3

2316 Words
SATURDAY night that week. Nasa isang kilalang KTV sa Ayala si Hailey kasama ang mga ka-department niya. They were celebrating Johann’s 44th birthday. Tinotoo nga ang sinabi nitong magpapainom ito. Sa totoo lang, ayaw talagang sumama ni Hailey pero nahiya siya. Mabait kasi ang kanyang katrabaho at minsan lang ito humiling. But it didn’t mean na makikisama siya sa kasiyahan. Hindi naman siya killjoy na tao pero hindi siya kumportable sa maiingay na lugar kaya iyon siya at nakaupo sa pinakasulok na pwesto at ine-enjoy ang hawak niyang bote ng SanMig Light. Nang sandaling iyon, kumakanta si Rovi at ang isa nilang officemate na babae ng Just Give Me a Reason. In fairness, maganda ang boses ng binata. Husky tenor. Medyo scratchy nga lang ang higher notes because of glottal tension but still pleasant to her ears. Napabuga siya ng hangin saka ngumuso. She had been observing him on the past few days. Wala siyang makitang kapintasan kay Rovi! Magalang ito at friendly. Organized din. Parating maaga pumasok. Hindi na rin siya magugulat na maagaw nito ang korona niya bilang most valuable employee sa buwan na ito! And of course, she wasn’t happy with that. Rovi was not just someone who stole the opportunity for her. Threat na rin ito sa steady flow ng kanyang career. At hindi ako papayag doon! monologo habang tahimik na nakaupo sa isang sulok at iniinom ang kanyang alak. Nakakatatlong bote na siya ng flavored beer at unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto niyon. I have to find your Achilles heels bago mo pa masira ang career ko, monologo niya habang pinapanood na kumanta ang binata. She was so desperate, really, pero katwiran niya, ganyan ang kalakaran sa totoong buhay. You have to trample the other down to ensure your success. And she must think as hard as possible. Hindi pa regular na empleyado si Rovi. May pag-asa pa siyang makuha ang posisyon nito. E kung siraan kaya niya ito? Ah, no! I wouldn’t stoop down to that level. Thankfully, she was still sober enough to realize that.  Humingi pa siya ng alak at tuloy-tuloy na nilagok iyon hanggang sa hindi na niya namalayang lunod na pala siya sa alak… - “ANONG gagawin natin kay Hailey? May nakakaalam ba ng bahay nito?” Kakamot-kamot ng ulo si Johann habang nakatingin sa dalagang nahihimbing at nakahiga sa isang sofa. Nakanganga pa ito at may masaganang laway na tumutulo sa bibig.  Hinarap nito ang mga kasama. “Ba’t ba hinayaan n’yong malasing ito?” sisi nito sa dalawang babaeng kasamahan nila. Ramdam ni Rovi na magsisimula ng gulo ang binitiwang salita ni Mr. Johann kaya agad siyang pumagitna. “May kotse naman ho akong dala. Pwede ko ho s’yang ihatid,” pagboboluntaryo niya. Nagkatinginan sina Johann at ang mga kasama. “Mabuti pa nga. Puno na rin kasi yung sa akin dahil isasabay ko na rin itong mga kasama natin,” pasya ng may-edad na lalaki. Anim silang dumalo, kasama siya. “Malapit sa Buendia si Hailey pero hindi ko alam kung saan doon.” Naisip ni Rovi na magkaiba sila ng ruta ng dalaga dahil nasa Magellanes ang inuuwian niyang condo unit pero pumayag na rin siya dahil concern din niya ang kaligtasan ng dalaga. Nilapitan niya ang dalaga saka tinapik-tapik ang pisngi. “Hailey, gising na,” bulong niya sa dalaga habang ang mga kasama nila’y nagliligpit na ng kanya-kanyang mga gamit at naghahanda nang umuwi. Salamat naman, nagising din ang dalaga. Inalalayan niya ito nang bumangon. “Ano’ng oras na?” tanong nito. Groggy ang boses nito at amoy na amoy sa hininga nito ang alak. “Hailey, sabay ka na lang kay Rovi pauwi sa inyo, ha? Ihahatid ka na lang niya,” sabi ni Mr. Johann bago pa man makasagot si Rovi. “Nagmamadali na itong mga kasama natin.” Tumango lang si Hailey saka sinakbit ang shoulder bag nito at tumayo. “Oh!” bulalas ni Rovi nang mabaldog ang dalaga. Naging maagap naman siya sa pag-alalay dito.  “Lasing na lasing talaga!” natatawang sabi naman ni Johann saka sila niyayang lumabas ng KTV room. Syempre, inalalayan na ni Rovi ang lasing niyang officemate dahil mukhang mabubuwal lang ito. She’s barely conscious at kaunti na lang, papangkuin na niya ito. Sa wakas, nakarating na sila sa parking lot. “Oh, paano, Rovi, ikaw nang bahala d’yan kay Hailey, ha? Itanong mo na ka agad ang address bago pa makatulog nang tuluyan,” paalam sa kanya ni Mr. Johann matapos siyang tulungan nitong isakay sa passenger’s seat ng kotse niya ang dalaga. “Sige ho, Kuya. Happy birthday po pala ulit. Salamat sa libreng alak.” Tinapik nito ang balikat niya saka pumasok sa kotse nito na katabi lang ng kanya. Hinantay muna niyang makaalis na ang kotse saka siya pumasok sa kotse niya. Nang maisara niya ang pinto, ibinaling niya ang tingin kay Hailey. Nakapilig ang ulo nito sa bintana. Gising ito. The look on her face gave an impression that she was contemplating for something deep… and frustrating, maybe? “Hailey?” pagtawag niya sa dalaga. Nang hindi ito umimik, muli niyang binigkas ang pangalan nito sabay pagtapik nang mahina sa balikat nito. Ibinaling naman nito ang tingin sa kanya. “Oh?” mahinang anito. “Address mo?” Ipinikit nito ang mga mata. Inakala ni Rovi na nakatulog na naman ito kung hindi lang ito nagsalita. “Grand Soho. Sa may Salcedo Village,” sagot nito. Rovi had no idea where it was kaya tinanong niya ito kung saan iyon banda pero hindi ito sumagot. “Hailey?” pagtawag niya pero bigo siya. “Nakatulog na yata,” bulong niya saka kinuha ang phone sa bulsa at tiningnan ang address through Waze app.  Pinagpasalamat niya nang makitang napakalapit lang pala niyon. Nagsimula na siyang magmaneho. Palabas na siya sa kanto na puntang main road nang biglang magsalita si Hailey. “Alam mo, Rovi, nakakainis ka,” sabi nito. Napitlag tuloy ang binata sa gulat. “Gising ka pa pala?” aniya. Tapos, kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi nito. “Bakit ka naiinis sa akin?” Ibinaling niya ang tingin kay Hailey. Bahagyang nakadilat ang dalaga pero dahil walang buhay ang mata nito, para itong nags-sleep talk lang. “Inagaw mo kasi ang posisyon na iyan.” “Ha?” Bigla itong humarap sa kanya. “Ako na dapat ang bagong director ng Auxiliary department kaso bigla kang dumating.” Humikbi ito. “Inagaw mo sa akin. Inagaw mo! Inagaw mo!” asik nito sabay biglang hampas sa kanya. Naging maagap naman ang kanang braso ni Rovi sa pagpigil sa kamay nito. Patuloy ito sa paghahampas sa kanya habang sumisigaw na inagaw raw niya ang posisyon. In fairness, ang bigat ng kamay nito! Sa wakas, tumigil na si Hailey sa panghahampas. Nakahinga na sana siya nang maluwag kung hindi lang ito biglang humagulhol nang iyan. “Ako dapat ang bagong director!” palahaw nitong parang batang inagawan ng lollipop. “Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito! Imagine, four years na akong top performing employee tapos ni hindi man lang ako ma-promote-promote? Unfair! Unfair!” Napabuga siya ng hangin. Oh, come on!  Sa totoo lang, ito rin ang isa sa kinakatakot ni Rovi nang ialok sa kanya ni Kenneth, na kaklase niya sa kolehiyo, ang posisyon nitong bibitawan na raw nito.  Dati kasi siyang supervisor sa isang BPO company sa Clark. Hinawakan niya ang posisyon for one year saka niya binitiwan dahil pagod na rin siya sa pabago-bago ng shift tapos wala pang holiday na sinusunod. Sakto rin kasing inalok siya ni Kenneth ng trabaho kaya agad siyang nag-resign. Patuloy sa pagngangangawa si Hailey at hindi na nakatiis si Rovi. Sakto pa kasing naipit din sila sa traffic. “Alam mo, Hailey, wala nang magagawa iyang pag-iiyak mo d’yan,” sagot niya. “I already have it. What do you want me to do? Mag-resign para sa iyo?” Aba’y isang malutong na, “OO!” ang sinagot nito? Umawang ang labi niya in disbelief. Tapos, hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito. Ito ba talaga ang Hailey na nakilala ko? Hindi makapaniwalang isip niya. He thought Hailey was goody two-shoe and hardworking lady. Ang problema lang na nakita niya sa dalaga ay parang mas gusto nitong magtrabaho nang mag-isa. Ewan niya if it was counted as introversion din dahil sa napapansin naman niya, palakwento rin ito at sadyang mas gusto lang nang mag-isa madalas. Well, lasing ito. At sabi nga nila, lumalabas ang tunay na kulay kapag lasing.  Muli siyang bumuntong hininga. Saktong umandar na ang nasa harap niya kaya pinagalaw na rin niya ang kotse. “Alam mo, Hailey, sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko nakuha ang posisyon na ito,” pagkwekwento niya sa pag-asang mawawala ang bitterness nito. Bigla itong sumabat. “Kasi nga may backer ka! Close friend daw kayo ni Sir Kenneth!” Nagbilang siya hanggang sampu para pakalmahin ang sarili. “Sabi ni Miss Yolly, nagustuhan daw niya at ni Mr. Ronald ang personality ko. I’m expressive and can work well in a group.” “And your point is?” Tinaasan siya nito ng kilay. Lasing ba talaga ito? Nagagawa pang makipag-argumento? “Siguro, factor nga iyang sinasabi mo. Napadali dahil may endorsement ako ni Kenneth pero isipin mo na lang: matatanggap ba ako kung hindi ako pumasa sa interview? Saka tingin mo ba ganoon lang kababaw ang pamantayan ng kumpanyang pinapasukan mo? Basta may endorsement, pasok agad?” Natigilan naman ito at napanganga. Mukhang napaisip din ito. Muling huminto ang nasa harap niya. He used that opportunity to look at her again. “Ang hinahanap daw ni Miss Yolly ay ang magaling makisama sa mga tao. That makes a good leader daw. I’m not judging you or what but based from what I observed on you these past days, may pagka-loner ka. Not necessarily introvert siguro pero halatang mas kumportable kang magtrabaho nang mag-isa kaysa may kasama. I guess that’s the reason why they didn’t consider you for this position,” mahabang paliwanag niya saka muling tinuon ang atensyon sa pagmaneho dahil nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata na dumadaloy na ulit ang trapiko. A minute passed and Rovi didn’t hear anything from Hailey kaya mabilis niya itong sinulyapan. Nakita niyang nakayuko ito pero nakadilat. There were tears streaming down her cheeks. He grabbed a napkin at the dashboard saka ibinigay iyon sa dalaga. “I know it’s frustrating, Hailey, but life doesn’t end here. May opportunity pa para sa iyo. Who knows, it might be even better than what I have right now,” sabi niya nang kuhanin nito ang tissue sa kanya.  Hindi na siya nagsalita pagtapos. Tinuon na lang niya ang atensyon sa pagmamaneho hanggang sa nakarating na sila sa bungad ng condominium building nito. Matapos mag-park, hinarap niya ito. “Hailey?” he said, only to find her sleeping soundly. Mahina niyang tinapik-tapik ang balikat nito pero hindi ito nagising. Bumuntong hininga siya kasabay ng pag-alala sa sinabi nito. Alam niyang wala siyang kasalanan but he really hates it whenever he upsets someone. It didn’t matter if it was unconsciously. It bothered him but he knew he cannot do anything to fix this girl’s broken heart. Kaya naman inilapit na lamang niya ang bibig sa tenga nito saka bumulong nang, “Sorry…” - NAGISING si Hailey na parang binibiyak ang ulo kaya naman nakapikit pa rin siya nang bumangon. Oh, the light coming from the window just made it worse! “Gosh, anong oras na akong nagising?” bulong niya. Nakaharang ang kamay niya sa pinanggagalingan ng liwanag. She waited for her eyes to adjust from the light before she opened it. While her mind was bit hazy, she realized na nasa ibang kwarto siya! “Oh, s**t, where am I?” bulong niya sabay tiningnan ang sarili dahilan para mapasigaw siya. Naka-underwear lang siya! Mabilis niyang binalot ang sarili ng kumot sabay takip sa bibig. “Gosh, where am I? Sinong nagdala sa akin dito?” She had no idea if something happened last night. Damn it! Wala rin siyang maalala.  Saktong bumukas ang pinto. The scent of male shower gel filled the room. Tapos, lumabas ang isang lalaking nakatapis lang. The bath towel was too short na tipong hita lang talaga nito ang natakpan. Wow, nice body, isip niya while scanning his back. She wasn’t supposed to do that pero hindi niya mapigilan ang sarili. Broad shoulder, small waist and meaty bum with no visible lump of fats. Rovi looks hard and strong, like a Greek warrior statue. Humarap ang binata sa half-body mirror na nasa tabi ng pintuan ng banyo. Aba’y nag-flex ang loko saka pinatigas ang mala-monay nitong abs? He was either oblivious or simply didn’t see and realize that she’s awake.  Akmang tatawagin na niya ang atensyon nito nang bigla nitong hilahin ang tuwalya saka pinunas sa mukha nito, exposing his butt na napakinis. With that, hindi na niya napigilang mapasigaw. Rovi flinched saka tarantang napaharap sa kanya. And it was a wrong move because… Hailey stared at his thing between Rovi’s thigh. Her gaze widened; she gulped twice. That was when Rovi realized his mistake. “Ay, tang ina!” bulalas pa nito sabay takip sa ari-arian nito. Paatras itong pumasok sa banyo, every move was calculated possibly to prevent another mistake. Then, he shut the door and locked it. Hailey lied on the bed. “I didn’t see anything, right?” pagkonsula niya sa sarili. “Yes. I didn’t see anything. And this is just a dream. Epekto lang ito ng alak na ininom ko kagabi.” Ipinikit niya ang mga mata. She forced herself to sleep as she silently wished this was just a dream because… who knows? Rovi’s d**k might haunt her for the rest of her life. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD