Rovi acted like nothing happened.
Nagbihis lang ito habang siya ay nakatalukbong ng kumot. Nang matapos na ito, binigyan siya nito ng t-shirt at jersey short saka lumabas ng kwarto. Then, they had their breakfast. Rovi explained na nakatulog na hindi nito nabigay sa kanya ang number ng unit niya kaya inuwi na lamang siya nito.
“At wala akong ginawa sa iyo, kung iyon ang pinag-aalala mo. Sumuka ka kasi at wala akong choice kundi tanggalin ang damit mo dahil babaho ang kwarto ko,” paliwanag nito saka ngumuso sa may terrace kung saan may sampayan at naka-hanger ang damit niya. “Nalaban ko na kagabi. Tuyo na siguro.”
Hindi na lang siya umimik. Well, she was too embarrassed and disturbed to say anything. Ikaw ba namang nakita ang anaconda nito?
Muli siyang napalunok nang maalala iyon. Gusto niyang iuntog ang ulo sa mesa pero baka mawirduhan ito sa kanya.
Ay hindi iyon ang isyu. Baka sabihin niya, na-arouse ako sa kanya! Gosh, I think sinadya niya yung kanina.
After breakfast, nagpaalam na rin siya kay Rovi. Nagboluntaryo itong ihatid siya pero tumanggi siya. She cannot stand the awkwardness, aba!
And so, Monday has come again.
Walang ginagawa noon si Hailey kaya naman nakatunganga lang siya sa cubicle niya. Nangangalumbaba siya habang ang tingin niya ay lumalagos sa kaharap na computer.
Hindi nagtagal, ibinaling niya ang tingin sa hintuturo ng kanang kamay niya.
I think isa’t kalahati siguro daliri? No, dalawa?
Napansin niya ang ruler na nakasuksok sa pen holder. Kinuha niya iyon saka sinukat ang daliri.
Three inches? Napalunok siya. That means, six inches ang sukat ng anez ni Rovi? And it’s still flaccid? Holy s**t! Ang taba pa naman!
She groaned. “Teka nga—“ Napatakip siya ng bibig nang ma-realize na nag-ingay siya. She observed her officemate. Good thing, everyone was busy.
Napabuga siya ng hangin sabay sampal sa sarili. Para kang gaga, Hailey! Stop thinking about it, jusko, sita niya sa sarili. Ilang ulit niyang pinagsasampal ang sarili saka muling bumuntong hininga.
“Hay ewan,” bulong niya saka tumayo. Mainam na rin sigurong magmeryenda muna tutal it’s almost her coffee break naman na.
-
FRIDAY of that week.
Nakapila noon si Hailey para mag-timeout. While waiting, hindi niya maiwasang kapain ang lower abdomen. Nagkakaroon na siya ng kaunting bilbil. It somewhat frustrated her because she used to be really fit when she was in college.
I guess, maglalakad na lang ako pauwi starting from now, isip niya. Fifteen minutes na lakaran lang naman ito e. Makakatipid pa ako.
Sinunod niya ang naisip. Laking pasasalamat niya na flats ang suot niyang sapatos niyon kaya alam niyang hindi siya masyadong mahihirapan maglakad.
Hindi pa man siya nakakalayo mula sa opisina nang biglang may bumusinang motor. Hinarap niya iyon at nakita ang isang lalaking lulan ng isang motorsiklo. Itinabi nito ang motor sa gilid niya.
Inalis nito ang helmet, which revealed it was Rovi.
“Hey, pauwi ka na?” tanong nito.
Nagsalitan ang tingin niya sa motor at sa binata. Ang tanda kasi niya, mayroon itong kotse. “Yeah. Why?”
“Sabay ka na,” alok nito saka inabot sa kanya ang hinubad nitong helmet.
Wala sa loob na kinuha niya iyon. “Wait, paano ka pala? Mahigpit ang traffic rules dito, loko.”
Nitong nakakaraang araw, nagkaroon siya ng chance na makilala pa nang lubos ang binata. He was actually fun to be with. Tuloy, hindi niya namalayang nawala na pala ang kung anumang bitterness na nararamdaman niya sa binata.
Bumaba ito ng motor at binuksan ang compartment sa likod niyon at nilabas ang isang half-faced na helmet. Natigilan nga lang ito nang makita ang kulay niyon.
“Oh, s**t. Pink pala `to,” natatawang sabi nito saka siya hinarap. “Palit tayo.” Inabot nito ang helmet sa kanya.
Ngingiti-ngiti naman siya habang nagpapalit sila. At the back of her mind, she imagined Rovi wearing it. Girly ang design ng helmet at di akma sa manly aura nito. Napaka-macho pa naman nitong tingnan, lalo na sa suot nito ngayong itim na blazer na hapit na hapit sa katawan nito.
Hay, ewan! Iiling-iling na lang siya saka sinuot ang helmet.
Muling sumakay si Rovi sa motor. Medyo nakaabente nga lang ito dahil syempre, sasakay din siya. Patagilid pa naman ang ginawa niyang pag-upo dahil naka-pencil skirt siya.
Ma-traffic nang sandaling iyon kaya panay ang hinto nila. Hailey thought that it would take her longer than walking. Napakamot siya ng ulo.
“Jusko, ang traffic talaga dito,” iiling-iling na lang na bulong ni Rovi. “Kahit mas convenient ang motor, disaster pa rin ang traffic.”
“`Di ka sanay, ano?” tugon naman niya. Nakahinto na naman sila nang sandaling iyon.
“Yes. Noong sa Clark pa ako nagtratrabaho, madalang ang traffic, usually kapag may event lang sa open field,” iiling-iling na naman nitong sabi. “Mga fifteen minutes na drive lang yata mula sa pinagtratrabahuan ko papuntang SM Clark.”
“Asus, baka naman kasi malapit lang talaga?”
“Hindi. Malayo. Parang mula sa office hanggang unit ko sa Magellanes.”
Napamaang naman siya. Hindi naman ganoon kalayo ang sinasabi nito but it would take at least thirty minutes sakay ng kotse dahil napakabigat ng daloy ng trapiko.
“E di Clark na ang walang traffic.” Tumawa siya. “Sabagay, hindi pa naman kasi sing-develop ng Makati.”
“Yeah.”
And so, muli silang binalot ng katahimikan.
Matapos ang ilang sandali pang tigil-hinto, muli na naman siyang nainip kaya kinausap na niya ito.
“Nasaan nga pala `yung kotse mo?” tanong niya.
“Ah, nasa kakambal ko. Kailangan daw niya sa work.”
“May kakambal ka?” bulalas niya.
“Yeah.” Tumawa siya. “Why are you surprised?”
“Wala naman. Ano bang work niya? Saka taga-saan ba siya?”
“He’s an engineer talaga sa isang oil refinery sa Bataan. Pero suma-sideline kasi siyang photographer. Meron siyang commission this weekend kaya pinahiram ko muna siya ng kotse tapos sakin napunta itong motor niya.”
Saglit na napaisip si Hailey. Halata kasing mamahalin ang motor na gamit ngayon ni Rovi. It was surprising na hindi pa-afford ng kakambal nito ang mamili ng sariling kotse. And oh, ang alam din niya, mayaman ang angkan nila Rovi. Parang ang hirap isipin na kailangan pa nilang maghiraman ng gamit.
“So, are you telling me na dinala mo ang kotse mo dahil gagamitin niya at ito ang dinala mo pabalik dito?” sabi muli ni Hailey. “And I don’t even know na probinsyano ka pala. Ang layo ng Bataan dito sa Makati, ah?”
“Probinsyano? Not really. I grow up in Tagaytay, but we do visit Bataan a lot because of my ninang. Si Kenjo, doon lang talaga siya nagtrabaho dahil doon nakahanap, ay.” Tumawa ito. “But yeah, ang layo nga ng Bataan dito. Five hours if you’re driving, hindi pa counted ang traffic. Pero kung motor, halos ganoon lang din naman. Less hassle pa nga dahil hindi ka mas-stuck.”
“Sabagay.”
Hindi nagtagal, nakita na ni Hailey ang kantong lilikuan niya. But rather than being excited about it, bigla siyang tinamad. She realized na wala naman siyang dadatnan sa unit niya kung hindi katahimikan.
Yayain ko kaya muna si Rovi na kumain? Isip niya. Tinatamad din naman siya kasi magluto ng hapunan mamaya.
Luckily, mukhang ganoon din ang binata. “May malapit bang coffee house o makakainan dito?” tanong nito.
May sumilay na ngiti sa labi niya. With great anticipation, she answered, “Mahal ang mga kainan dito. Ayokong mag-resto at malayo pa ang akinse. How about tambay na lang muna tayo sa unit ko at pa-deliver tayo ng food?”
“Okay lang ba sa iyo?”
“Why not? We’re officemate naman. And I’m living alone naman.” It was too late when she realized what she said. Napatakip pa siya ng bibig… but she didn’t feel any regret at all.
“Okay, sabi mo, e.”
Hindi na rin siya nagsalita hanggang sa makapag-park sila.
-
HINDI mapigilan ni Rovi ang mamangha nang makita niya ang lobby ng condominium building. Everything about it screams elegance – marble tiles, wood wall planks and rustic chandelier.
This is not a condominium unit that an ordinary employee can afford. Kahit ba nagre-renta lang si Hailey, alam niyang hindi pa rin kakayanin ng sahod nito. With that, he had hypothesized na mayaman rin ang pamilya nito, and Hailey owned her unit.
Pumasok sila sa elevator.
“Fourty-third floor,” sabi nito.
Agad niyang pinindot ang button. Di nagtagal, nakarating sila sa nasabing palapag. Tapos, kumaliwa sila hanggang marating ang Unit 43M.
“Welcome to my unit,” sabi nito matapos silang pumasok at habang hinuhubad niya ang sapatos. “Pasensya na kung magulo. Di pa ako nakakapaglinis.”
Rovi didn’t mind. Wala naman kasing masyadong kalat, liban sa mga disorganized na gamit. Besides, mas umagaw ang interior design ng bahay. Rustic-minimalist din ang tema, with those wood tiles and ball light chandelier na may malamlam na liwanag.
Inilapag ni Hailey ang bag sa mesa saka nilabas ang phone. “Anong gusto mong kainin? Pizza? Chicken buffalo?”
“Both? And I want some nachos, too.”
“Nice, daming demand.” Tumawa ang dalaga. “Tayo na lang ang gumawa ng nachos. May nearby convenient store naman at may salsa sauce ako dito. Wala nga lang gulay pero may coleslaw naman ako. Pwede na `yun.”
“Sure. Ikaw bahala.”
Mabilis na um-order ang dalaga. Nang matapos ito, lumapit ito sa ref at tiningnan ang laman niyon.
“Wala pala akong soft drinks dito. Kailangan din nating bumili.” Hinarap siya nito. “Tara?”
“Sure.”
Muli silang lumabas.
“Ang ganda ng unit mo, ha?” pambasag-katahimikan ni Rovi. They were at the elevator that time. “How could you afford to live here?”
“Well, my parents already paid for it, you know?”
“Wow? E di mayaman pala kayo?”
“Correction, mayaman sila. It’s their money, not mine.” There’s a sense of bitterness in her tone which made Rovi wondered if may sama ito ng loob sa mga magulang. “I’m already independent, so don’t associate their wealth on mine.”
Pinili na lang niyang huwag sumagot.
“How about you?” pabalik na tanong naman nito. “Anything to share about your family? Aside from your twin brother, of course.”
“I have an older sister who runs her own café in Batangas. My parents… they manufacture furnitures. That’s our main source of livelihood, actually. Or shall I say, that’s their source kasi independent na rin ako?” Nginisian niya ito.
Isang matalim na irap ang ibinigay nito. “Don’t tease me, Rovi.”
“Hey, I’m just kidding,” natatawa pa rin niyang depensa.
“Kidding mo mukha mo!”
Sa wakas, bumukas na ang elevator. Dumiretso na rin sila sa convenient store. Una nilang binili ang nachos na sinamahan din nila ng isang malaking pack ng Doritos at Cheetos.
“Hey, dalawa lang tayong kakain,” nakangising kumento niya habang pinapanood ang dalaga na mamili ng iba pang chichirya. “Baka hindi natin ito maubos lahat.”
“E di, itatabi ko na lang.” Kumuha pa ito ng Pic-A na kulay blue saka siya niyaya magtungo sa beverages area.
Kumuha si Hailey ng isang 1.5L na Royal. Samantala, kumuha naman siya ng isang can in beer.
“Hoy, ano iyan?” sita nito sa kanya.
“Isang can lang naman!” depensa naman niya saka nilagay ang kinuha sa hawak na basket.
“`Pag may alak, may balak?” kantiyaw sa kanya ni Hailey. Nakataas pa ang kaliwang kilay nito.
“Oh come on, Hailey. I thought I already made it clear that—“
Bigla nitong tinakpan ang bibig niya. “Don’t you dare remind me of that night, Rovi,” pagbabanta nito. Nanlilisik pa nga.
He put his free hand in submission. “Sorry.”
“Whatever,” sabi lang nito saka binalik ang kinuhang soft drink at kumuha ng anim na can ng beer. “Tara sa counter,” aya nito.
Nandilat naman ang mga mata niya. “Hey?” Nginusuan niya ang hawak nito. “Ano iyan?”
“Walang pasok bukas,” sagot naman nito kahit walang ka-relate-relate sa sinabi niya. “Tara, bayad tayo. Baka dumating na `yung delivery boy.” Nagpauna ito sa counter.
Ngingiti-ngiti na lang siya. “`Pag may alak, may balak…” pagbulong na pag-uulit niya sa sinabi nito habang napapailing. Tapos, sumunod siya sa kasama para magbayad.