bc

Marked by Wanting Him

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
family
HE
mafia
addiction
like
intro-logo
Blurb

She loved him long before she understood what love could destroy.From the moment their worlds collided, her heart learned only one name. While he walked through life untouched, admired, and free, she stayed—quietly, desperately—loving him in ways she never dared to ask back. He was warmth and distance all at once, offering her stolen moments, lingering touches, and promises that were never spoken aloud.She gave him everything: her time, her trust, her body, her hope. She mistook his need for affection as love, his closeness as choosing her. But he was never hers—only passing through her life while she built her entire world around him.When desire left its mark and consequences followed, she was left carrying more than just memories. She carried the truth of a love that asked for everything and gave nothing certain in return. Still, even as her heart shattered, she could not stop wanting him—could not stop believing that maybe, one day, he would finally see her.Marked by Wanting Him is a haunting story of obsession, vulnerability, and the quiet tragedy of loving someone more than yourself—of a girl who mistook desperation for devotion and paid the price with her heart.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Wanting Someone Who Never Looked
Sa buong buhay ni Isabella Montoya, hindi niya kailanman naranasan ang salitang hindi. Lumaki siya sa mundo ng sobra-sobrang kayamanan—mga mansyon na mas malaki pa sa pangarap ng iba, kotse na pinapalitan kahit wala pang gasgas, at mga taong handang ibigay ang lahat basta banggitin lang ang apelyidong Montoya. Bata pa lang siya, alam na niya kung paano gamitin ang ganda, ang pangalan, at ang impluwensya. Lahat nakuha niya. Maliban sa isang lalaki. Si Damon Blackthorne. Ang mga Blackthorne ay hindi lang mayaman—sila ang uri ng pamilyang hindi kailangang magpakilala. Old money. Tahimik. Mapanganib kapag kinalaban. At si Damon, ang nag-iisang tagapagmana, ay kilala sa iisang bagay— Wala siyang pakialam sa kahit sino. Lalo na kay Isabella. Charity gala ang okasyon—isang gabi na puno ng ngiti, champagne, at mga kasunduang mas mahalaga pa kaysa damdamin. Ang dalawang pamilya ay palaging magkasama sa ganitong event. Para sa lahat, natural lang na magkatabi sina Isabella at Damon. Pero sa kanya, palagi siyang nasa likod. Suot ni Isabella ang isang silver gown na sadyang yumayakap sa bawat kurba ng katawan niya. Bukas ang likod, mahaba ang hiwa sa gilid—alam niyang sapat iyon para mapatingin ang sinumang lalaki. Ngunit si Damon Blackthorne ay nakatayo sa gilid ng ballroom, hawak ang baso ng whiskey, malamig ang ekspresyon, parang hindi bahagi ng mundo. Lumapit siya. “Damon,” tawag niya, may ngiting matagal na niyang hinasa para sa kanya. “Hindi ka ba mapapagod kakatrabaho kahit isang gabi lang?” Tumingin si Damon—isang mabilis, walang emosyon na sulyap. “I’m not here to socialize.” Diretso. Walang lambing. Ngumiti pa rin si Isabella kahit ramdam niyang parang pinisil ang dibdib niya. “Alam ko. Never ka naman talaga nandito para sa kahit sino.” “Then you already know the answer.” “Pero nandito ako,” sagot niya agad. “At ikaw pa rin ang pinipili ko.” Wala siyang reaksyon. Tumingin ulit si Damon sa baso niya. Lumapit pa siya, binaba ang boses. “Hanggang ngayon, ikaw pa rin. Kahit anong gawin ko, Damon, ikaw.” Dahan-dahang huminga si Damon, halatang naiirita. “Isabella, this is pointless.” “Pointless para sayo,” sagot niya. “Pero para sa’kin, ito na ‘yung buhay ko.” Humarap siya sa lalaki, halos isang hakbang na lang ang pagitan. “Hindi ko hinihingi na mahalin mo ako. Kahit gustuhin mo lang ako saglit. Kahit maramdaman ko lang na may silbi ako sayo.” Tiningnan siya ni Damon—pero walang init, walang pagnanasa. “You’re not special to me.” Parang binuhusan ng yelo ang katawan niya. “Okay lang,” sabi niya, nangingiti kahit nanginginig ang boses. “Kahit hindi ako espesyal. Kahit katawan ko lang ang kailangan mo.” “I don’t need anything from you.” Mas masakit pa ‘yon kaysa sa galit. “Hindi ka naman ganyan dati,” pilit niyang sabi. “No’ng bata pa tayo—” “That was never real.” Nanlaki ang mata niya. “Hindi totoo.” “It was convenient,” malamig niyang sagot. “That’s all.” Hinawakan niya ang manggas ng suit nito, marahan, parang huling kapit. “Malandi ako, oo. Pero sayo lang. Hindi mo ba nakikita kung gaano kita gusto?” Agad niyang inalis ang kamay niya. “Don’t touch me.” Parang sinampal siya. “Ganito na lang ba talaga?” tanong niya, halos pabulong. “Kahit isang beses, hindi mo ba ako nanaisin?” “No.” Isang salita. Isang putol. Napatawa siya nang mahina, pero puno ng sakit. “Grabe ka. Alam mo bang sinira mo na ako?” “You did that to yourself.” Tumingin si Damon sa relo niya. “I have a meeting.” Yun na ‘yon. Walang paalam. Walang paliwanag. Wala man lang lingon. Iniwan niya si Isabella sa gitna ng marangyang ballroom—mag-isa, napapaligiran ng ilaw at yaman, pero lubos na walang halaga. Hinawakan niya ang dibdib niya, ramdam ang bigat at hapdi. “Marked na ako,” bulong niya sa sarili. “Marked by wanting a man who never wanted me.” At kahit alam niyang wala siyang mapapala— Alam din niyang babalik siya. Paulit-ulit. Dahil ang pagnanais niya kay Damon Blackthorne ay mas malakas kaysa sa dignidad niya, mas malakas kaysa sa sakit, at mas malakas kaysa sa sarili niyang puso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
125.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
617.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
822.7K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.9K
bc

Bad Boy Biker

read
8.8K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook