Chapter 2. With The Guys

1294 Words
IVY's POV "Ikaw ‘yong bago kong roommate?" nakangiti niyang tanong niya sa ‘kin nang makita niya ‘kong pumasok. Tumango naman ako habang pinagmamasdan ang maganda niyang mukha. She has an average-sized face with high cheekbones which are especially prominent when she smiles, medium sized almond-shaped eyes, long and high bridge nose, lips that clearly resemble a heart, and medium to long black hair. She also has an elegant aura. Sa tingin ko magka-edad lang kami. Malayo ang itsura niya sa inaasahan ko. Makalat at magulo kasi ang kwarto na inabutan ko kaya akala ko dugyutin siya! "Ano’ng pangalan mo?" tanong niya ulit sa ‘kin. "Ivy," I said, giving her a small polite smile. "Ivy Piñaflorida." "Wow, ang tamis naman ng apelyido mo, parang ang sarap kainin! Raawwrr!" Umarte pa siyang parang lion na mangangagat. Pero hindi na ‘ko kumibo dahil ‘di ko feel makipag-usap sa kaniya. Feeling ko kasi ang weird niya. Sayang, maganda pa naman siya. "Anyway, I'm Trida, kahit hindi mo tinatanong," nakangiti niyang sabi sa ‘kin. Tumango lang ako nang bahagya at hindi nagsalita. "Mukhang mahiyain ka, ‘no? Sabagay, sa simula lang ‘yan kasi bago ka pa lang dito. Gan’yan din ako dati. Halos wala akong kausap no'ng kararating ko rito. Pero no’ng nagtagal na, natuto na rin akong makipagbardagulan sa mga estudyante rito. Natuto na 'kong manakal at manapok!" Tumawa siya ulit. Napalunok naman ako dahil sa mga sinabi niya. Manakal? Manapok? Sandali. Hindi kaya member siya ng kung anong kulto? Nag-angat ako ng tingin para sulyapan siya ulit. Sa itsura niya mukhang imposible ‘yon. Mukha naman siyang disenteng tingnan. Disenteng madaldal, gano’n. "Tayo lang ba rito sa room?" tanong ko naman sa kaniya. "Hay, sa wakas! Nagsalita ka rin!" Tinawanan niya ulit ako. "Oo, tayo lang. Last year may kasama 'ko rito kaso wala na siya." Nalungkot ang mukha niya kaya na curious ako. "Pa'nong wala na?" "Patay na siya." Natigilan ako. Hindi ko alam pero, bigla akong kinabahan. Hindi kaya...sinakal niya? Napalunok ako. "Lahat ng nagiging roommate ko, namamatay." Hindi ulit ako nakakibo. Natulala lang ako sa kaniya. Seryoso ba siya? Ayoko pang mamatay! Pinagmasdan niya ‘ko ‘tsaka siya biglang humagalpak nang tawa. "Nakakatawa ka!" Nakahawak siya sa tiyan niya habang tumatawa. "B-bakit?" kabadong tanong ko sa kaniya. "Napakadali mong utuin. Naniwala ka ro’n? Binibiro lang kita. Ang ibig kong sabihin sa wala na ay umalis na siya dahil graduate na!” Tumawa ulit siya habang nakatingin sa ‘kin. Nakahinga naman ako nang maluwag. Buti na lang. "No'ng sinabi ko kasi na wala na siya, parang iba yata ang nasa isip mo kaya biniro kita, 'di ko alam na madali ka pa lang maniwala. Sorry, ah!" dagdag niya pa. "Di kasi ako sanay sa gano'ng biro." "Don't worry, simula ngayon masasanay ka na." She smiled. Ang weird niya talaga. "Nga pala, ano'ng course mo?" "Tourism." "Really? Ako rin! Ano'ng year?" excited niyang tanong. "Second," tipid kong sagot. "Wow, sana maging magkaklase tayo!" "Sana hindi," bulong ko, pero alam kong hindi niya 'ko narinig. Tiningnan niya 'yong oras sa suot niyang relo pagkatapos ay tumingin sa 'kin. "Halika na sa baba, magluluto ako ng pagkain ko, share na lang tayo." Tumayo siya sa kama pero nag-aalangan akong sumunod sa kaniya. Bago siya tuluyang lumabas sa pinto, nilingon niya 'ko. "Halika na dalian mo, baka maunahan pa tayo ng mga lalaki sa taas." Tuluyan na siyang lumabas at ako napilitan na rin tumayo. TRIDA'S POV Lumabas ako ng kwarto at bumaba agad sa kusina dahil baka maunahan na naman ako ng mga unggoy at shokoy sa taas. Magugulo pa naman silang kasama sa kusina. Pagdating ko ro'n, hindi ako nagkamali. Dahil hawak na ni Haze 'yong sandok habang nakapikit na kumakanta sa harap nang niluluto niya na hindi niya namamalayang nangangamoy sunog na. Nilingon ko naman 'yong tatlong nakaupong kulugo sa mesa— si Matthew, Zee at Kayden—pinakaguwapong mga kulugo sa balat ng lupa. Napapamura pa nang mahina si Matthew at Zee habang naglalaro sa phone nila. Si Kayden naman ay nakakrus ang mga kamay sa dibdib habang tinatawanan si Haze sa pagpiyok-piyok nito. Binalik ko na ulit ang tingin ko kay Haze. "P'wedeng pakibilisan? Magluluto rin ako." Natigilan siya sa kaniyang mini concert at bumaling sa 'kin. Ngumuso naman ako sa kawali niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya pansin na maitim na 'yong tocino niya. "WOOOOAHH!" Agad siyang nataranta nang makita 'yon. Hinawakan niya 'yong kawali para ilagay sa sink kaso nakalimutan niyang gumanit ng potholder. "ARAY! ANG INIT T*NGINA!" sigaw niya. Binalingan ko naman si Ivy. "Halika, umupo ka muna rito." Sumenyas ako sa kabilang mesa na bakante. Dalawang malaking mesa kasi ang mayro'n sa kusina. Isa 'yong inuupuan nila Zee at katapat no'n ang isa pa kung saan ko pinalapit si Ivy. "Sino siya?" tanong ni Matthew sa 'kin. Hindi ko namalayang nakatingin na pala sila kay Ivy at parang kinikilala ito. "Bago kong roommate," sagot ko. Mukhang hiyang-hiya naman si Ivy dahil nakayuko lang siya. "Ano'ng nangyari sa ulam natin?" tanong ni Zee nang ilapag ni Haze sa mesa nila 'yong sunog na tocino na nasa plato. "Ano ba 'yan? Tocino o uling?" halakhak ni Matthew na naging dahilan para mawala na naman ang mga mata niyang singkit. Siya 'yong tipo na kapag tumawa o ngumiti, parang mahahawa ka na lang bigla. His smile lights up his whole face, like he’s so happy and there’s no room for anything else. He has a very ‘warm’ face, I would say. He looks like the cute boy next door who’s really nice to everyone. It’s true he has quite a baby face, and honest looking eyes. His lips are a bit more rounder though. I find that his features are interestingly symmetrical, but not quite. It’s quite evenly spaced, like the traditional proportions of a human face, but there are subtle differences that make for the uniqueness of his face. "Magluto ka na lang ulit, 'di natin makakain 'yan. Mas maitim pa sa budhi mo," seryosong sabi ni Kayden sa kaniya. Kayden has sharp edges and angles. His face is very unique to me. His eyes are slanted but very sharp like icicles. His gaze is very cold and empty, and you can't see anything but a dark dim forest. But when his emotions show, his eyes turn into a warm sunset. He has a soft face shape, black hair and thin physique, making him an ice cold prince. His lips are carved. The upper lip dips in a little deeper than the lower does, very daintily. And in all honesty, Kayden has somewhat of a baby face that’s stark with his demeanor and natural expressions. It’s almost mismatched, such an intimidating glare from such a cute face and someone of small stature, but he wears it so well that you won’t notice he’s cute until he smiles. "Gagawin ko sana talagang uling 'to, nahiya lang ako sa inyo!" singhal ni Haze sa kanila. Sa pagkakaalam ko, siya lang ang marunong magluto. Hindi nga lang kasarapan, pero p'wede na. "Kung 'di na kayo magluluto, ako muna. Nagugutom na 'ko." Tumayo na ako sa upuan at dumiretso sa refrigerator. Inilabas ko 'yong manok sa freezer para simulan 'yon hugasan at hiwain. "Trida, baka naman?" parinig ni Matthew. "Baka may pa sobra ka d'yan kahit pang-apat na tao lang?" "Bakit apat lang? Lima tayo, ah?" singit ni Haze. "Gano'n talaga kapag ex na, hindi na sinasali. Kahit magutom ka d'yan walang pakialam sa'yo si Trida," tumawa ulit si Matthew kaya nilingon ko siya para bigyan nang nakakamatay na tingin. Then I turned my gaze to the very good looking guy who broke my heart into a quadrillion pieces— Haze Cartajena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD