VENICE MARTINEZ's Point Of View GABI na nang makauwi ako ng apartment. Hindi na ako sumabay kay Jared sa pag-uwi. Talagang sinadya kong magliwaliw muna sa park bago umuwi. Ayoko ko kasing madatnan ni Papa o kaya naman ni Tita Tina o kung sino mang kasama ni Jared sa apartment niya na mugto ang mata ko dahil sa walang humpay na pag-iyak. Nakailang inhale at exhale pa ako bago naglakad papunta ng apartment room namin. Papalapit na ako sa pintuan nang makasalubong ko si Matthew. As usual, isang death glare agad ang sinalubong niya sa ‘kin. Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. "Bakit mugto iyang mata mo?" Out-of-the-blue na tanong niya. Napatigil ako sa pagbukas ng pinto. "Napuwing lang ako," pagsisinungaling ko. "Liar! Ang sabihin mo bumagsak ka

