Chapter 33

903 Words

"Ano ang mga ito mi querida" nagtatakang wika ni Brandon sa asawa ng makarating siya ng cabin nila. Hinagkan niya ang noo nito. Nagtatakang pinakatitigan niya ito ng hindi ito sumagot at walang reaction sa pagdating niya. Maga ang mga mata ng asawa at halatang umiyak ito. "What's wrong mi querida?" kunot-noong tanong niya. Tumingin ito sa kanya. "Brand!" naiiyak na yumakap ito sa kanya ng mahigpit. Kinabahan siya, may nangyari bang di niya alam. "Anong nangyari? Please mi querida, you're scaring me" nag-aalalang saad niya. "Wala, namiss kita saka dala ito ng pagbubuntis ko kay baby, namiss ka namin" mahinang wika nito. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sapat lang na wag itong masakal. Nag-aalala siya malakas ang pakiramdam niyang di ayos ang asawa. "I miss you too mi querida!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD