Chapter 3

1533 Words
Nakakasilaw na liwanag at maingay na paligid ang nagpagising kay Brandon. "Ah sh*t" sapo ang kanyang ulo ay dahan dahan na bumangon si Brandon. "It's about time!" wika ni Dj sa kanya, inilapag nito ang umuusok na brewed coffee. "What are you two doing here?" inis na tanong niya rito. "Pinapatawag ka ng Lolo sa hacienda and we will not leave without you" singit naman ni Ezekiel sa kanya sabay upo sa one seater couch sa gilid niya. "Tell them I'm busy" nakapikit ang matang hayag niya. "Too late for that, you have to fix yourself hermano" wika ni Dj sa kanya, here take this inabutan siya nito ng aspirin at tubig. Matapos inumin ang gamot ay kinuha niya ang kape sa center table at humigop. "Ah this is so good" mahinang bulong niya sa sarili. He don't remember the last time he had a good cup of coffee. "It's important that you will come with us, Kuya, Lolo is serious this time and I don't think we can sway him" babala sa kanya ng kapatid na si Ezekiel. Lahat silang magkakapatid ay mas takot sa Lolo nila kaysa sa kanilang Papa. Their father is a very diplomatic man while their grandfather is the dangerous one. "Kuya, hold yourself together and get ready you will face the dragon" may halong biro na wika naman ni Dj. Tumango siya sa mga ito, he has no choice but to come home. "Here!" binato sa kanya ni Dj ang towel, "before anything else let's get you a hair cut" natatawang inis nito sa kanya. "Back off" asar na wika niya rito. Brandon knew na mukha siyang ermitanyo dahal mahaba na ang kanyang buhok. "Come on Kuya like the old times, promise I haven't lost my touch yet" nakangising itinaas nito ang shaver at scissor. "You're crazy" seryosong wika niya. "Come on Kuya don't wait for Essex to see you with the hair like that, you look like a ermit" natatawang wika naman ni Ezekiel. "You two leave me alone!" bulyaw niya sa mga ito at naglakad papasok ng guest room, naulinigan pa niya ang usapan ng dalawa. "At least I tried" sambit ni Dj. "Well good thing Essex is not here or else Kuya Brandon will have a shaved head" humahalakhak na wika nito na kinailing niya. Sakay ng chopper dumating sila ng hacienda bago mapananghali. Nadatnan nila sa garden na naghihintay ang kanyang Mama at ang kanilang Lola, katabi nito si Sofia at si Lexie. Halata na umbok na tiyan nito. Nakaramdam ng labis na kalungkutan si Brandon pagkakita sa hipag. Kung buhay ang kanyang asawa ay marahil nasa ikapitong buwan na ito ng pagbubuntis. "Oh my son" wika ng kanyang Mama, habang haplos nito ang kanyang mukha, niyakap niya ang kanyang Mama. Bumaling siya sa kanilang Lola Amelia, mababakas ang pagkahabag nito sa kanya na kinakirot ng kanyang puso. He give her a kiss on the forehead at nagmano siya dito. "Bienvenido a casa hijo, me alegro de que estés aquí" bati nito sa kanya. (Welcome home hijo, Im glad you're here.) "Kuya" lumuluhang mahigpit siyang niyakap ng kapatid, ginantihan niya ng mahigpit na yakap ang kanilang prinsesa. "It's okay princess" usal niya rito. "Welcome home, Kuya Brandon" nakangiting bati sa kanya ni Lexie. "Thank you" tipid niyang sagot dito. "Nakakapag selos na ah, nandito ang pinaka guwapo sa lahat di nyo man lang pinansin" reklamo ni Dj na kinatawa ng mga babae. "Mama di ba ako ang pinaka guwapo sa lahat" nakangising tanong naman ni Ezekiel sa kanilang ina. Sa ibang pagkakataon ay nakitawa siya sa lahat pero sa pagkakataong iyon ang kanyang mga mata ay nakatitig sa tiyan ng hipag. "Can I hold it" paalam niya rito sa mahinang  tinig. Natahimik ang paligid. "K-kuya" naluluhang usal ni Lexie sa kanya, "of course Kuya" kinuha nito ang kanyang mga kamay at inilapat nito sa maumbok nitong tiyan. Sa ilang sandali, Brandon feel a different kind of peace. Ang buong atensyon niya ay sa pumipintig na tiyan ng hipag. Tumikhim siya at pilit itong ningitian. "S-salamat" usal niya. "Anytime Kuya, nasa school pa ang kambal, si Kyle nasa plantasyon mamaya lang po ay uuwi na din siya" nakangiting wika nito sa kanya. He feel a pang of jealousy seeing her sister in law glowing sa kabila ng pinipigilang luha nito, maybe just maybe Celina was the same if she is alive. "Hijo!" pukaw sa kanya ng kanilang Mama, "naghihintay na ang Papa mo at ang Lolo mo sa library." Nagtataka siya kung bakit, base sa pagkaksabi ng mama niya ay usapan ito sa pagitan lang nila ng papa at lolo niya. "Sige po" tugon niya sa ina. Tinanguan naman niya ang mga kapatid at hipag, bakas sa mga ito ang pagalala. Kumatok si Brandon bago niya itulak ang pintuan pabukas. Nakita niya ang ama niyang nakaupo sa pag-isahang sofa at ang kaniyang abuelo naman ay nasa kaharap na upuan ng ama. "Sit down" seryosong bungad ng abuelo. "Pinatawag nyo daw po ako" bungad niya sa ama at lolo matapos siyang maupo sa harapan ng mga ito. Inilapit ng ama ang isang baso sa harapan niya at sinalinan ng whisky, "take this we all know that you used to it by now" casual na wika ng kanyang papa. Nakatingin sa kanya ang kanyang abuelo, bumuntong hininga siya at kinuha ang baso sabay lagok ng laman nito. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, anong gusto mong mangyari sa buhay mo Brandon Arden" seryosong wika ng abuelo. "Grandpa!" mahinang usal niya, naninikip ang kanyang damdamin. "We try to understand you, hindi ko sinasabing huwag kang magluksa, but don't forget that you are a De Silva and the Governor. You have responsibility and you have the obligation to all your constituents" may diing saad nito. "I will resign Grandpa, Papa" hayag niya sa mga ito. "And then what?, you will keep doing illegal underground fights" sigaw ng kanyang abuelo na kinagulat niya. Paano nito nalaman ang tungkol doon. "Akala mo ba hindi namin malalaman ang ginagawa mo sa sarili mo" singit naman ng kanyang ama. "I don't know what to do, I want this pain gone" nanginginig ang kanyang tinig na sagot niya. "Son, don't throw away your life" mahinang tinig na wika ng kanyang ama. "This is not the end hijo, pull yourself together" lumambot ang ekspresyon ng mukha ng lolo niya. "I don't deserve to live Grandpa, it's my fault" nakayukong wika niya at unti unting pumatak ang kanyang mga luha. "Brandon" sambit ng ama sa kanyang pangalan, napaangat siya ng tingin dito, nagpalitan ng makahulugang tingin ang kanyang ama at kanyang lolo. "Hijo, truth is we don't have any intention to show you this but you deserve to know that it's not your fault" wika ng papa niya. Inabot sa kanya ng ama ang clear folder na may nakasulat na case number. Kinuha niya ito at kinakabahang binuklat ito at ang tumambad sa kanya ay ang investigation report na may kinalaman sa asawa niya. Habang binabasa niya ang nilalaman nito ay panay ang tulo ng kanyang luha, ang mga sumunod na pahina ay ikinuyom niya ang kanyang kamao. Brandon felt pain and betrayal, his whole being died over and over again. Pagal na inilapat ni Blanca ang kanyang katawan sa kanyang higaan. Kakatapos lang niyang ipagluto ng pagkain ang mga kasama niya sa bahay. Pagkadating na pagdating niya ay pinakain at pinainum niya ng gamot ang tiyuhin. May ilang oras pa siyang pwedeng itulog pero ang kanyang isipan ay naglalakbay sa nagpag-usapan nila ni Boss Sonny. Ilang araw lang ang binigay sa kanya para magdesisyon, ayaw niyang gawin ang pinapagawa nito. Subalit hindi niya alam kung saan naman siya uli papasok para magtrabaho. "A-abel!!!" narinig niyang sigaw ng tiyahin. Kumabog ang kanyang dibdib at dali dali siyang bumangon para lumabas ng kanyang silid. Nakita niya ang tiyahing tumatangis. "T-tiyang" usal niya rito. "Ikaw, ikaw ang malas sa buhay namin!" nangliliisik ang matang sigaw nito sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito at dali dali siyang pumasok sa silid ng Tiyong Abel niya. Gumuho ang lahat kay Blanca ng makita ang tiyuhin, dilat ang mga mata nito ngunit di na ito humihinga. "Tiyong! Hindi!" humagulgul siya ng iyak at niyakap niya ito. "Tiyong, gumising ka please, huwag niyo naman pong gawin sa akin ito, Diyos ko po" tumatangis niyang wika. "Tiyong Abel!" patuloy na pagtangis niya. Iyak ng iyak si Blanca sa buong panahon ng lamay ng kanyang tiyuhin. "Girl magpahinga ka naman" wika sa kanya ni Tess. "Tess, bakit ganun lahat ng mahalaga sa akin ay kinuha Niya, ano bang naging kasalanan ko?" tumutulo ang kanyang mga luha na tanong niya sa kaibigan. "Blanca, alam kong wala akong pwedeng sabihin na magpapagaan sa nararamdaman mong pagluluksa, pero tandaan mo na nandito ako para sa iyo, hindi tayo pwedeng sumuko" malumanay na sagot nito sa kanya,namumuo din ang luha nito sa mga mata, hinawakan ng kaibigan ang kanyang kamay at hinaplos. "Salamat Tess, sa lahat, salamat at nandito ka" umiiyak na wika niya sa kaibigan. "Lagi Blanca tandaan mo yan, kasangga mo ko" nangingiting wika nito. Walang salitang hinawakan niyang mabuti ang kamay nito at tahimik nilang pinagmasdan ang kabaong ng Tiyong Abel niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD