JIBBSON RAMIREZ's Point Of View HABANG kumakain siya ng ice cream hindi ko mapigilang alisin ang tingin ko sa kaniya. Kahit anong angulo mo tingnan ang cute niya. Ang sarap pang kasama. Ang kapal lang talaga ng mukha ng gagong Jared na iyon at pinaiyak niya si Venice. Kaya simula nang hindi na siya kausapin ni Venice nadagdagan ang lakas ng loob ko. Kahit anong mangyari ilalayo ko si Venice kay Jared. Ayokong nakikitang umiiyak si Venice ng dahil lang sa lalaking iyon. Venice deserved better than him. Kung hindi man ako basta iyong lalaking palaging magpapangiti sa kaniya at laging nandiyan para siya'y suportahan. I gulped ng makita kong dinilaan niya iyong ice cream na kinakain niya. Great! Parang natetempt akong halikan siya. Alam kong hindi lang sampal ang gagawin niya

