JIBBSON RAMIREZ' s Point Of View THE hell! I’m such a loser! Buong akala ko mananalo na ako. "Paano ba iyan pwede ko ba rin siyang kausapin?" sabi ni Jared sabay alis. Kaasar lang! Kainis. Dumiretso ako ng locker room pagkagaling sa ground bago roon ko binuhos ang inis ko. Nagshower ako. Hanggang sa pagligo ko hindi ko maiwasang hindi maalala ang naging deal namin ni Jared. Pagkatapos kong malamang okay na si Venice dahil sa sinabi ng doctor na tumingin sa kaniya bumalik na rin ako ng ground dahil kahit gustuhin ko mang maiwan doon hindi pwede dahil may laro pa ako. Ako kasi ang representatives ng class E sa marathon boys. Alam ko ako ang mananalo kahit na kalaban ko pa si Jared. Three years na rin akong champion sa marathon kaya alam ko sa sarili ko

