EVA Hindi nakatulog si Eva buong gabi. Kahit anong pikit niya at kahit ilang ulit niyang pihitin ang unan ay hindi tumitigil ang utak niya sa pag-iisip. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mukha ni Lennox. Iyong ngiti, ‘yong tindig at iyong paraan ng paghawak nito sa buhok niya noon sa Maynila. “Putangina naman…” bulong niya, napahawak sa noo. “Bakit pa kasi siya nandito? Jusmiyo!" Paglingon niya, mahimbing na natutulog si Maya habang yakap ang manika nito. Huminga siya ng malalim. Hindi niya pwedeng hayaang masira ang katahimikan nila ng anak niya. Pero paano? Kung araw-araw ay may posibilidad na makita niyang muli ang lalaking minsan niyang sinumpa. Habang nakahiga, tumingin siya sa kisame. Unti-unti.... doon lang niya na-realize. 'Isla Mariposa. Putangina. Ito pala ‘yong si

