9.3

1329 Words
"Wala kang kwentang ama!" she screamed at the top of her lungs. Kung pwede lang, marinig ng buong Pilipinas, mainam pa. God, ayaw niya ng ganitong mga magulang. "What the hell?" Pinanlisikan siya ng mga mata nito. "Are you a psycho or what?" "I'm not! Just a concern citizen. Ay correction pala, I'm a compassionate woman. Ikaw, ano ka?" Akmang sasagot pa ito pero biglang pumagitna si Rovi. "Wait, stop it right there," pigil nito saka humarap sa lalaki. "Pasensya na ho, Sir. My girlfriend is pregnant. You know, hormones. Madali talaga silang mainis." "Ha? What the hell are you saying, Rovi?" Pero hindi siya nito pinansin. "Kung anoman ang ginawa niya, ako na po ang humihingi ng paumanhin. Let me handle this, Sir." Nagsalitan ang tingin nito sa kanila saka tumalikod. "Daddy!" pagtawag ni Myko pero hindi ito pinansin ng ama. Nang mawala na ito sa paningin nila, hinarap siya ni Rovi. "What's going on?" naguguluhan nitong tanong. "And who's this child?" "Di mo pala alam kung ano ang nangyayari pero ang lakas ng loob mong pagmukhain akong masama? Really, Rovi?" Tinaasan niya ito ng kilay. "And cut that crap. I'm not your girlfriend!" Winasiwas nito ang kamay. "Answer my question, Hailey." Yumukod ito at kinarga ang bata. "Hello? I'm Kuya Rovi. What's your name? Are you okay?" Hindi sumagot ang bata. Sa halip, idinukdok lang nito ang mukha sa balikat ni Rovi. "I want my daddy," bulong pa nito kasunod ng paghikbi. Napatingin si Rovi. "So, what happened? Saka wala bang kasama ang batang ito?" "Actually, he does." Nginusuan niya ang mama nito. "Apparently, she's too busy. Tamo, until now, nanonood pa rin sa phone niya. Mukhang hindi yata niya alam na may iskandalong naganap." "Wow, you actually admitted it, huh? Na nag-iskandalo ka?” Naningkit ang mga mata. "Whatever, Rovi. Anyway, give Myko to me. Ibabalik ko na sa mama niyang walang silbi." "Shh! Wag kang magsalita nang ganyan sa harap ng bata." "Whatever." Hinawakan si Myko para kuhanin ito pero bigla nitong niyakap nang mahigpit si Rovi na parang ayaw magpahiwalay. "Ayaw ko. Ayaw ko kay Hilda!" Napatingin tuloy siya sa binata. "Hala?" Maging si Rovi ay naguluhan. "Myko? Why? Ayaw mo sa mommy mo?" "Di n'ya ko love! Salbahe siya! Papalo niya 'ko." Muli silang nagkatinginan ni Rovi. And that was when Hailey noticed a dark mark on Myko's thigh. May mga pasa ito sa hita! "What the hell?" hindi niya mapigilang bulalas. "Hailey, language,” sita ni Rovi na sinabayan pa ng pandidilat ng mga mata. "Shut up!" Inirapan niya ito saka iniwan. "Where are you going, Hailey?" Hindi niya sumagot. Sa halip, dumiretso siya kay Hilda. Ang bruha, tatawa-tawa pa't nagpapapadyak habang nanonood. Tama nga yata ang hinala niyang nanonood ito ng K-drama. "Excuse me?" But she received no responsed. Inulit niya ang sinabi nang mas malakas pero wala pa rin. Napuno siya kaya napilitan siyang hilahin ang earpiece nito sa kanan. "Excuse, Miss Hilda!" As expected, matalim na tingin ang iginawad nito sa kanya. "What the hell is wrong with you, b***h?" sabi pa nito sa twangy accent. Mala-Nashville ba. Tunog-social climber. "No, the real question is, what the hell is wrong with you, b***h?" asik niya. "Ako ang dapat nagtatanong niyan. Why the hell are you so neglectful? May anak ka, hindi ba?" Napaikot ito ng mga mata. "I don't have one." "So who's Myko?" "Anak ng ex-wife ng tatay niya." "Oh, I see. And I'll assume na ayaw mo sa kanya? Kaya pinapabayaan mo lang sa pool? Kaya sinasaktan mo lang?" "Teka, sino ka ba? Bakit ka ba nanghihimasok sa buhay namin, ha?" "It doesn't matter who am I. Pero ang pagpapabaya mo kay Myko, it does matter.” "Bakit? Patay na ba?" she replied nonchalantly. Di na siya nakatiis. Sinabunutan niya ito. The girl screamed in horror and flailed but failed. Maybe it was because of adrenaline kaya parang sobrang lakas niya, sa kabila ng masama niyang pakiramdam. "Let go of me, b***h!" "I would not! Not until you realized your mistake! Dapat sa iyo, makulong for child abuse and negligence!" Naramdaman na lamang ni Hailey ang dalawang kamay sa braso niya. It was Rovi, and he's trying to tear her away from Hilda. Meron ding ibang lalaking umawat kay Hilda, isang life guard. Sa kabila niyon, hindi siya nagpatalo. Pinagtatadyak niya ang babae. "My god, Hailey, stop it already!" suway ni Rovi saka siya pinangko na parang sako ng bigas. "Let me go, Rovi!" But he didn't listen. Inilayo lang siya nito sa lugar. Once they were inside the elevator, saka lang siya nito inilapag. "Seriously, Hailey?" kunot-noong tanong nito habang nakahawak pa sa magkabilang balikat niya. "Buntis ka, alalahanin mo. Hindi ka dapat nakikipagpisikalan." She looked away, and suddenly she felt her energy drained from her system. Biglang nanghina ang binti niya dahilan para mapaupo siya sa sahig. Naging maagap naman si Rovi sa pag-alalay sa kanya. "Hey, okay ka lang?" "Yeah. B-Bigla lang akong nanghina." Bumuntong hininga ito. "Sabi ko sa iyo." Umiling-iling ito. "Makakasama sa baby natin iyang ginawa mo." Hindi na siya sumagot. She just hugged herself. Bigla siyang nilamig. Basa pa naman ang damit niya. When the elevator opened, inalalayan siya ni Rovi tumayo. Ito na rin ang nagbukas ng unit niya at inakay siya hanggang makaupo sa dining chair. "You need to change, Hailey." "I can do it—" "No, Hailey. Maupo ka lang. I'll do it." There's a sense of irrevocable command on his tone. Napaiwas na lang tuloy ito ng tingin. Pumasok si Rovi sa kwarto niya para kuhanan siya ng damit. It was quick. Paglabas, may dala na itong dilaw na shirt at maong na mini-short. And a lacy undergarment. "Don't tell me..." Her face reddened. Rovi looked away, blushing. "f**k you ka, Rovi! That's why I told you I could do this." Sinuntok niya ang dibdib nito. "Okay, okay. I got it. I just realized that." Napakamot ito ng ulo. "Anyway, ito na ang pamalit mo—" Inagaw niya ang damit sa lalaki. "I'll do it, okay?" Dahan-dahan siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya. Kahit nanghihina, pinagtiyagaan niyang magpalit ng damit nang nakatayo. Once down, she lied on her bed and reflected about what happened earlier. Tama si Rovi. Nag-iskandalo siya. At hindi niya dapat ginawa iyon. Hindi siya dapat nanghimasok sa buhay ng iba. Well, hindi rin niya ugali iyon kasi. Yet she didn't feel any regret. If anything, she was fuming with anger. Hindi niya kilala ang bata but surely, he deserves better than that. All children do. Neglectful parents should not exist. Kinapa niya ang puson. May bata na ring laman iyon. She bit her lips and closed her eyes. She sighed. Tapos, muli siyang dumilat saka tumayo at lumabas. Nadatnan niyang nasa may doorway si Rovi. Kamuntikan pa niya itong mabangga. "Oh! Careful," sabi pa nito sabay hawak sa likod niya. "How are you feeling right now, Hailey? Do you need something?" Umiling ito. "But I have to tell you something." Ilang ulit itong napakurap. "What is it? Anyway upo muna tayo." Inakay siya nito papunta sa sofa. Once in, humugod nang hininga si Hailey saka sinabi ang nais sabihin. "Pumapayag na ako, Rovi." Rovi froze. "Ha?" "Pumapayag na ako. Let's date. For real." Umawang ang labi nito. "Really?" Kumunot ang noo niya. "Ayaw mo?" Rovi laughed. "Kalma! Wala akong sinabi. Nagulat lang talaga ako. Kanina kasi, aayaw-ayaw ka pa. Tapos ngayon..." Inakbayan siya nito. "What made you change your mind, though?" Bumuntong-hininga siya saka hinawakan ang tiyan niya. "Because he deserves better..." "Ang anak natin?" Tumango siya. "Ayokong matulad siya kay Myko. Gusto kong lumaki siyang mayroong mabuting mga magulang." "Exactly. Iyan din ang sinasabi ko, hindi ba?" Muli siyang tumango. "Yeah. I got it." Tapos, bumuga siya ng hangin. This is it. Wala nang atrasa. After all, ayaw din niyang maranasan ng anak niya ang naging buhay ni Myko. At maging ng naranasan niya noong bata pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD