-JIBBSON RAMIREZ’s Point of View MAKITA siyang umiiyak dahil sa walang kwentang lalaking iyon ang talagang nagpapagalit at nagpapasama ng araw ko. Ano ba kasing meron sa kutong lupang Mendiola na iyon at nagustuhan niya. Hindi hamak namang mas gentleman at mas gwapo ako doon. Akala mo kung sinong gwapo kung paiyakin niya si Venice. Nakakapikon talaga ang pagmumukha ng lalaking iyon. Makita ko palang mukha niya nasisira na ang araw ko mas lalo na ngayon. Langya! Pinaiyak niya lang naman iyong babaeng mahal na mahal ko. "Hoy Mendiola!" Hinarangan ko ang kaniyang dinaraanan at napatingin siya sa akin. Damn! I want to punch him. I want to punch his face until it was gone. "What do you want?" Sabi niya habang nakalagay sa kaniyang bulsa ang kaniyang dalawang kamay. Pa-

