Chapter 2

1183 Words
"Girl, di ka pa ba mag-aayos? Malalate tayo sa club" bungad sa kanya ng bagong dating na si Tess. Kababata niya ito, si Tess ang naging sandigan niya mula ng iwan siya ng kapatid na si Benjie sa pangangalaga ng tiyuhin. "Saglit lang inihanda ko pa kasi ang gamot ng Tyong, maliligo lang ako saglit lang to" nakangiting wika niya rito. "Sige doon mo ako daanan kina Aling Rosa, mwaah" nag flying kiss sa kanya ito at lumabas ng kanilang bahay. "Okay!" natatawang wika niya sa kaibigan. Makalipas ang bente minutos ay lumabas siya ng bahay suot ang simpleng black t-shirt na pinaresan niya ng kanyang lumang skinny jeans. Binigyan siya ni Tess noong nakaraang buwan ng pinaglumaan nitong high heels na siya niyang sinusuot kapag magsisimula na ang duty niya. Pag papasok pa lang siya ay suot niya lang ang flat sandals na unang gamit na nabili niya simula ng nagtrabaho siya sa club. Natanaw niya si Tess na naninirigarilyo sa tindihan ni Aling Rosa ang numero unong tsismosa ng kanilang lugar. "Halika na Tess!" yaya niya sa kaibigan, magandang hapon po Aling Rosa! bati naman niya sa matandang babae. "Aba Blanca, ang tiyahin mo pala ay may nakuhang dalawang litro ng emperador kanina, ikaw daw ang magbabayad" pagbibigay alam nito sa kanya. "Ano ba naman kayo Aling Rosa!" nakasimangot na wika ni Tess dito, "di ba po sinabihan na kayo ni Blanca na huwag na ninyong bigyan ng Alak si Aling Nida" dagdag na wika nito. "Naku eh alam mo naman na di papaawat yang tiyahin ni Blanca, walang gagawin yon kung hindi mag tatalak kung hindi ko bibigyan" nakaismid na sagot nito. "Sa susunod na araw ko na lang po bayaran Aling Rosa, pasensya na po kayo" saad niya sa matanda. "Oh siya, ewan ko ba naman sa iyong bata ka bakit ka nagtitiis sa mag anak na yan" sagot nito sa kanya. "Mauna na ho kami" paalam niya sa matanda di na lang niya pinansin ang komento nito. "Sige ho Aling Rosa" pinatay ng kaibigan ang sigarilyo nito matapos magpaalam kay Aling Rosa. Dumating sila ni Tess sa Club kalahating oras bago ang kanilang shift. "Girl pasok na ko sa dressing room" paalam sa kanya ni Tess. "Sige sa locker room na ko para makapag ayos na din" aniya. Papatalikod na siya nang tawagin siya ng kaibigan. "Blanca, mamaya mauna ka na umuwi sa VIP ako tonight" malungkot na wika nito sa kanya. "Tess" mahinang tawag niya rito. "Ayos lang ako, sige na mauna na ako" pilit ang ngiting paalam nito sa kanya. Malungkot niyang tinanaw ang papalayong kaibigan, pareho sila ni Tess na walang ibang pagpipilian kundi magpatuloy. "Wow ang aga mo bakla" bati sa kanya  ni Danita, isa mga  sa mga kasamahan niyang bottle girl. "Kumusta ang day off mo?" tanong niya dito. "Hay naku eh di ano pa nag side line ako" malawak na ngiting sagot nito, "sabi ko naman sa iyo dapat sumama ka sa akin eh" dagdag pa nito. "Alam mo namang hindi ako pwede" tipid niyang sagot dito. "Naku Danita 'wag no ng pilitin yang si Blanca, hanggang pang bottle girl lang yan hindi yan kagaya natin" nakaismid na sabat naman ni Lyn, isa sa mga kasamahan niyang kagaya ni Danita at Tess na pumapayag sa private service. "Bitter!" itinirik ng kaibigan ang mata, "Huwag mo na lang intindihin yang babaetang yan" anito. "Okay lang" tumango siya sa kaibigan at inayos ang pagkakalapat ng suot niyang black dress, litaw ang buong likod niya at hapit na hapit. "Girls tawag na kayo ni Boss" sigaw ni Leo, ang security na naka assign sa mga bottle girls na kagaya niya. Ang boss na sinasabi nito ay ang Manager ng SSC na si Sonny Roxas. Sabay sabay silang lumabas at pumasok sa isang silid kung saan nandoon lahat ng kanilang mga katrabaho mula sa mga bar tender, waiter, sa mga dancer kabilang ang kaibigang si Tess at ang mga security. "Boss!" sabay sabay na bati nila sa pagpasok ng taong namamahala ng club. "May event tayo next week, kailangang paghandaan, darating si Master" seryosong wika nito. "Yes boss!" sagot nilang lahat. "Sige maghanda na kayo in 15 minutes magbubukas na tayo" utos nito sa kanila. Nakapila siya at papalabas na ng tawagin siya nito. "Blanca may pag-uusapan tayo" walang emosyon hayag nito. Nagkatinginan sila ni Tess, kinakabahang lumingon siya rito at tumayo malapit dito. Nakita niyang nagsilabasan na ang lahat at dalawa na lang silang naiwan. Maya maya ay nagsalita ito na  kinagulat niya. "Ihanda mo ang sarili mo dahil sa ayaw at gusto mo sa gabi ng event ay magiging bahagi ka ng VIP" malamig na wika nito. "P-pero B-boss" nanginginig na wika niya. "Take it or leave it, kung hanggang ngayon ay di ka pa din susunod mas magandang maghanap ka na ng ibang trabaho" balewalang wika nito. "B-boss!" naluluhang bulalas niya. "Makakaalis ka na, bibigyan kita hanggang sa lunes kung hindi ipapahanda ko na ang huling sahod mo" wika nito habang nakatalikod sa kanya, nakatanaw ito sa labas ng glass wall. Nakayukong naglakad siya palabas ng silid,  nakasalubong niya ang tingin ni Leo na puno ng pagkaawa sa kanya Pinahid niya ang kanyang mga luha at kinalma ang kanyang sarili, kailangang kailangan niya ng trabaho para sa gamot ng kanyang Tiyong Abel. "Kuya wake up!" gising ni Dj kay Brandon. "Kuya Dj may practice race kami ngayon bakit ba hindi si Essex ang sinama mo" kunot-noong reklamo ni Ezekiel sa kanya. "Stop complaining, sige na tawagan mo na si Manang Andeng para magpadala ng maglilinis dito sa Villa ni Kuya" utos niya sa kapatid. Maaga niya itong tinawagan para dumalaw sa Kuya Brandon nila. "Hanggang kailan ka ba magiging ganito Kuya" bulong ni Dj sa sarili habang nakatingin sa nakakatandang kapatid. Magulo ang buong kabahayan na parang dinaanan ng bagyo, nagkalat ang mga basyo ng alak. Mahaba na ang buhok ng kapatid at mukha na itong bandido. Bumuntong hininga si Dj, apat na buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay sa aksidente ang hipag at ang batang pinabubuntis ni Celina. Sobrang nag alala na ang mga magulang nila, maging ang Lolo at Lola nila. Di na nila alam na magkakapatid ang gagawin, as if their Kuya Brandon stop living. Nagfile ito na indefinite leave sa kapitolyo, kasalukuyang ang Vice Governor ng lalawigan nila ang siyang acting Governor ngayon. Ilang buwan na lang at magsisimula na ang eleksyon pero wala pa ding balak ang Kuya nila na ipagpatuloy ang panunungkulan o maging ang buhay nito. "Bilin ni Mama kailangan sa hacienda si Kuya" wika ni Ezekiel sa kanya. "Yun nga ang problema natin, paano natin madadala si Kuya, look at him, magagalit si lolo dahil ganyang ang itsura ni Kuya" frustrated na sagot niya sa kapatid. "Well we have to start waking him up and make sure he is sober" anito. Pareho silang napabuntong hininga, their brother is a mess, and he knew that's the worst is yet to come. Kahit gustuhin man nilang wag masaktan ang kapatid kaya lang ay nakatakda itong mas masaktan pa and this time his brother will be shattered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD