Chapter 5

1275 Words
Lango sa alak si Brandon habang akay akay ni Miggy at ni Dj.Tinawagan siya ni Dan ang head ng security detail ng kapatid. Mabuti na lang at nasa maynila din ang dalawang kapatid kaya tinawagan niya agad ang mga ito. Binuksan ni Kyle ang condo ng kapatid, habang ang kanyang isang kamay ay nakaalalay sa asawa. Lumuwas sila ni Lexie dahil dumalaw sila sa mga biyenan niya. Inaayos nila ang pagkakahiga nito sa kama. "Mi amor" malungkot niyang wika sa asawa habang yakap ito. "Sige na love, pakikuha na lang ako ng maligamgam na tubig" tumango siya at kumalas sa pagkakayakap rito. Kumuha siya ng basin at nilagyan niya ng hot water at cold water. Kumuha din siya ng  towel. Siya na ang nagpalit ng damit ng Kuya Brandon nya matapos itong banyusan ng kanyang asawa. "Gracias mi amor" masuyong wika niya sa asawa. (Thank you my love) "We are one family, love" malungkot nitong tinignan ang bayaw, "he's hurting Kyle, he needs all the support we can give, hindi madali ang lahat ng nangyari at mga nalaman niya" naluluhang dagdag nito. Niyakap niya ang asawa, nasasaktan siya, silang lahat para sa nakakatandang kapatid. Lahat silang magkakapatid ay ang Kuya Brandon nila ang naging sandigan. Kaya naman ang makita itong halos mawalan na ng malay sa kalasingan at puno ng pasa at sugat ang katawan at mukha ay sumusugat sa kanilang buong pamilya. "Kyle, naitawag ko na sa Mama" malungkot namang wika ni Miggy sa kanya. Si Dj ay nagbukas ng tatlong boteng beer at inabot sa kanila ni Miggy. "Sa guest room lang ako" paalam ni Lexie sa kanila. "Thank you Lex" nakangiting wika ni Dj. "No problem kuya" sagot ng kanyang asawa. Tumango naman si Miggy at sumaludo dito. Hinagkan niya ang noo nito bago ito tumalikod at tinungo ang guest room. "I don't know what to do anymore, nag-aalala na ko sa Mama at sa Lola, laging umiiyak" bumuntong hininga si Dj. "I hated her for doing this to Kuya Brand" may galit na wika naman ni Miggy. "She's gone, hating her won't do any good to Kuya and to our family" wika niya. "What are we going to do, are you still running this election" tanong ni Miggy. "I don't know, the situation is different now but I'm still hoping he will pull himself" sagot niya. "Nagpipiesta ang mga kalaban natin, as if we bothered about it" naiinis na lumagok ng alak si Dj. Natahimik silang tatlo. Abala ang bawat isa sa pag-iisip at pag-aalala sa kuya nila. Masakit ang ulong nagmulat ng mata si Brandon. Nagtataka pa siya kung paano siya nakauwi, ang huling naalala niya ay nasa warehouse siya matapos ang ikatlong laban niya ng gabing iyon. Balewala sa kanya ang sakit ng ulo at mga sugat sa kanyang katawan. Wala ng sasakit pa sa idinulot sa kanya ni Celina. Ayon sa nabasa niyang report na binigay ng Papa niya, ang lugar kung saan naaksidente ang sinasakyan ng asawa ay papunta ng airport. Hindi niya na inalam ang may kinalaman sa aksidente, he is busy grieving without knowing na balak siyang iwanan ng asawa at sumama sa kabit nito. May dalang suitcases at nakita din ang 2 flight ticket papuntang Venenzuela. Her lover is one of her bodyguard, Frederick Santos died on the spot ng bumangga ang sasakyan ng asawa niya na minamaneho ng lalaki sa 16 wheeler cargo truck. Ngayon ang labis na nagpapakirot sa kanya ay ang posibilidad na ang pinagbubuntis ng asawa ay anak ng lalaki nito. Kinuyom niya ang kanyang kamao at inabot niya ang larawan nilang mag-asawa. Mahigpit niya itong hinawakan at ibinato niya sa pader. Bumukas ang pintuan at pumasok ang hipag niya. "Kuya good morning" bati nito sa kanya na kinakonot ng noo niya. "What are doing here?" tanong niya kay Lexie. "Kasama ako nila Kyle, Kuya Miggy at Kuya Dj" nakangiting sagot nito sa kanya. "Ito kuya inumin mo muna to para mawala ang hangover mo" inabot nito sa kanya ang gamot at tubig. Kinuha niya ito. "Kyle is preparing breakfast, sasabay ka sa amin umuwi sa hacienda kuya" anito. "What!" bahagyang tumaas ang kanyang boses pero parang balewala lang ito kay Lexie, "I'm sorry" hinging paumanhin niya. "No problem kuya, hindi naman nagulat si baby" wika nito sabay himas sa tiyan. Gaya ng una ay muli siyang nakaramdam ng sakit at lungkot habang nakatitig sa tiyan ng hipag. Marahil ay napansin ito ni Lexie, umupo ito sa tabi niya, nagulat siya ng abutin nito ang kanyang mga kamay at inilapat sa tiyan nito. "Alam mo ba kuya, noon maraming nangyari sa akin na di maganda, madaming  beses ko ng hindi ginustong mabuhay" wika nito, he knows what she was referring too dahil nalaman nila ang mga pinagdaanan nito. Hindi siya nakaimik, yumuko siya pero ang kanyang kamay ay di niya inalis sa pumipintig na tiyan nito. "Then one day nagbago ang lahat, nakilala ko ang kambal, si Carina at lalo na si Kyle" nahimigan niya ang bahagyang tawa nito. "Kuya, kahit gaano kasakit ang mga nagyayari sa buhay natin o mangyayari pa, kailangan nating patuloy na mabuhay, hindi para sa iba kung hindi para sa sarili natin at sa Panginoon Diyos" nanginig ang boses nito, tumulo naman ang kanyang luha. "Alam ko na wala ako sa posisyon na panghimasukan ang mga ginagawa mo ngayon, it's your life anyway, pero nasasaktan ako kasi kapatid ang turing ko sa iyo. Miss na miss ka na din ng kambal, lalo na ng asawa ko at ng buong pamilya natin . Come back to us K-kuya" narinig niya ang hikbi nito kaya naman inangat niya ang kanyang paningin at nakita niya ang lungkot sa lumuluhang mata nito. Sinapo niya ang kanyang mukha at buong laya siyang humagulgul, lahat ng sakit na naramdaman niya lalong tumindi. Isang pamilya sana na pinangarap niyang buuhin ang nawala sa kanya, ang pangloloko ng babaeng inibig niya sa napakahabang panahon. Naramdaman niya ang pagyakap ni Lexie. "Hold to your pain Kuya and come home with us and live again" umiiyak na wika nito na lalong tumagos sa kaibuturan ng puso niya. Narinig ni Kyle at nina Dj at Miggy ang mga sinabi ng kanyang asawa, namasa ang kanyang mga mata at sumisinghot din ang dalawang kapatid. Nasa harapan ng SSC si Blanca, hindi niya nakausap si Tess dahil hindi ito umuwi, makalipas ang ilang araw na pagtatago niya sa bodega ni Aling Rosa ay naglakas loob siya umalis sa lugar nila para pumunta sa iisang lugar na alam niya na pwedeng makatulong sa kanya. Nakausap niya sa telepono si Danita at pinaalam sa kanyang isinama si Tess ng taong nakabili rito sa auction ng SSC. "Blanca, lumapit ka kay Boss Sonny, siya ang makakatulong sa iyo. Hindi ko alam kung tama bang ialok ko ito sa iyo, ang naisip ko lang kung may taong pwede kang mailayo sa mga demonyong naghahanap sa iyo ay si Boss Sonny yun. Sumali ka sa auction, 70 percent ng bid ay sa iyo mapupunta, magbagong buhay ka at lumayo" seryosong wika nito. Matapos niyang pag-isipan ang payo ni Danita ay nagpaalam siya kay Aling Rosa na hindi sinasabi kung saan siya pupunta. Binigyan siya ng matanda ng isang libo at pinasabay siya sa inaanak nito na nagdedeliver ng alak hanggang sa makakuha siya ng taxi. Pinapasok siya ng security ng SSC kaya naman ngayon ay nasa harapan siya ng pinto ng opisina ni Boss Sonny. Bumuntong hininga si Blanca, buo ang kanyang loob na kumatok sa pinto, buo na ang desisyon niyang patuloy na mabuhay at takasan ang magulong buhay na meron siya. Pinapangako niya na babalik siya sa tamang panahon para maningil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD