Chapter 28. Before & After The Breakup

2246 Words

TRIDA POV A year ago. Two weeks before the break up. Tahimik na umaagos ang luha sa aking mga mata habang nakahiga nang patagilid. Ang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung ano'ng problema namin ni Haze. Bigla siyang nagbago. Hindi na siya katulad ng dati at hindi ko alam kung bakit. Pagod na pagod na akong mag-isip at magtiis. Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng unan at saka ako nag-type ng message sa kaniya. Babe pa ang naka-save na pangalan niya sa akin dahil 'yon ang tawagan namin. "May problema ba tayo, babe?" I texted him. Pinahid ko pa ang luha ko. ["Wala."] "E, bakit ka gan'yan?" ["Bakit?"] "Bakit bigla kang naging cold sa 'kin?" ["Sobrang busy ko lang kaya wala akong time minsan."] "Ako rin naman busy. Pero I always made time for you. Bakit ikaw hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD