Napabangon si Blanca at agad siyang tumakbo sa banyo at sumuka. Hinang hina siya, sinabihan siya ni Sofia na normal lang ang pagsusuka sa buntis. Naramdaman niya ang paghagod ng kamay ng asawa sa kanyang likod. "Mi querida!" masuyong wika nito sa kanya. Tinulungan siya nitong makatayong mabuti para maghilamos at mag toothbrush. Matapos niyang ayusin ang sarili ay pinangko siya ng asawa, ikinawit niya ang kanyang mga braso sa leeg nito. "Are you feeling better?" nag-aalalang tanong nito sa kanya. "Opo Gov ayos na ako" hinaplos niya ang pisngi nito, then mahinang pinisil pisil niya ang ilong nito. "Basta sabihin mo sa akin, baka may gusto kayong kainin ni baby" wika nito at masuyong hinahaplos ang kanyang pumipintig na tiyan. Nasa guestroom sila sa bahay ng kapatid, tinawagan niya ang

