Rental Girl ( Kailangan ko bang gaein ito? )

1193 Words
"Crack...!" Nabasag na baso " Ma anung nangyare? Ma..." Patakbong pasigaw papunta kay mamang nakahandusay sa sahig. " wee-oww.. wee-owe..."- tunog ng tumatakbong ambulansya. Habang tinatakbo ko si mama sa hospital napapaisip na ako kung paanu ko babayaran ang maaring maging bill niya sa hospital. Makalipas ng ilang minuto at sa pagtingin kay mama, Nagtanung ako sa Doctor, "Doc, anu pong nangyare? Bakit biglang natumba ang mama ko?" Pag aalalang tanung ko. "Lowblood ang mama mo, at may ulcer din sya. Bantayan mo at icheck mo lagi kung anu ang ginagawa at kinakain ng mama mo. Pakainin mo sya ng nagpapadagdag ng dugo at wag pakainin ng bawal lalo na ang kape." Mga payo at sinasabi ng doctor saakin. Sobrang kinabahan at nag alala ako dahil akala ko kung anu na ang nagyare kay mama at kung malala na ba. Sobrang pasalamat ko dahil hindi rin kami nagtagal sa hospital dahil wala kaming pera pang bayad sa bill kung magtatagal pa kami doon. Nang maihatid ko na si mama sa bahay pinagsabihan ko syang wag na munang umalis ng bahay at magpahinga. Kumain ng maayos at dapat na kainin. " hahaha hay Donah malaki ka na nga talaga. Ako na ngayon ang pinagsasabihan mo." Pabiro ni mama saakin. Gumaan na ang pakiramdam ko nung nakita kong nakangiti na si mama kahit alam kong hindi pa siya ganun kaayos. " Ma, alis muna ako ha. Basta magpahinga wag muna magkikikilos. Magagalit talaga ako pag hindi ka sumunod okay ba ma?" Maayos kung pakiusap kay mama. At tumango naman sya saakin at lumabas na ako ng bahay. Habang naglalakad, malalim ang aking iniisip dahil wala na kaming natirang pera dahil lahat ng tinabi kong pera at ang pera ni mama sa wallet ay nagamit ko na sa pangbayad sa hospital. Kaya maghahanap ako ng paraan para makaahon o maitawid ang araw na ito. " Donah? Ikaw ba yan?" Isang boses ng babae ang narinig kong tumawag saakin habang naglalakad ako. Paglingon ko, " Lyka? " Gulat kung sabi nang makita ko ang classmate ko noong elementary na dating dugyutin. Pero ngayon napakaganda, mukhang sosyalin na. " Oh Donah anu na kamusta anu na balita sayo? Bakit parang ang lalim lalim naman ng iniisip mo at hindi mo man lang ako napansin?" Nakangiting tanung na may halong pagtataka. Napabiro na lang ako ng, " Sino bang makakakilala sayo Lyka ii noong umalis kayo dito hindi ka pa ganiyan kaganda at kasosyal. Hahah" pabiro kong sabi na pilit ang ngiti dahil sa iniisip na problema. Inaya ako na kumain ni Lyka na kahit kailan di niya pa ako naaya. Kaya sobrang pagtataka ko kung paanung ang laki ng pinagbago ni Lyka makalipas lang ang ilang taon. " Donah san na si Tita kamusta na sya? " tanung ni Lyka na may kahalong concern dahil mas close pa sila ni mama kesa saakin. "Kakagaling lang namin sa hospital kahapon, nahimatay kasi siya. Sabi ng Doctor mababa daw ang dugo niya at may ulcer kaya ganun na lang ang nangyare kay mama" malungkot kong balita kay Lyka. Nagulat ako sa naging reaksyon niya noong malaman ang nangyare kay mama. Tila ba parang siya pa ang anak saaming dalawa. " Kaya ba malalim ang iniisip dahil doon?" Tanung niya saakin. " yung totoo Lyka, Oo kasama na yun sa pinuproblema ko. Kasi dahil sa paghohospital ko kay mama naubos na lahat ng ipon at pera meron si mama" hindi ko na napigilan ang sarili kong ikwento sa kaniya lahat nang nasa isip ko dahil wala naman akong mapagsabihan at malapitan. " Donah sana di ka magalit sakin sa iooffer ko sayo. Pero disisyon mo kung kakayanin mo o hindi. Basta ako gusto ko lang makatulong. Dahil sa panahon ngayon di ka makakahanap ng trabaho nang agaran." Seryosong sabi ni Lyka saakin. Ako, dahil sa narinig kong magkakatrabaho at makakapasok ako agad at kikita nangtanung ako, " Bakit naman ako magagalit. Anu bang trabaho yan Lyka?" Masayang sabi dahil may magiging solusyon na sa problema ko. Naglabas ng calling card si Lyka at nakita ko ung card na napakagara. " Dito ako nagtatrabaho at kung bakit naging maganda ang buhay ko. Tawagan mo yan at sabihin mo lang na ako ang nag offer sayo" ani ni Lyka sa akin na may magandang intensyon. Nagtataka ako kung bakit ayaw niyang sabihin saakin kung anung klaseng trabaho yun. Kaya nag isip isip ako ng matagal kung dapat ko bang tanggapin ang offer niya o hindi. "Ring..Ring.." calling " Hi good afternoon." sagot ng nasa telepono. " Good afternoon din po. ito po ba yung Golden Company? may nag offer po kasi saakin ka kaibigan na naghahanap daw po kayo ng applekante kaya po ako tumawag" masaya kong tanong sa babaeng nasa telepono. Kinakabahan at nagbabakasakaling magkaroon na ako ng trabaho. "Yes maam. Pwede po ba kayo pumunta sa office namin bukas ng umaga para mainterview at makita po kayo?" sabi ng babae sa telepono. " yes maam. Opo pupunta po ako maam. Thank you po" sagot ko na may galak sa narinig kong balita. Agad agad akong naghanda ng damit formal pag uwi at binalita kay mama lahat ng nangyare simula noong nagkita kami ni Lyka Kinabukasan pagpunta ko sa office ng Golden Company nagtaka ako bakit hindi ganun kalaki at hindi kita ang office ng companyang pinuntahan ko. Pero tumuloy pa din ako para sa trabaho. " Good morning Ms. Donah Lee. Pwede ko bang malaman kung Alam mo ba kung anu trabaho ang papasukin mo saamin Ms.Lee?" Tanung nang nag iinterview saakin habang tinitignan ako ulo hanggang paa. " Hindi po maam. Inoofer lang po kasi ito saakin ng kaibigan ko na si Lyka. Ang sabi niya lang po saakin tawagan ko lang daw po kayo binigay niyang calling card at sabihin ko na sya ang nag offer saakin na dito mag aaply." Masayang kong sagot sa nag iinterview saakin. At kahit hindi ko alam kung ano ang pinapasok kung trabaho ang mahalaga ay may trabaho na akong mapapasukan para sa mga kakaailangan namin ni mama sa pang araw araw. " Ms. Donah Lee sumama ka sa assistant ko sya ang magtuturo sayo kung anu ang dapat mong gawin. At isa pa pala Ako pala si Madam Ching." Sabi at pakilala niya saakin. "Opo madam Ching nice to meet you po and Thank you maam" masayang bati ko sakaniya. Sumunod ako at nagulat ako kung bakit mga magagara na damit ang pinapakita saakin ng assistant ni madam ching at nagulat ako na magiging Rental Girl ( magkakaroon lang ng instant jowa ang magiging customer/ for short instant jowa o girlfriend for a day) pala ako ng mga Matatanda at mga Binatang Rich kid. Hindi bayarang babae amg papasukan ko pero magiging jowa for a day lang daw sabi ng nagpapaliwanag saakin na assistant ni Madam Ching. Napahinto ako dahil sa gulat kung bakit ko napasok ung ganitong trabaho? Kakayanin ko ba to kahit hindi pa ako legal age? Makukulong ba ako? Mga tanung sa isip ko. Pero napasabi na lang ako sa sarili ko na Kailangan ko itong gawin para saamin ng mama ko. At wala namang masama sa gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD