Chapter 3. Sino Ba Siya?

1794 Words
TRIDA'S POV "Damay mo kami, Trids!" pahabol ni Matthew pero hindi na lang ako kumibo. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Ivy sa upuan niya at saka ako nilapitan. "Ano'ng maitutulong ko?" "Pabalat at pahiwa 'yung sibuyas at bawang." Inabot ko sa kaniya ang kutsilyo pero nagulat siya at napaatras dahil naitutok ko pala sa kaniya 'yon. "Sorry," sabi ko, 'tsaka ko inayos ang pag-abot. Akala niya siguro s@saksakin ko siya. Sinimulan ko nang i-prepare ang ibang kailangan ko sa pagluluto ng adobo. Habang 'yung apat na lalaki ay nasa dining table, nagbabardagulan at naghihintay na naman ng ayudang ulam galing sa 'kin. "Trida, bakit pinaiyak mo 'yang bago mong roommate?" tanong ni Matthew. Nilingon ko naman si Ivy at nakita kong tumutulo nga ang luha niya—habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigil ko na lang muna dahil bigla akong naawa. * * * Magkasama kami ni Ivy na kumakain, 'yong apat naman nasa kabilang table. Binigyan ko na sila ng ulam dahil naparami na rin naman ang niluto ko. Isa pa, may ambag dito 'yung bestfriend ko—si Zee. Sa kaniya kasi galing ang pera na ipinamili ko. I mean, hiniram ko sa kaniya. "Sarap talaga ng luto mo Trida, p'wede ka na mag-asawa!" Nag-angat ng tingin si Matthew at nag-thumbs up pa sa 'kin. "Kung mag-aasawa ako para lang maging tagaluto, 'di bale na lang. Baka lasunin ko pa s'ya!" Umirap ako sabay subo sa pagkain na nasa kutsara. Kunwari namang nasamid si Haze dahil sa sinabi ko. Binaling ko ang tingin ko kay Ivy dahil napansin kong sumisinghot-singhot pa rin siya dahil sa pag-iyak niya kanina sa sibuyas. "Grabe naman 'yang mata mo. Sibuyas pa lang 'yan pero umiiyak ka na? Pa'no pa kaya 'pag nagka-jowa ka tapos nag-break kayo?" seryoso kong sabi sa kaniya. Hindi siya sumagot kaya si Haze ang bumanat. "Ibig sabihin umiyak ka nu'ng nag-break tayo?" he teased. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Oo naman. Tears of joy!" Ngumisi ako. Medyo natawa ang mga kasama niya habang nakikinig sa 'min. Pero agad siyang bumawi. "Para namang hindi ka nag-I love you at I miss you sa 'kin no'n tuwing magkausap tayo sa hating-gabi." "Kailan 'yon? 'Di ko maalala," palusot ko. "'Yun ang mga panahon na mahal na mahal mo 'ko. Na pati sa panaginip mo ako 'yung nakikita mo," he said, giving me a playful smirk. "Ah, kaya pala madalas akong bangungutin noon!" I shot back. "Bangungot? E, hindi ka nga no'n nakakatulog hangga't hindi mo 'ko nakakausap!" He laughed. "Bakit, ikaw rin naman, ah!" Nagsimula nang kumulo ang dugo ko. "Hindi ka rin nakakatulog no'n hanggat hindi ko sinasagot ang tawag mo!" "Kaya nga buti na lang break na tayo. At least ngayon nakakatulog na 'ko nang maayos at mahimbing." Ngumisi ulit siya na lalo kong ikinainis. "Ay wow! Shoutout naman sa'yo nu'ng sinabi mong ikamamatay mo kapag nawala ako! Ano na! Matagal pa ba? Kapeng-kape na 'ko!" ganti ko sa kaniya. Hindi nakasagot si Haze. 'Yung apat naman halatang nagpipigil nang tawa. Narinig ko rin si Ivy na natawa nang mahina kaya nilingon ko siya. "Oh, marunong ka pa lang tumawa?" "Baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo at magsisi ka kapag wala ka nang nakitang tulad ko?" balik ni Haze sa 'kin kaya binalik ko ang tingin sa kaniya. "Kung wala na 'kong makikitang tulad mo... THANKS GOD! I'M RELIEVED!" "Bakit nu'ng kayo pa ang tahimik ng mundo? Magbalikan na nga lang kayo!" sita ni Kayden sa 'min. "Kung may babalikan man ako, 'yun ang time na hindi ko pa s'ya nakikilala!" sagot ko sabay irap kay Haze. "Ako naman, kung may babalikan ako, 'yun ang panahon na nililigawan mo pa 'ko. Para binasted na lang sana kita." Humalakhak siya nang malakas kaya lalo akong nairita. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kaniya. Inagaw ko ang kutsara na isusubo na sana niya pati ang plato niya. "Teka, hindi pa 'ko tapos!" Hindi ko siya pinakinggan at diretso kong nilagay sa sink ang plato niya. "Hindi mo deserved kumain!" inis kong sabi. Nawalan na rin ako ng gana kaya niligpit ko na ang pinagkainan ko, saka ako bumaling kay Ivy. "Sumunod ka na lang sa taas pagkatapos mong kumain. 'Wag mong huhugasan ang pinagkainan mo. Hayaan mong si Haze ang lumandi sa mga plato." Hindi ko na siya hinintay makasagot at agad na akong umalis. IVY'S POV Pagkatapos kong kumain, tumayo ako para hugasan ang sarili kong pinagkainan. "Iwan mo na lang 'yan, si Haze na bahala d'yan," sabi ng isang lalaki sa 'kin na sa pagkakatanda ko, Matthew ang pangalan. "Okay lang. Kaya ko na 'to." Isa lang naman, eh, dugtong ko pa sa isip ko. Nahihiya akong pahugasan pa ang pinagkainan ko dahil hindi ko pa naman sila kilala. "Talaga? Kung gano'n—" Lumapit sa 'kin si Matthew sabay lagay ng pinagkainan niya sa sink, "—pakidamay mo na rin 'to." Ngumiti siya at tinapik pa ang ibabaw ng balikat ko bago umalis. Sumunod na rin lumapit iyong Zee ang pangalan, at nilagay rin sa sink ang pinagkainan niya. "Ito rin." Ngumiti siya bago umalis. "Tapos na rin ako," sabi nu'ng Kayden at inihabol din ang plato niya. Sunod namang lumapit si Haze habang nakangiti sa 'kin. "Thank you, Ivy. You saved me!" Umalis na rin siya matapos niyang iwan sa 'kin ang plato niya. Napatulala naman ako habang nakatitig sa mga platong nagmamakaawa na kuskusin ko na sila. Pagkatapos kong hugasan lahat, umakyat na 'ko sa third floor. Pumasok ako sa kwarto at naabutan ko si Trida na nakahiga at tahimik. 'Di ako sanay. Hindi na lang din ako kumibo. Umupo ako sa bed ko na katapat lang ng sa kaniya at inayos ko ang bag ko na gagamitin bukas sa school. "Ivy?" Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya 'ko. "Hindi mo ba 'ko tatanungin kung bakit kami nag-break?" tanong niya sa 'kin. Umiling naman ako kaya bigla siyang sumimangot. "Ano ba 'yan! Ang boring mo naman kausap! Para kang engkantong nagpapanggap lang na tao!" Bumalik na ulit siya sa paghiga at tinakip ang kumot sa mukha. TRIDA'S POV Nakadapa ako at nakasubsob sa bed ko habang ang unan ko ay nakataklob ko sa ulo ko. 10:30 p.m na pero hindi pa rin ako makatulog. Kung kailan ko gusto ng katahimikan, do'n naman umaatake 'tong si Ivy. Hindi ako makatulog dahil sa hilik niya. Tahimik nga siya kapag gising, pero halimaw naman kapag tulog! Bumangon ako at sinindihan ang ilaw. Tiningnan ko siya, nakakanganga pa. Paano ako makakatulog ngayon? Hindi pa naman ako sanay na may naghihilik. Lagyan ko kaya ng tape ang bibig niya? Umiling ako. That's a bad idea. 'Di naman ako gano'n kasama. Nilapitan ko siya at kinuha ko ang isang unan sa gilid niya. Ipinatong ko 'yon sa mukha niya para kahit papa'no ay mapigil at humina ang paghihilik niya. Bumalik na ulit ako sa bed ko at nahiga. Ngunit ilang minuto pa lang ang lumilipas, lumakas na naman ang hilik niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakalaglag na ang unan na itinakip ko sa mukha niya. Sinubukan kong hindi na lang pansinin ang paghilik niya, pero hindi ko talaga kaya. Bumangon ako at piniga ko ang ilong niya para hindi siya makahinga. At successful naman ang ginawa ko dahil noong hindi siya makahinga gamit ang ilong, medyo gumalaw siya at umikom ang bibig. Natigil na rin siya sa paghilik kaya bumalik na ulit ako sa bed ko at nahiga na para matulog. Pero wala pa yatang sampong minuto kong naipipikit ang mata ko nang magulantang ako sa bigla na naman niyang paghilik. Hindi ko na alam gagawin ko! IVY'S POV Bumangon ako at nag-stretch ng kamay habang naghihikab. Ang sarap ng tulog ko. Bumaling ako kay Trida at— "Ay kalbo!" Napalakas ang boses ko sa gulat sa kaniya. Nakaupo siya sa gilid ng bed niya at nakatulala habang nakatingin sa 'kin. Nangingitim ang palibot ng mata niya. Para siyang panda. Nag-drugs ba siya habang tulog ako? "Kumusta . . . tulog . . . mo?" dahan-dahan at matamlay niyang tanong sa 'kin. "M-maayos naman." "Sana all..." Tumayo na siya at kumuha ng twalya sabay pasok sa banyo. Ano'ng nangyari sa kaniya? * * * Naglalakad kami papasok sa school. Nakasuot siya ng sunglasses para hindi raw makita ang eyebags niya. "Bakit kasi hindi ka nakatulog kagabi?" tanong ko sa kaniya. Sabi niya kasi sa 'kin kanina, 3:00 am na raw pero gising pa siya. Huminto siya sa paglalakad at bumaling sa 'kin. "Hindi mo alam? You sure?" medyo may pagka-sarcastic niyang sabi. Umiling ako at bumuntong-hininga naman siya. "Nevermind." Saka niya ako muling tinalikuran, nagpatuloy siya sa paglakad, habang akoay nakahinto pa rin at nakatanaw lang sa kaniya. Napaisip ako bigla. Naalala ko noong tinanong niya ako kung hindi ko raw ba itatanong kung bakit sila nag-break ng ex niya. Si Haze. Ah...baka she reminisced about her past with him kaya hindi siya nakatulog. Bigla akong naawa sa kaniya. Siguro mahal niya pa 'yon tapos nagkukunwari lang siya na hindi na. Sighed. Ano kaya'ng gagawin ko para medyo gumaan ang dalahin niya? Naglakad ako para habulin siya. "Okay lang 'yan...malalagpasan mo rin 'yan." Natigilan siya sa paglalakad at kasabay nang pagharap niya, ay ang paggaya ko sa kaniya noong tinanong niya ang pangalan ko. "RAAWWRR!" Kumurap-kurap ako nang ilang beses dahil walang epekto sa kaniya ang ginawa ko. Sa halip, parang nahiya pa siya sa mga taong nagdaan at nakakita sa 'min. "Punta na 'ko sa department, sunod ka na lang." Tumalikod na ulit siya at naglakad palayo. Ako naman ay sa registrar muna pumunta para ayusin ang pag-enroll ko. Hindi pa naman regular ang klase dahil mag-iisang linggo pa lang naman simula noo g nagsimula ang pasok. * * * Pagdating ko sa department, umakyat ako sa second-floor para hanapin ang room na nakalagay sa forms na hawak ko. BSTM 2 Blk 1. Room 201. Madali ko lang nakita ang room dahil nasa bungad lang. Pagpasok ko sa loob ay marami ng mga estudyante at may kaniya-kaniyang mundo. At mostly mga babae. Kaunti lang ang lalaki sa room at ang ilan, halatang malambot pa. "Ivy!" Boses ni Trida ang narinig ko. Nakita ko siyang nakaupo sa harap at may ilang kakwentuhan. Tumayo siya at naglakad siya palapit sa 'kin. "Dito ka rin?" tanong niya habang suot pa rin ang sunglasses niya. Tumango naman ako at ngumiti nang bahagya. "Tara sa cafeteria. Kain muna tayo habang wala si ma'am." Naglakad siya palabas kaya napilitan akong sumunod. Habang naglalakad kami, napansin ko na lahat nang nakakasalubong namin, ngumingiti sa kaniya. May iba naman na naghe-hello at hi sa kaniya. Para bang napakaraming nakakakilala sa kaniya rito sa school. Sino ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD