" Criiinnggg.." alarm
" Oh my gaaasshh... Ma bakit naman hindi mo ako ginising... Late na ako..."
" Kanina pa kita ginigising, panay mamaya ka ng mamaya. Kaya pinabayaan na kita. Ewan ko sayo Donah, dali dalian mo na jan at kumain ka na dito"
Habang sinesermunan ako ni mama, dali dali akong kumilos at kinuha ang mga gamit at nag ayos ng madalian.
" Ma alis na ako di na ako kakain, bye Ma" Patakbo palabas ng bahay
" At ma tumigil ka na sa mga binibitbit mo pag umuuuwi ha. Nako ma..."
Binalikan ko si mama para paalalahanan. Pero nginitian nanaman niya ako.
Nang malapit na ako sa bus stop nakita kung paalis na ang bus kaya lalo kung binilisan ang takbo ko at buti na lang may nagpatigil ng bus.
"Thank you po kuya..."
Pag akyat ko hindi ko akalain na siksikan ang bus at may natapakan, nabunggo akong mga tao dahil sa sikip ng bus.
" aray.. mag dahan dahan ka naman ate."
Mga daing nga mga natapakan ko.
At biglang huminto ng biglaan si kuya driver kaya ung katabi ko, nahila ko ang headset kaya naputol.
" Sorry.. sorry.. Hindi ko sinasadya kasi..."
hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nagsalita na agad ang lalaki,
"SORRY! Saka ko tatanggapin sorry mo kung maaayos ng sorry mo ang headset ko" galit at pilosopong sagot sa akin ng lalaki.
Pinagtinginan nanaman ako ng mga tao ngayon kaso itong sitwasyon na ito alam kong ako ang may mali kaya nanahimik na lang ako.
Pagkababa ng bus,
"BWESIT!!! Anu bang meron sa araw na toooo.. jusme napakamalas ko naman ngayon"
Sigaw ko sa sarili ko habang hawak ang buhok.
" Donaahh.. Bestiee "
" Hay ito nanaman siya naririnig ko nanaman ang matining niyang boses" habang kausap ang sarili.
Paglingon ko kitang kita ko ang ngiti ni Leah sa labi kahit malayo palang sya sa akin.
" Donah.. my one and only Bestiee.." nakaingit habang sinisigaw ang mga ito.
Dahil sa weird na kilos niya napatanung ako,
" Ano meron Leah? Himala buti naalala mo pang Bestie tayo tagal ko ng di naririnig yan sayo Leah." Asar ko sakaniya.
" Alam mo ba Donah na may bagong Oppa akong nakita papunta dito sa campus. Hindi familiar ang mukha niya, kaya feeling ko transferi sya dito sa school natin" nakangiting balita nito saakin na halatang excited na makilala.
Sa isip isip ko dahil sa pagiging marites niya mukhang kilala na niya lahat ng mukha dito sa buong campus namin.
Kaya napatawa na lang ako at hindi ko alam kung maniniwala sa balitang sinabi niya.
" Driinnnggg..." - school bell
" Good morning Sir Oli" bati naming lahat.
" Good morning class, sit down. Anyways girls and boys. Lalo na sa girls be easy ok magkakaroon kayo ng bagong classmate galing sya sa ibang campus at....." hindj pa tapos magsalita si sir nagsigawan na sila,
" wooooo... sir dali na pakilala mo na samin" hiyawan ng mga excited na babae sa classroom.
At ako na walang paki at badtrip padin dahil sa nangyari saakin sa bus.
At biglang nagulat sa mga tilian ng mga kaklase kong kung tumili parang may nakitang celebrity.
" Okay class please calm and sitdown, mr. James can introduce your self"
" Good morning my name is James Kang 18 years old...."
Pakilala ng bago naming classmate.
Habang nagpapakilala napaisip ako, bakit parang familiar ang boses ng new classmate namin at dahil sa curious napatingin ako sa nagsasalitang student sa harap at nagulat ako na sya ung lalaking naputulan ko ng headset.
" Anung meron sa araw na to bakit napakamalas ko ngayon" bulong ko sa sarili ko na pilit na tinatago ang sarili na baka makita at makilala ako nung lalaki na yun.
" Donah.. Donahh.."
Hindi ko namalayang tinatawag na ako ni Sir Oli. Dahil sa kakaisip at kakaiwas mas lalo tuloy akong napansin ng lahat.
"Yes sir.." biglang tayo dahil nagulat sa tawag ni Sir Oli.
Kabadong tumingin kay sir habang nakangiting tingin saakin ng sira ulong lalaki sa bus.
" Donah kung di ako nagkakamali nagtransfer ang ung nakaupo jan sa katabing table mo right?" Tanong ni Sir Oli na di ko alam kung nag aasar o nang bubwesit na kahit alam ko naman na wala syang kinalaman sa pagkaburyo ko.
" Yes sir" sagot ko habang niyuyuko ang ulo.
Natapos ang klase na wala man lang akong natutunan o naintindihan sa klase ni Sir Oli.
" Hi girl in the Bus. Do you remember me?"nang aasar natuno nito habang nakangiti saakin.
" Don' t worry Mr. Pilosopo papalitan ko yung headset mo nasira ko. Hindi man ngayon pero basta papalitan ko un"
Biglang lakad palabas ng classroom at nakita si Leah at hinila palabas.
" Donnaahhh??" Tulalang patanung ni Leah.
Pero di ko sya pinansin at napasabi na lang sakaniyang,
" Leaaahh, Bestie talaga kita. Alam mo talaga kung kailan ka magpapakita saakin. Love you bestie" napayakap at sobrang nagpapasalamat sa pagsulpot niya.
" Donaah classmate mo ba sya?"
" Sino ba? Ahhh.. wag mo na tanungin ayaw ko mabadtrip ngayon Leah." Iwas na iwas akong pag usapan ang lalaking yun.
" Donaahh pakinggan mo ako at sagutin mo ako sa tanung ko...!!" Galit at pasigaw nitong sa akin dahil napansin ata niyang di ko pinapansin mga sinasabi niya sa akin.
Kaya naman pinakinggan at sinagot ko siya.
" Okay. Leah sorry anu ba yun?" Mahinahon at humingi nh pasensya dahil di ko sya pinapansin.
" Donah kaklase mo ba yung lalaking nakita ko na kausap mo kanina at sya ba yung lalaking nakita ko na sinabi ko sayong oppa na mukhang transferi dito sa campus natin?" Tanung niyang hindi ko alam bakit may halong pangangamba at miske ako kinabahan sa pwedeng maging mangyare.
" Donah please sagutin mo ako sya ba un sya ba un?" Hindi pa ako nakakapagsalita sunod sunod na ang tanong niya.
" Wait lang Leah don't tell me ung lalaking sabi mong nakita mo kanina, un ung lalaking kausap ko na kinabubwesitan ko?" Kinakabahan, natatakot at naguguluhan na sana hindi parehong tao ung sinasabi niya.
Kasi kung magkaganun ako ang magigitgit at mahihirapan kung ganun.
Nagulat ako bakit ung lungkot at kaba na nakita ko sa mukha ni Leah ay napalitan ng saya, at tuwang tuwa sa nalaman niya at nasigurado niya na si James Kang na classmate ko ay sya din ang bagong crush ng Bestie ko na si Leah.