EVA
Badtrip si Eva paggising niya kinabukasan. Hindi lang simpleng badtrip. Iyong tipong gusto niyang sabunutan ang sarili niya at sabay ding sabunutan ang lalaking dahilan ng lahat ng inis niya.
At walang iba kundi si Lennox.
“Bwisit talaga ‘yong lalaki na ‘yon,” bulong niya habang nag-aayos ng buhok sa salamin.
“Akala mo kung sino. Susulpot sa likod ko parang multo tapos…” Napahinto siya at saka naningkit ang mata.
“At ngumiti pa ng ganon. Punyeta, parang wala lang nangyari!”
Napabuntong-hininga siya ng malalim. Hindi niya talaga alam kung paano haharapin si Lennox kapag nagkita ulit sila. Parang wala na siyang peace of mind mula ng bumalik ito sa buhay niya.
"Kainis! Ang kapal pa ng mukha niyang hawakan ang pudáy ko?!! Wala ba siyang pudáy na mahawakan sa lugar na ito? Parang imposible naman! Kantutêr0 ang lalaking iyon!"
Matapos mag-asikaso ng sarili, sinunod naman niyang asikasuhin si Maya. Mabuti na lang talaga mabait at masunurin ang anak niyang ito. Hindi siya masyadong nahihirapang mag-alaga sa kanyang anak.
Pagpasok niya sa La Mariposa Grill, halata sa mukha niya ang pagkairita. Talagang buwisît na buwisït siya. At hindi niya maitago iyon.
“Hoy, girl,” sabi ni Claudia agad nang makita siya.
"Ano na naman ‘yang itsura mo? Parang gusto mong pumatay ng tao," wika nito sabay tawa..
“Hindi malayo,” malamig niyang sagot sabay kuha ng tray.
“Si Lennox na naman ‘yan, no?” tanong ni Claudia habang nag-aayos ng mga baso sa bar counter.
“Punyemas, oo!” inis niyang sabi sabay upo ni Eva sa silya at halatang naiirita pa rin.
“Alam mo bang sumulpot na naman kagabi sa likod ko? Wala man lang ‘hi’ o ‘hello’. Bigla na lang lumitaw, parang multo! Punyemas, Claudia, muntik na ‘kong himatayin!”
Iritableng hinilot ni Eva ang kanyang sintido. Parang gusto niyang sapakïn si Lennox para mawala ang inis niya.
Tumawa si Claudia. “Eh baka naman gusto lang niyang makipag-usap. Baka gusto lang niyang ayusin kayo. Baka ganoon lang naman ang gusto niya."
“Makipag-usap?” napailing si Eva.
“Hindi ‘yon marunong makipag-usap! Ang alam lang n’on, ngumisi! Tapos ‘yong ngiti niya.... tangina, parang wala lang! Parang okay lang kami! Akala mo walang sinaktan, walang iniwan! Napakagaling! Kung umasta eh akala mo wala siyang ginawang mali sa akin!"
“Eh ‘di kausapin mo ng maayos, huwag puro mura,” sagot ni Claudia sabay nakangiti.
“Hindi ko kaya! Pag nakikita ko siya, gusto kong sabunutan ‘yong buhok niya tapos itulak sa dagat! Gusto ko nga sanang ipakain siya sa pating eh. Ipapakagat ko sa pating iyong tîtí niya para mawalan na siya ng kaligayahan!"
Halakhak si Claudia. “Grabe ka talaga, girl. Pero teka, anong plano mo ngayon?”
Napahinto si Eva at saka napayuko.
“Ewan. Alam mo, minsan naiisip kong umalis na lang dito. Para matapos na ‘tong gulong ‘to. Para hindi ko na siya makita araw-araw.”
Natigilan si Claudia. “Aalis ka?”
“Siguro… baka mas mabuti pa iyon na lang ang gawin ko."
Umiling si Claudia habang seryoso ang mukha.
“Eva, huwag kang padalos-dalos. Alam mo bang napakasuwerte mo dito? Libre na tirahan mo, nasa learning center si Maya at stable ang trabaho mo. Kapag umalis ka, saan ka pupunta? Babalik ka sa Maynila para mas mahirapan ka doon? Mababait ang tao dito kaysa sa Maynila!"
Natahimik si Eva. Hindi niya agad nasagot si Claudia dahil totoo ang sinabi nito. Alam niyang mahihirapan nga sila ng anak niya kung aalis sila sa islang iyon.
“Naiintindihan ko ‘yong nararamdaman mo,” pagpapatuloy ni Claudia.
“Pero huwag mong hayaang sirain ni Lennox ‘yong kapayapaan n’yo ni Maya dito. Nakikita kong masaya ang anak mo sa learning center. At saka registered iyan. Parang school na iyan ng mga bata dito. Ang mahalaga, may buhay ka ngayon na maayos. ‘Wag mong itapon ‘yon dahil lang sa lalaking iyon.”
Napakamot ng ulo si Eva at saka napailing.
“Tangines naman, bakit ba ang hirap? Gusto kong lumayo, pero tama ka. Dito, kahit paano magaan ang buhay namin.”
“Exactly,” sagot ni Claudia sabay tapik sa balikat niya. “Huwag mo munang isipin si Lennox. Kaya mo ‘yan. Deadmahin mo lang siya. Huwag kang magpapaapekto sa kanya dahil ikaw lang din ang talo."
Napabuntong-hininga si Eva sabay ngiti ng kaunti.
“Salamat, Claud. Pero swear, kapag sumulpot ulit ‘yon sa tinutuluyan ko, papaluin ko na ng kawayan ulo no'n."
Maghapon siyang nagtrabaho nang halos hindi kumikibo. Pinilit niyang iwasan ang kahit anong usapan tungkol kay Lennox. Pero siyempre, hindi mawawala si Rupert.
“Uy, miss Eva,” tawag ni Rupert sabay ngiti habang lumalabas ng kusina.
"Balita ko, si Lennox daw, nagparamdam na ulit sa ‘yo?”
Tiningnan lang ito ni Eva ng walang imik.
“Eh ‘di kayo na ulit?” pang-aasar pa ni Rupert sabay tawa.
Ang tanging sagot ni Eva ay nakamamatay na tingin. Na kulang na lang, bumulaga na sa sahig si Rupert.
“Oo na, oo na! Baka masaksak mo pa ‘ko ng tinidor diyan!” biro ni Rupert bago tumawa pa rin.
"Punyeta ka rin talaga 'no?" inis niyang sambit sabay irap.
Pagsapit ng gabi, tapos na sa trabaho si Eva. Pagod na pagos siya at napahiling na huwag na sanang makasalubong si Lennox. Pauwi na siya, bitbit ang bag at dumiretso sa Mariposa Learning Center para sunduin si Maya.
Maririnig ang ingay ng mga batang naglalaro. Natanaw niya agad si Maya na nakatayo sa labas habang hawak ang laruan.
Ngunit bago pa siya makalapit, may napansin siya.
Isang lalaking nakasandal sa pader malapit sa gate. Matangkad, naka-itim na shirt at talaga namang pang-model ang tindig.
Napahinto siya sa paglakad.
'Hindi pwede…'
Tila ayaw ng humakbang ng mga paa niya. Kasabay nito ang mabilis na pintig ng kanyang puso dahil sa labis na kaba.
Si Lennox ay naroon sa likuran niya.
Inaabangan siya.
“Punyemas naman talaga…” mahina niyang bulong.
'Anong ginagawa niya dito?'
Pero bago pa siya makapagsalita, tumakbo na si Maya papunta sa kanya.
“Mommy!" sigaw nito sabay yakap ng mahigpit ng sa kanyang baywang.
Nanlaki ang mga mata ni Eva habang nanginginig ang kalamnan.
Sa likod niya, narinig niya ang boses ni Lennox.
“Mommy?”
Parang tumigil ang oras. Mabagal na napalingon si Eva. At doon, nakita niya si Lennox na nakakunot ang noo at nagulat.
Ang mga mata nito ay diretso sa bata at tila nagkukumpara.
Kayumangging balat.
Mata.
At ang ngiti ni Maya ay katulad sa ama nitong si Lennox.
“Eva…” mahinang sabi ni Lennox na halos hindi makapaniwala. “May anak ka na?”
Napalunok ng laway si Eva. Nadama niya ang bilis ng pintig ng puso niya na parang gusto niyang tumakbo pero nakapako ang mga paa niya sa lupa.
“Lennox…” mahina niyang sabi pero hindi niya naituloy.
Lalo pang lumapit sa kinaroroonan niya si Lennox.
"May anak ka na?” ulit nito.
Hindi siya nakasagot.
Nakatitig lang siya habang hawak-hawak si Maya na nakangiti pa. Walang kamalay-malay sa titig ng lalaking unti-unting nakakakilala sa sarili niyang dugo.
Tila nakabibingi ang katahimikan sa pagitan nila.
Ang tanging maririnig lang ay ang alon sa malayo at ang tibók ng puso ni Eva na parang sasabog dahil sa matinding kaba.