TRIDA's POV Ten-thirty ng gabi nang makabalik ako sa dorm matapos kong puntahan si daddy. Maaga naman akong nakaalis sa office niya kanina pero kinailangan ko munang magliwaliw dahil ayokong bumalik sa dorm nang mugto ang aking mga mata. Hindi muna ako umakyat sa kwarto dahil baka gising pa rin si Ivy at interbyuhin lamang ako kung saan ako galing—kaya huminto muna ako sa lobby at doon tumambay sa sofa. Isang ilaw na lamang ang nakasindi. Iyong pinlight lamang at medyo malayo pa 'yon sa puwesto ko kaya hindi na ganoon kaliwanag. Sinag na lamang nito ang bahagyang tumatanglaw sa akin. Sumandal ako sa mahabang sofa at pumikit habang iniisip ang mga nangyari sa akin noong kasalukuyan akong nasa high school. I got bullied nang may lumabas na issue na mayroong kinalaman si daddy para pag

