9.1

915 Words
Awang-awa si Rovi kay Hailey. He never thought morning sickness would be as terrible as this. Hindi na ito halos makakain. Tanging matabang na biscuit lang ang kinain nito. Hinang-hina rin ito. Hindi na nga ito makatayo dahil sa hilo. Gusto tuloy niya itong ibalik sa ospital pero nagmatigas naman ito. "Magastos pa iyon. Iinom lang ako ng gamot tapos magpapahinga. Natural lang naman daw ito, sabi ng doktor," sabi nito. "Look at yourself, Hailey. Putlang-putla ka na. Do you think that's still normal?" Pero wala siyang nagawa dahil ayaw nitong magpatalo. Kahit pala masama na ang pakiramdam nito, wala pa ring puknat ang katarayan nito. Dinala niya ito sa condo nito. Tulog na ito nang makarating sila. He got no choice kundi kuhanin ang susi nito sa bag at kargahin paakyat. Inasikaso na rin niya. Bukod pa sa amoy suka, may sinat din. Pinalitan niya ng damit ang dalaga at pinunasan bago siya lumabas ng kwarto. Pasalampak siyang napaupo sa sopa. Sakto pang kumulo ang tiyan niya. Hindi pa nga pala siya nakakakain ng almusal. Nagdesisyon siyang lumabas muli para bumili ng ready-made meal sa malapit na convenient store. Naisipan na rin niyang mamili ng saging at flavorless na sport drink para kay Hailey. Pagbalik niya sa unit ng babae, muli niya sinilip sa kwarto nito. She's still sleeping. Medyo nababawasan na rin ang pagkaputla. Somehow, nakahinga siya nang maluwag. Muli siyang bumalik sa kama. Saktong nakaramdam siya ng antok. Actually, hindi pa siya natutulog. He could not. Not when this s**t happened. Humiga siya sa sofa at pumikit. Ni hindi na nga siya nag-abalang buksan ang electric fan o kaya'y kainin muna ang binili niya. He's tired, both physically and mentally. Sana pagkagising niya'y mawala lahat ng ito. Yet even in his dream, it haunted him... - Rovi woke up four hours later. Mababaw lang ang tulog niya, palibhasa'y napanaginipan pa rin niya ang responsibilidad na sa totoo lang ay gusto niyang takbuhan. Bumangon siya at uminom ng tubig. Tapos, naghilamos na rin siya sa lababo. May paper towel sa may kitchen counter at humugot siya ng isa para ipamunas sa mukha. He threw it to the trash bin beside the refrigerator. Now that he's free to roam inside Hailey's unit, he realized na fully furnished pala ang kitchen nito. Bukod sa ref, mayroon din itong 4-burner cooking range at coffee maker. Pareho pang premium na brand. Not something an ordinary employee could afford. Mayaman nga siguro talaga ang pamilya niya. And that made him realized he barely knew her. Bumuntong hininga siya. Nakabuntis siya ng babaeng hindi niya kilala. Naputol ang pag-iisip niya nang marinig niya ang pagpihit ng door knob ng kwarto ni Hailey. Ibinaling niya ang tingin doon at nadatnan niya ang dalaga na palabas sa kwarto. "Hey?" bati niya saka sinalubong ang dalaga. Halata sa kilos nito ang panlalambot kaya mabilis siyang umalalay dito. "I can manage," sabi naman ni Hailey sa mahinang boses. She lightly pushed him saka lumapit sa ref at binuksan iyon. "Okay ka na ba? Gusto mo bang kumain?" Noon lang niya napagtantong dapat pala ay namili siya ng cup noodles. Narinig niyang bumuntong hininga si Hailey saka isinara ang pinto ng ref nang hindi kumukuha ng kahit ano. "Rovi, sabi ko naman, kaya ko hindi ba?" Nakakunot ng noo ang dalaga. At dahil d'yan ay napakamot siya ng ulo. No need to explain it. Sigurado siyang tinatakbuhan na naman siya ni Hailey. Nagkibit-balikat na lamang siya saka lumapit sa mesa para ilabas sa plastic ang napamili. Mabuti pala'y dalawang ready-made meal ang binili niya. Inalok niya ang isa. "Gusto mo bang kumain?" Bumuntong ito. "Ang kulit mo rin, ano? Kakasabi ko lang—" "Okay, okay! Fine, hindi na kita kukulitin," pagsuko niya. Tinaas pa niya ang dalawang kamay. "Pero pwede ba akong kumain dito? Don't worry, maghuhugas naman ako." Umiwas ito ng tingin saka dahan-dahang tumango. Dumalo siya sa mesa saka binuklat ang pagkain. Malamig na iyon at gusto sana niyang initin muna sa microwave pero nahiya siya kaya pinagtiyagaan na lamang niya. But hey, masarap naman ang ulam. Chicken buffalo wings ang binili niya. It was quite tender and crunchy at the same time. The spicy flavor of the meat was exploding inside his mouth. Tuloy-tuloy ang naging pagsubo niya kaya mabilis niyang naubos ang isang box. "Sarap!" hindi niya maiwasang bulalas matapos simutin ang huling piraso ng chicken wing. "Gusto ko pa tuloy mamili. Wala pa akong kain mula kagabi," dugtong pa niya habang binubuksan ang isa pang box na naglalaman naman ng beef broccoli. Susubo na sana siya nang mapansin niyang nakatitig si Hailey sa kanya. Nakaawang pa ang labi nito. "Bakit?" hindi niya maiwasang tanong. "Gusto mo kumain?" Inalok niya ang pagkain niya. Napitlag naman ito sabay iwas ng tingin. "E-Ewan ko sa iyo. Para kang patay gutom kumain." Tapos, dumapo ang kamay nito sa gilid ng labi dahilan para mapangiti si Rovi. "Naglaway ka, ah?" kantiyaw niya habang pinapanood itong pasimpleng pinupunasan ang labi. "Tse, hindi kaya!" "Ows? Tell me, gusto mo bang kumain? Ibibili kita." "H-Hindi nga! Hindi kita kailangan." "Okay. Sabi mo, e. Sayang. Ang sarap pa naman ng chicken buffalo wings na kinain ko kanina. Saktong anghang tapos may konting tamis. Saka malutong pa kahit malamig na." Muli siyang ngumisi nang makitang napalunok ito. "Sayang, hindi mo matitikman. Ayaw mo kasing kumain, e." Pumikit ito saka bumuntong hininga. "Rovi?" pagtawag nito matapos muling dumilat. "Yes?" "Ibili mo ako. Ngayon na! And I want two boxes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD