa bahay napaupo na lamang ako sa sofa dahil medyo nanlalambot na ang tuhod ko gawa sa gutom. May naisip akong ideya kaya naman agad akong pumunta sa kusina upang tignan ang rice cooker na tamang tama ay may mga tutong pa kaya agad ko iyong kinuha at agad na nilagay sa plato napalunok na lamang ako habang tinitignan ko ang tutong na nasa plato. Hindi ko kaya kumain nang walang ulam ngunit kailangan kong gawin para malamanan ang aking tyan kaya kumuha ako nang mantika at toyo at nilagyan ko nang kaunti ang kanin na tutong tinuro sa'kin ito ni Manang Lourdes nung bata pa ako ganito daw ang pagkain nila sa probinsiya lalo na pag walang wala siyang makain sumubo ako at agad na nagbagsakan ang mga luha ko dahil sa sitwasyon ko masama ang loob ko dahil kay Yuan pero kahit ganoon ay naiintindihan ko siya kaya hindi ako nagtatanim nang galit sa kaniya. Lumipas ang ilang oras at hindi pa din umuuwi si Yuan kanina pa ako naghihintay sa kaniya at saktong alas tres na nang madaling araw nang may bumusina sa labas nang gate kaya agad agad akong nagtatakbo palabas upang pagbuksan ang bumubusinang kotse ni Yuan. Matapos niyang ipasok ang kotse ay agad kong sinirado ang gate at sinalubong ko si Yuan na pasuray suray na naglalakad papasok nang bahay inalalayan ko siya dahil baka siya ay matumba nagpapasalamat ako sa diyos na nakauwi siya nang maayos at ligtas kahit lasing na lasing siya dito ako bilib kay Yuan kasi kahit lasing na lasing siya ay kaya niya pa din magmaneho nang maayos. Nang makapasok na kami sa bahay ay agad ko siyang inalalayan paakyat sa kwarto niya kahit alam kong ayaw na ayaw niya akong tumapak sa kwarto niya dahil baka daw madumihan ang kwarto niya sa kagaya kong madumi at desperadang babae ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon kesa hayaan ko siyang matulog sa sofa dibaleng bugbugin niya ako bukas dahil sa pagpasok ko sa kwarto niya ang mahalaga maayos at komportable siyang natutulog. Matapos ko siyang ihiga sa kama niya ay agad ko siyang tinanggalan nang pang itaas na damit dahil bahagya nang basa ang kaniyang pang itaas, matapos ko siyang tanggalan nang pang itaas ay kumuha ako nang malinis na towel at planggana na may maligamgam na tubig para malinisan ko siya at para komportable siyang makatulog. Matapos ko siyang punasan ay pinalitan ko siya nang damit pang itaas hindi ko na siya pinalitan nang pangbaba niya dahil baka kung anong isipin niya na pinagnasahan ko siya habang lasing. Kinumutan ko na siya at akmang aalis na nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, agad akong napayuko at nagtama ang mga labi namin agad niya akong hinalikan at naestatwa ako dahil sa gulat kaya hindi ako nakagalaw agad ngunit agad din akong nakabawi at ako na mismo ang lumayo dahil baka gawa lang nang kaniyang kalasingan kaya niya nagawa iyon tatalikod na sana ako para lumabas para makatulog na siya ngunit natuod ako sa aking kinatatayuan dahil sa sinabi ni Yuan. "Bumalik ka na sa'kin Solene please miss na miss na kita hindi ko kaya nang wala ka, pag bumalik ka pangako makikipag divorce ako kaagad kay Yanna at magpapakasal tayo" Wika ni Yuan habang may tumulong luha sa nakapikit niyang mga mata. Hindi ko na nagawang ihakbang ang mga paa ko dahil sa sakit na tumarak sa puso ko tila nawalan nang lakas ang mga paa ko na humakbang pa dahil sa aking narinig. Mapait akong napangiti sa narinig dahil sa kabila nang apat na taon na pagtitiis ko at pagsubok na mahalin ako ni Yuan ay si Solene pa din pala ang mahal niya na hinding hindi ko kayang pantayan kahit anong pagtitiis at gawin ko bumigat ang dibdib ko at nahirapan akong huminga tahimik kong pinapanood ang maamong mukha ni Yuan habang natutulog tahimik akong umiiyak habang himihiling na sana ako nalang si Solene para mahalin din ako ni Yuan. Bago pa man ako tuluyang manghina ay agad na akong umalis sa kwarto ni Yuan at dumiretso na ako sa kwarto ko at duon ko na binuhos ang masagana kong luha. Na kanina ko pa pinipigilang ihagulgol sa kwarto ni Yuan umiyak ako nang umiyak hanggang sa mamugto na ang aking mga mata. Sobrang sakit nang nararamdaman ko dahil sa kabila nang pagtitiis ko sa loob nang apat na taon si Solene pa din pala akala ko kahit tiisin ko ang pananakit ni Yuan at pagpapahirap niya sa'kin ay matututuhan niya din akong mahalin ngunit nagkamali ako. All this time si Solene pa din pala talaga kahit anong gawin ko si Solene pa din at walang makakapantay kay Solene sana ako nalang siya para mahalin din ako ni Yuan. Hanggang kailan pa kaya ang kaya kong tiisin gayong alam ko na wala pala talaga akong pag asang mahalin ni Yuan susubukan ko pa ba ulit? lalaban pa ba ako ulit? magtitiis pa ba ako ulit? magpapakatanga pa ba ako ulit? susuko na ba ako? Pero mahal ko siya hindi ko kaya nang wala siya kaya nga pinilit kong magpakasal sa kaniya kasi mahal ko siya. Sana mahalin niya na ako habang mahal ko pa siya sana maayos na yung pagsasama namin habang hindi pa ako sumusuko sana kayanin ko pa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kaiiyak at napasarap ang tulog kaya hindi ko namalayan ang oras kaya nagising ako nang may malamig na bagay na umaagos sa katawan ko kaya agad akong napabalikwas nang bangon. Agad na nagtama ang mata namin ni Yuan kaya agad agad akong napatuwid nang tayo sa sobrang taranta at takot. "Aba buhay prinsesa ka tanghali na anong oras na at hindi ka pa nag aasikaso nang agahan ko napakawalang kwenta mo talagang babae ka" Wika ni Yuan sa'kin na agad naman akong sinabunutan at kinaladkad pababa. "Aray Yuan nasasaktan ako tama na hindi ko sinasadya hindi ko na uulitin parang awa mo na pleaseee ang sakit na" Iyak na wika ko kay Yuan ngunit tila wala siyang naririnig bagkus kinaladkad niya pa ako papunta sa kusina at binalibag ako papunta sa may lababo na agad ko namang kinangawa dahil tumama ang likod ko sa lababo kaya sobrang ininda ko ang sakit. Ngunit hindi pa man ako nakakabawi ay binato ako ni Yuan nang babasaging baso na pinaglagyan niya nang malamig na tubig kanina na ibinuhos niya sa'kin, dahil sa pagbato niya sa babasaging baso tumama ito sa noo ko at agad na dumugo at bumagsak sa sahig at agad na nabasag. Kaya dali dali ko itong pinulot dahil baka masugatan ng bubog nito si Yuan dahil sa ginawa kong pagpulot sa mga basag na piraso nang baso ay nahiwa at nagkandasugat sugat ang kamay ko na agad namang dumugo at pilit kong hindi ito ininda kahit sa kaloob looban ko ay napakahapdi, kirot at sakit na ng mga sugat at katawan ko. Matapos kong itapon sa basurahan ang mga piraso nang basag na baso ay naghugas ako nang kamay upang maalis ang mga dugo at agad na inihanda ang agahan ni Yuan may maihahanda akong agahan niya dahil bumili siya nang pagkain niya na sasakto lamang sa kaniya at walang sosobra. Sa palagay ko ay isinadya niya iyon upang wala na naman akong makain ngunit hindi ko na pinansin iyon at pinagpatuloy na lamang ang pagluluto sa pancake at bacon ni Yuan at ipinagtimpla ko na din siya nang kape. Matapos kong ihanda ang agahan niya ay agad na siyang kumain at ako naman ay umiwas na lamang nang tingin at piniling bumalik sa kwarto ko upang maligo at magbihis. Saktong pagbaba ko matapos kong maligo at magbihis ay wala na din si Yuan siguro ay umalis na ito patungo sa trabaho kaya dumiretso na lamang siya sa kusina dahil umaasa siyang may natira si Yuan kahit kaunti ngunit bigo siya dahil nasa basurahan na naman ito kaya napagpasyahan niya na lamang na maghugas at pagtapos niya maghugas ay napagpasiyahan niyang lumabas nang bahay at maghanap nang trabaho. TO BE CONTINUED...... Ano kaya ang mangyayari sa paglabas ni Yanna nang bahay at sa paghahanap niya nang trabaho? Author's Note: Don't forget to Vote. I hope u enjoy the first part of my story.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.8K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.5K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
609.1K
bc

Bad Boy Biker

read
8.6K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook