Chapter 1

1266 Words
"Hoy babae!" napahawak si Blanca sa ulong tinamaan ng unan na binato ni Janice ang bruha niyang pinsan. "Bilisan mong bumangon diyan ipag-igib mo ako ng tubig para naman hindi sayang ang pinapalamon sa iyo ni Mommy" nakaismid na bulyaw nito sa kanya. "Oo sige" malamig niyang tugon rito. Pagkalabas niya ng kanyang silid ay ang nakasimangot na mukha ng tiyahin ang nabungaran niya. "Blanca nasaan na!" bungad nito sa kanya ng tiyahin. "Ang alin po Tiyang?" tanong niya rito. "Nasaan ang kinita mo kagabi, akina" bulyaw nito sa kanya at inilahad ang kamay. "Pero po Tiyang, dalawang daan na lang po ang natira sa akin, pinangbili ko na po ng gamot ng Tiyong" tugon niya sa tiyahin. Pak! "Tonta!" bulyaw nito sa kanya matapos siya nitong sampalin, "wala ka talagang silbi, inuna mo pa ang gamot ng inutil mong Tiyuhin eh mamatay din naman yang matandang yan!" galit nitong wika sa kanya. "Tiyang wag naman po kayong ganun, di naman po ginusto ng Tiyong na mahulog siya at mabalda" naiiyak na sagot niya rito habang hawak ang nasaktang pisngi. "Wala akong pakialam, akina ang pera" galit na wika nito sa kanya. Walang nagawa si Blanca kundi ibigay ang natirang pera mula sa kinita niya sa club. Nagtratrabaho siya bilang bottle girl sa Sensual Society Club, isang members only club. Pinasok siya ng kaibigang si Tess na isa sa mga strip dancer sa SSC. Namatay ang mga magulang ni Blanca noong labing isang taong gulang siya, iniwan siya ng kanyang nakakatandang kapatid sa pangangalaga ng Tiyong Abel nila na kapatid ng yumao nilang ama. Matapos na magpaalam ang kanyang kuya Benjie para magtrabaho ay wala na siyang balita kung nasaan ito ngayon. Para siyang pusa na iniwan nito, hindi niya alam kung magkikita pa sila ng kapatid at wala din siyang balak pa na hanapin ito. Mabait ang kanyang Tiyong Abel, hindi kagaya ng pamilya nito. Hindi maganda ang trato sa kanya ng asawa ng kanyang Tiyong, maging ang dalawang mga anak nito. Simula ng kupkupin siya ng Tiyong Abel niya natutunan niyang makipagsapalaran para mabuhay. Sa edad niyang labing isa ay kung ano anong raket ang pinasukan niya kasama ang kababatang si Tess. Nang maksidente ang tiyuhin, nung nakakaraan taon ay napilitan siyang pumasok sa club kaysa magtinda ng isda sa palengke na hindi kayang tustusan ang gamutan ng tiyuhin. Kapag wala siyang pasok sa club ay naglalabada siya kung saan saan. Tinanaw ni Blanca ang tiyahing malawak ang ngiti, sigurado siyang sa pasugalan ni Mang Ambo ang punta nito para maglaro ng tong-it. Bumuntong hininga siya at tumuloy sa banyo para kunin ang dalawang balde na iigiban niya. Tulak ang kariton na pinaglagyan niya ng mga balde ay tumuloy siya sa igiban at pumila. "Aba nandito na pala si Blanca" bungad sa kanya ni Toto, isa sa mga tambay sa kanilang lugar kasama nito ang mga kabarkada. "Magandang araw sa iyo Blanca" nakangiting bati naman sa kanya ni Norman, ito ang pinaka lider ng magbabarkada at makulit na nanliligaw sa kanya. Balita sa lugar nila na runner ang mga ito ng sindikato. "Morning" nakayukong tipid niyang sagot rito. "Pwede ba kitang ihatid mamaya sa club" nakangising tanong nito. Bumuntong hininga siya at nilingon niya ito. "Norman, tinapat na kita di ba?, ibaling mo lang sa iba iyang nararamdaman mo" napipikang sagot niya rito, na kinatawa ng mga kabarkada nito. "Pare wala ka pala kay Blanca eh" tumatawang wika ni Bugoy, ang pinakamalaki ang katawan sa magkakabarkda. Mukha itong wrestler. "Magsitigil kayo!" bulyaw ni Norman sa mga kasama nito at binalingan siya ng lalaki. "Blanca di ba sinabi ko sa iyo, ayaw kong tinatanggihan ako, kahit anong pakipot mo magiging akin ka pa rin" galit na sabi nito at hinawakan nitong mahigpit ang kaniyang braso. Nakaramdam si Blanca ng takot sa winika ng lalaki. "Norman, nasasaktan ako pwede ba!" madiing wika niya rito. "Blanca ano ba, yung pangpaligo ko!" sigaw ni Janice sa kanya, papalapit ito sa kanila at nanglilisik ang mata. Binitawan ni Norman ang kanyang braso at hinirap nito si Janice. "Babe magandang umaga!" sabay akbay sa pinsan niya. "Babe, ano bang pinag uusapan ninyo kailangan ko na ang inigib ng babaeng yan" tanong nito kay Norman habang nakalingkis sa lalaki. "Wala babe, tinatanong lang kita sa kanya kung nasaan ka" nakangising sagot nito sa pinsan niya. "Oh napaka sweet mo talaga babe" kinikilig na wika ni Janice. Buwisit na buwisit na talaga sa mga ito, pero di mawala ang kabang nararamdaman niya sa banta ni Norman sa kanya. Matapos mapunan ang kanyang mga balde ay inilapag niya ang mga ito sa kariton na dala niya at di lumilingong itinulak ang kariton pauwi sa bahay nila. Ramdam niyang titig ni Norman sa kanya. Naghanhanda siya ng pananghalian ng lumabas ng silid nito si Marie, ang bunsong anak ng tiyuhin, inirapan siya nito at walang sabi sabing umupo sa hapag kaininan. Nakasimangot itong tumingin sa nakahain. Nagluto siya ng ginisang sardinas na may misua. "Ano ba naman! pagkain ba ito, sawang sawa na ko sa sardinas" reklamo nito, "ano pa't nagtratrabaho ka pa sa club kung sardinas lang lulutuin mo" patuloy nito. Kinuyom niya ang kanyang palad, "pasensiya na dahil bumili ako ng gamot ng Tiyong at kinuha ng Tiyang ang natira kung pera" mariing sagot niya rito. "Bakit nagrereklamo ka?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya. "Hindi naman sa ganun, pinapaalam ko lang" malamig niyang sagot rito. "Bukas may kailangan akong bilhin, bigyan mo ko ng isang libo" balewalang wika nito. "Marie, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko, ang nauuwi kong tip ay sa paggamot ng Tiyong" inis na sagot niya sa pinsan. "Boba ka kasi eh, kung naghuhubad ka kaya kagaya ng p****k mong kaibigan eh di mas malaki ang kita mo" nakairap na sagot nito sa kanya, "nawalan na ako ng ganang kumain, makaalis na nga",  tumayo ito at tinalikuran siya. Pagkalabas nito ng bahay ay bumuntong hininga siya. "Kunting tiis na lang Blanca makakaalis ka din sa buhay nila" bulong niya sa sarili. Inihanda niya ang pagkain ng tiyuhin. Dala ang tray ay pinuntahan niya ang Tiyong Abel niya sa silid nito. Nakaratay ang tiyuhin sa papag na higaan nito, paralisado ang kalahating katawan nito. "Magandang araw Tiyong!" nakangiting bati niya rito. Inilapag niya ng pagkain sa maliit na mesa sa gilid ng papag at inalalayan niyang makaupo ang tiyuhin. "Magandang araw anak!" mahinang wika nito. "Tiyong kumain ka muna para makainom ka po ng gamot niyo" nakangiting wika niya rito. "Pasensya ka na anak, alam kong nahihirapan ka na" naluluhang wika nito sa kanya. Umiling siya at inumang ang kamay na may hawak ng kutsara para subuan ito, binuka nito ang bibig. "Tiyong wag mo akong isipin, ayos lang po ako" aniya. "Anak, kung buhay lang ang mga magulang niyo at kung kasama mo ang kuya mo hindi sana ganito ang buhay mo, patawarin mo ako hindi kita naalagaan bagkos ay naging pabigat ako at ang pamilya ko sa iyo" lumuluhang wika niyo sa kanya. Pinipigilan ni Blanca na pumatak ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Nakangiting hinawakan niya ang mga kamay nito, "Tiyong napaka swerte ko po at kinupkop po ninyo ako, nagpapasalamat po ako at di ninyo ako pinabayaan , kaya natin to Tiyong" pinahiran niya ang luha nito. "Salamat anak!, napakabuti mo" hinaplos nito ang kanyang isang kamay. "Kain na po, para po mabilis kayong gumaling" wika niya rito. Tumango ito sa kanya at masiglang kumain. Nakangiting pinanood niya ang tiyuhin, isa lang ang alam ni Blanca ang tiyuhin ang tanging pamilyang meron siya. Matitiis pa niya ang lahat para dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD