EVA Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na si Eva. Inayos niya ang uniporme niyang bagong laba. Simpleng puting blouse at itim na skirt na hanggang tuhod. Nilagyan niya ng pulbo ang mukha at ng konting lipstick sa labi. Sa salamin ay napangiti siya ng tipid. “Hindi na masama,” sabi niya sa sarili. “Mukha pa rin naman akong tao kahit ilang taon nang walang tulog sa stress. At isa pa, maganda naman talaga ako. Hindi nga halatang may anak na ako," sabi niya sa sarili at saka mahinang natawa. Sa gilid ng kama ay abala si Maya sa pag-aayos ng kanyang maliit na bag. “Mommy, excited na po ako sa school,” nakangiting sabi ng anak niya. “School? Akala wala pa tayong pera sa enrollment?” biro ni Eva sabay kiliti sa anak. Tumawa si Maya. “Sabi po ni tita Claudia, may lugar daw dito kung saa

