"Welcome back Gov.!" sabay sabay na bati sa kanya ng mga empleyado.
"Good morning everyone!" ganting bati niya at tumuloy na siya sa kanyang tanggapan.
"Natawagan mo na ba si Mr. Ramos?" tanong niya sa kanyang assistant na si Louie.
"Yes, Gov your meeting with the rest of the campaign team is set for tomorrow at 10 in the morning sagot nito sa kanya" sagot nito.
Seryoso ang mukha nito pero ramdam niya ang kaba nito dahil tatlong beses na nitong inayos ang salamin sa mata.
"Relax Louie, I'm okay, napadala mo na ba yung pinabili kong sushi sa hacienda" wika niya rito.
"Yes Gov, kay Maam Lexie po mismo inabot ng tao natin" sagot nito sa kanya.
Nakangiting tumango siya. Siguradong abot tenga ang ngiti ng hipag.
"Okay let's go to work, gusto kong bisitahin ang bawat kagawaran" aniya.
"Sige po Gov" tugon nito sa kanya.
Matapos ang araw na kinausap siya ng hipag, sumama siyang umuwi sa hacienda. He will try to live again but his heart and mind is still in pain. Alam niyang hindi sang-ayon ang pamilya sa magiging desisyon niya pero this time he will go with it no matter what.
Nagring ang kanyang cellphone, sumenyas siya kay Louie na susunod siya.
"Hello" bungad niya.
"BADS, all set, I sent the code" wika ng kausap.
"Okay I will be there" tugon niya.
"Are you sure about this?" may alinlangang tanong nito sa kanya.
"Yes" tipid niyang sagot.
"Okay see you then" paalam nito.
"Gracias" aniya.
Pagkaend ng tawag ay binuksan niya ang message na pinadala nito. He clicks the link that was sent on his phone yesterday, nag prompt ang enter code. He types the code na pinadala ng tumawag. He just has to wait for the confirmation for the location of the event.
Napabuntong hininga siya, he can't believe that he will really going to do it, but he knew, to be able to continue living he need to do this.
Nasa hotel suite si Blanca. Kinausap niya si Boss Sonny sa pagsali niya sa auction, matapos ang pagpirma niya sa kontrata ay pinasamahan siya nito sa tauhan. Hindi kagaya ng ibang babaeng kasali sa auction, pinaalam sa kanya na apat na tao lang ang bidder niya. Naalala niya ang naging pag-uusap sa pagitan nila ni Boss Sonny.
"Blanca, nais kitang tulungan ito lang ang magagawa ko para sa iyo" panimula nito.
"Boss" mahinang usal niya.
"Sa susunod na linggo magaganap ang underground auction, apat lang ang mag bibidding sa iyo. Hindi kagaya ng ibang kasali sa auction, you will not put on display, they will received your details and if they are interested they will place their bid, the highest bidder will be waiting for you at the secret location. Ang tao ko ang magdadala sa iyo" paliwanag nito.
"B-boss Sonny" humihikbing wika niya, hindi niya alam kong anong mararamdaman niya.
"In that way, you will not feel like just a piece of merchandise, besides that particular set up has a starting bid of one million, this all I can do for you to lessen the burden" seryosong wika nito.
Tumango siya, hawak ang kontrata na nagsasabi na makukuha niya ang parte niya makalipas ang tatlong araw matapos siyang maclaim ng nanalong bidder. Walang pananagutan ang SSC sa anumang mangyayari sa kanya. Nanginginig ang mga kamay na pinirmahan niya ang kontrata. Alam niyang ang kanyang gagawin ay katumbas ng kanyang pansamantalang pagtakas sa buhay na meron siya ngayon, madudugtungan nito ang kanyang buhay.
"Dadalhin ka ni Caloy sa pansamantalang tutuluyan mo, wala kang kakausapin kahit sino, mananatili ka roon hanggang sa sandaling may manalo sa bidding" seryosong bilin nito sa kanya.
"Opo Boss" tumayo siya, tinawag nito ang tauhan.
Iginaya siya na sa hula niyang si Caloy, papalabas na siya ng pintuan ng tawagin siya nito. Nilingon niya si Boss Sonny.
"Blanca, don't look back, don't trust anyone kahit pa ang taong makakabili sa iyo, mabuhay ka and I am really hoping you will live" bakas ang senseridad sa winika nito. Tumulo ang kanyang luha at nakangiting tumango siya rito.
"Ano ka ba namang bata ka, ako'y nahihilo sa iyo" wika ni Mang Caloy sa kanya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Pabalik balik kasi siyang naglalakad, iiling-iling itong nakatingin sa kanya.
"Kinakabahan po kasi ako, paano kung masamang tao ang makabili sa akin" nag-aalalang wika niya.
"Napaghandaan mo na ito di ba, kumalma ka, nagaganap na ang auction, maya maya lang pagkatapos nun ay ikaw naman ang i auction" hayag nito sa kanya.
Kaya nga siya mas lalong kinakabahan dahil ilang sandali na lang ay haharapin niya kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa kanya.
Lumipas ang mahigit isang oras ng mag ring ang telepono ng hotel suite niya.
Tinanguan siya ni Mang Caloy na sagutin ang telepono. Iningat niya ito at sinagot ang tawag.
"H-hello" nauutal niyang wika.
"Blanca the highest bidder bought you for 15 million" tinig ni Boss Sonny.
Napasinghap siya at naglandas ang kanyang luha, nakaramdam siya ng takot sa laki ng perang pinagbili sa kanya. Anong klaseng tao ang bibili ng babae ng ganun kamahal.
"S-sige P-po" nanginginig na tinig na wika niya.
"Good luck Blanca" seryosong wika nito, "dadalhin ka na ni Caloy" dagdag nito.
"Maraming salamat po" mahinang wika niya.
Tanging buntong hininga ang narinig niya, maya maya pa ay dial tone na lang ang maririnig sa kabilang linya.
Pinahid niya ang kanyang luha at ibinaba ang telepono.
"Mang Caloy mag-aayos lang po ako saglit" paalam niya rito.
"Sige" malungkot nitong sagot.
Pumasok siya sa banyo at humarap sa salamin. Pilit niyang pinapahid ang luhang ayaw maampat sa pagtulo.
"Blanca, kaya mo to, kakayanin mo to, wala ng atrasan pa" kausap niya sa sarili.
Pumikit siya at yumuko at lumuluhang umusal ng panalangin.
"Panginoon, patawarin Mo po ako, hindi ko po alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin, minsan pa Panginoong Diyos hayaan Mo po akong mabuhay" mahinang sambit niya.
Nakapiring ang kanyang mata, inalalayan siya ni Caloy na makalabas ng sasakyan. Tinanggal nito ang piring. Unti-unting imunulat niya ang kanyang mga mata.
Pumasok sila sa gusali.
"Blanca mag-iingat ka hanggang dito lang kita sasamahan" inabot nito sa kanya ang key card, "ang elevator na to ay deretso sa penthouse, gamitin mo ang key card para makapasok sa suite, Good luck anak, sana ay dumating ang pagkakataon na magkita pa tayo" malungkot na wika nito sa kanya.
Binigyan niya ng mahigpit na yakap si Mang Caloy, sa sampung araw na magkasama sila ay naging mabuti ito sa kanya.
"Salamat po" aniya.
"Sige na" pinindot nito ang elevator button at bumukas ito, tumango ito sa kanya.
Kabadong pumasok siya ng elevator. Habang papasara ito lalong kumabog ang kanyang dibdib.
Ilang saglit pa ay tumunog ito hudyat na nasa penthouse na siya. Bumukas ang elevator, nangangatog ang tuhod na lumabas siya.
Bumungad kay Blanca ang hall na may nag-iisang pintuan. Naglakad siya sa carpeted floor, kinalma niya ang sarili. Nagpakawala siya ng hininga bago ni nilapat ang key card sa magnetic lock nito.
Click!
Narinig niyang tunog mula dito at unti-unti itong bumukas. Dahan dahan siyang pumasok sa loob ng suite.
Malamlam ang liwanag na nagmumula sa wall light ng silid, naaninag niya ang malaking bulto na nakatalikod sa kanya nakatingin sa glasswall na tanaw ang city lights.
Kinakabahan nakatayo lang siya sa gitna ng silid, parang napipi siyang walang lumalabas na tinig sa kanyang mga labi. Hindi niya din alam kung anong sasabihin sa lalaki.
Innisip niyang isang halimaw o pangit na tao ang nakabili sa kanya. Pero ramdam ni Blanca ang authority na binabadya ng pagkakatao nito.
"Sign the contract on the bed" malamig na wika nito sa baritonong tinig na nagdala ng kilabot sa kanyang buong pagkatao.
Naglalambot ang kanyang tuhod na lumapit siya sa kama at naupo dahil baka mabuwal siya anumang sandali. Kinuha niya ang papel at parker pen. Binuklat ni Blanca at binasa ang nakasaad sa kontrata.
Napsinghap siya sa nabasa.
Nakasaad dito na magpapakasal sila dalawang araw mula ngayon, sa loob ng isang taon ay kailangan niyang ipagbuntis ang tagapagmana nito at mananatili siyang alipin ng lalaki hanggang sa naisin nito at kung dumating ang panahon na matapos na ang papel niya sa buhay nito ay maghihiwalay sila at makakatanggap siya ng karagdagang sampung million kapalit ng di niya paghahabol sa magiging anak nila.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ito, nakatalikod pa din ang lalaki na pinagpapasalamat niya dahil naitago niya ang matinding sakit na bumakas sa kanyang mukha.
Napakababa talaga ng tingin niya sa kanyang sarili pero wala na siyang pagpipilian pa.
"Sign it, gusto ko ng magpahinga, I have an important meeting tomorrow, we need to travel by air before 6 in the morning" malamig na wika nito.
Nangingig ang kamay na pinirmahan niya ang ibabaw ng nakasulat niyang pangalan. Binasa niya ang katapat nitong pangalan na may lagda na.
Signed by Brandon Arden Miller De Silva.