9.2

1333 Words
It was a disaster. Muli na naman kasing isinuka ni Hailey ang mga kinain niya. God, why was this happening to me? was her thought as she flushed down her p**e. Sarap na sarap pa naman siya sa kinain niya. Pero panandalian lang pala iyon dahil agad ding sasama ang sikmura niya. "Want to go somewhere to sober up?" Kunot-noong napatitig si Hailey kay Rovi. She was sitting at the sofa habang ito naman ay nakaupo sa arm rest. "What?" tanong niya. "Anong 'sober up' iyang pinagsasasabi mo?" "Para ka kasing lasing at kakatapos mo lang sumuka." Tapos ngumisi ito. "Well, kakatapos mo nga lang pala talagang sumuka, so I'm half-right." Tinawanan nito ang sariling biro. Naningkit ang mga mata niya. "Really, Rovi? You have the nerve to make fun of my misery? E kung tsinelasin kaya kita?" Agad naman itong natahimik. "Ito naman, hindi mabiro." "Biro-biro ka dyan. Walang nakakatawa sa nangyayari sa akin." Inirapan niya ito. God! Kung hindi lang siya nanghihina, sasabunutan niya ito. Bumuntong hininga si Rovi tapos sumeryoso ang mukha nito. "Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina. Gusto mo bang lumabas muna? Dalhin kita sa park? Para lang ba magpahangin. Baka gumaan nang bahagya iyang nararamdaman mo." She closed her eyes and slouched. Tapos, humiga na siya nang tuluyan. She even hugged her knees, her lips puckered. Now that it was silent (kasi hindi na nagsalita ulit si Rovi), anxiety had built up again. Ito na naman. Nararamdaman na naman ang pagkataranta. The thought of having baby this early was scary for her. Hindi pa niya matanggap. But wait, was that really the reason? Napalunok siya. It's not. Nasa legal naman na siyang edad. She's independent, too. And like many women out there, nangangarap din naman siyang magkaroon ng anak. But not in this way. Hindi isang kakikilala pa lang niya ang ama ng anak niya. At lalong hindi pa ngayon... Ngayon hindi pa rin siya tinatanggap ng mga magulang niya. Umiling-iling siya. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha sa mga pisngi niya. But before she could do anything, naramdaman niya ang malapad na kamay na dumapo sa pisngi niya. Agad siyang dumilat. She saw Rovi, his eyes whispering worry. Napabangon tuloy siya saka napapunas ng mga luha. "Do you need to say something?" muling tanong ni Rovi. Nanatili sa mukha nito ang pag-aalala. Umiwas siya ng tingin, her teeth biting her lower lips. Tapos, muli siyang pumikit saka bumuntong hininga. "Can we go to the pool area?" sabi niya. He blinked twice. "Gusto mo mag-swimming?" Umiling siya. "No. Gusto ko lang magpahangin. Iyon lang ang malapit dito na pwedeng... tambayan." Tumango siya saka tumayo. "Do you need to change?" Tiningnan niya ang sarili. Oversized na shirt at mini-short ang suot niya. Maybe she could just get a shawl. Pagabi na rin kasi noon at baka lamigin na siya. Lumabas sila ng unit niya at nagtungo sa pool area. Tahimik sila sa buong oras na naglalakad sila. They were pretty close to each other, bagaman nauuna siya ng isang hakbang. At times, she would have to stop. Madalas, bumabangga siya sa malapad na dibdib ni Rovi. And their skins would rub, creating friction that made her shiver. She just ignored it. Di nagtagal, nakarating na sila sa pool area na nasa 12th floor. Kaunti lang ang tao nang sandaling iyon, siguro ay dahil pagabi na at malamig ang tubig. Naghanap sila ng bakanteng reclining chairs. They found two, parehong malapit sa may pool area. Agad siyang naupo roon. "Gusto mo ba ng maiinom? Tea? Coffee?" alok ni Rovi. Nakatayo ito't nakapamaywang sa gilid niya. Umiling siya. "Wag mo nang abalahin ang sarili mo. Kung may kailangan ka, go. Pero ako, okay na ako." "Sure ka? Kahit tubig, ayaw mo?" "Makulit ka rin talaga, ano?" "Okay, okay. I got it. Wag mo na akong sungitan." Napakamot ng ulo ang binata. "I'll be back. Saglit lang ito." When she didn't reply, Rovi turned to his back and walked away. Siya naman ay ibinaling ang tingin sa pool area. Infinity pool iyon at saktong nakaharap din sa direksyon ng sunset. Saglit niyang pinanood ang paglubog ng araw saka nagdesisyon panoorin ang mga nasa tubig. There were handful, mostly adults. Napukaw ang atensyon niya sa isang batang lalaki na sa tantiya niya, apat na taong gulang lamang. The child was alone. At ni wala itong kahit salbabida man lang. Hindi niya maiwasang mapabangon. Bigla siyang kinabahan. Paano kung malunod ito? Kahit ba nasa hagdan lang naman ito lumalangoy, hindi pa rin siya mapanatag. Paano kung maglakas loob itong lumangoy papunta sa gitna? The other adults in the water were busy with one another. She doubted they would notice immediately. Suddenly, it happened. Lumangoy nga ang bata papunta sa gitna. She gasped loudly. Tumayo rin siya at tinawag ito. "Bata, baka malunod ka!" Her voice was so loud that the entire pool area looked at her. The kid paused and looked at her confusedly. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang abot pa nito ang sahig ng pool, bagaman nasa leeg na nito. She kicked her slippers and slowly descended to the water. Tapos, hinawakan niya ito. "Wag kang pupunta sa malalim. Malulunod ka," paalala niya sa bata. "Tara, sa mababaw na lang tayo, ha?" Ngumuso ang bata pero sumunod naman ito sa kanya nang akayin niya ito pabalik sa mababaw na parte. Niyaya niya itong maupo. "Anong pangalan mo?" tanong niya sa bata. "Myko po." "Ilang taon ka na?" Tinaas nito ang apat na daliri sa kamay. "Mag-isa ka lang ba?" Umiling ito. "Kasama ko po si Mommy." "Where is she?" Tinuro nito ang gawing kanan ng pool kung saan nakita niya ang isang babaeng prenteng nakahiga sa reclining chair at nakatingin sa mobile phone. May nakasalpak na earphones sa tenga nito at nakangiti. Nanonood ba to ng K-drama or what? Hindi niya maiwasang mapataas ng isang kilay. Mukhang kaedaran niya ang babae. Napailing-iling na lang siya saka ibinaling ang tingin sa bata. His mom is damn neglectful, kaloka! By that time, lumubog na ang araw at tanging mga lamp na kulay dilaw na lang ang source nila ng liwanag. Sakto ring biglang humangin nang malakas dahilan para manginig ang bata sa ginaw. "Nako, dapat siguro magbanlaw ka na. Magkakasakit ka pa niyan." Umiling ang bata. "Ayaw. Gusto ko pa mag-swim." "Magkakasakit ka niyan, sige ka. Bala ka, di ka makakapasok sa school." Muli itong umiling. Pero hindi na ito sumagot dahil bigla itong tumayo sabay sabing, "Daddy!". Ibinaling niya ang tingin kung nasaan ang daddy nito. It was hard not to notice him. He's tall and gorgeous, and there's an air of investment around him. Tingin niya'y may mataas itong posisyon o kaya'y nagpapatakbo ng sariling kumpanya. Tumayo ang bata saka tumakbo palapit sa lalaki. Akmang yayakap ito pero pinigilan ng lalaki. "You're soaking wet, Myko. You'll ruin my suit," sabi nito sa baritonong boses. Napakunot tuloy ng noo si Hailey. Tapos, napataas din ng kilay nang hindi man lang ito yumukod nang ngumuso ang bata para humingi ng halik. If anything, he's busy with his phone. "Where's Hilda, Myko?" Tinuro ng bata ang mama nito. "Good. Aalis na ako." At tumalikod na ito. Napanganga na lang si Hailey. Ano iyon? Wala man lang paalam sa anak? Iiwan lang? Ni hindi man lang nagbilin sa asawa? "Daddy!" Niyakap ni Myko ang binti nito. "God, Myko!" angil nito saka hinarap ang anak at itinulak. "You're ruining my suit!" Nabaldog ang bata at biglang nagpalahaw nang malakas. Hindi na nakatiis si Hailey. Tumayo siya at dinaluhan ito. Tinulungan niyang tumayo ang bata saka pinanlisakan ng mga mata ang ama nito. "What are you doing?" angil niya. "Who are you?" "It doesn't matter. Sagutin mo ang tanong ko. Bakit mo itinulak si Myko?" "I'm in hurry. May pupuntahan akong event. Gusto mong pumunta ako doon nang basa? Anyway, I'll go.” Tuluyan na siyang napuno. God! The poor child has very neglectful parents! Sa inis niya'y pinigilan niya ito saka ito sinampal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD