Malalim na ang gabi. Gusto nang umuwi ni Hailey ngunit hindi siya pinayagan ni Rovi dahil delikado raw lalo na sa babaeng gaya niya. Ayaw naman siya nitong ihatid dahil pagod na ito kaya ang nangyari'y sa unit nito siya natulog.
Maliit lang ang kama ni Rovi. Pang-isang tao lang talaga. At dahil hindi sila kasya, naglatag na lamang ito ng comforter sa sahig upang doon matulog.
"Papatayin ko na ang ilaw, ha?" sabi sa kanya nito nang matapos nitong ayusin ang hihigaan. Nakasuot ito ng hapit na puting sando shirt at boxer. Samantalang pinagamit naman nito sa kanya ang isang itim na t-shirt at jogging pants na napakaluwag.
Tango na lamang ang sinagot niya saka ipinatong ang mga braso sa mata. Hinintay niyang mamatay ang ilaw at maramdamang nakahiga na si Rovi saka iyon inalis. Tapos, tumagilid siya patungo sa kaliwa, patalikod sa lalaki.
Now what? Tanong niya sa sarili saka wala sa loob na napahawak sa tiyan. Sa totoo lang, ayaw niyang magkaroon ng anak. Or at least not yet. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Gusto niyang maging successful na career lady.
The type of woman her parents would be proud of.
Napapikit siya kasabay ng pagtulo ng luhang kanina'y ayaw niyang ilabas.
"Umiiyak ka ba, Hailey?"
Napitlag siya saka mabilis na pinunasan ang luha. "H-Ha? Hindi, ah? Bakit naman ako iiyak?" she said, and her voice trailing off proving she's lying. Paano nalaman iyon ni Rovi? She was sure she's silent. Ni hindi siya humihikbi.
Narinig niyang bumuntong hininga si Rovi. "Hindi mo kinakailangang magsinungaling sa akin. Alam kong frustrated at galit ka ngayon."
Nang hindi siya nagsalita, nagpatuloy ito.
"Come on, Hailey, say whatever you want. Kanina ka pa tahimik. Ni hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko kanina."
"Ano'ng tanong?"
"Alam mo na kung ano iyon."
Of course, she knew but what Rovi said earlier wasn't a question. Gusto kasi nitong subukan ang compatibility nila. While it's the most obvious solution she could think of, it's not easy. Especially when she could feel nothing on Rovi aside from a bed partner. Especially when she has a lot of goals that she's trying to achieve before she met him.
And now, everything shattered into pieces suddenly. The thought of it made her grunt in frustration. Pero sa halip na magsalita, pinili na lang niyang magtalukbong ng comforter.
"Hailey, wag kang ganyan," narinig niyang sabi ni Rovi habang inaalis nito ang kumot sa ulo niya.
"Leave me alone, Rovi! Please lang," iritadong sambit naman niya habang pilit na kinokontra ang pagtatanggal ni Rovi ng nakatalukbong sa kanya. "Akala ko ba inaantok ka na? Matulog ka na kaya."
"Inaasahan mo bang makakatulog ako nang hindi ko nalalaman ang sagot mo? Look, I'm trying to fix this mess we made—"
Inalis niya ang kumot saka ito hinarap. "We?" singhal niya. "Excuse me, pero ikaw lang!"
Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil madilim but she could imagine him dropping his jaw.
"What? Bakit ako lang?" naguguluhan nitong tugon.
"Because you are not careful! Kung hindi ka gumamit ng Made in China na condom, e di sana walang nabuo sa tiyan ko!" singhal niya. "Magkano lang ang condoms sa 7-Eleven tapos pinili mong mamili ng mura? How dare you!"
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla itong tumawa.
"Tinatawa mo?" kunot-noo niyang tanong.
"Wala. Natawa lang ako sa banat mo. At hindi mumurahin iyon. Durex na ultra thin ang ginagamit ko. Ang problema lang, mukhang expired na yata kaya madaling napunit—"
"Punyemas! See, gumamit ka ng expired! Ni hindi mo man lang tiningnan! Paano kung magka-cancer ako sa matris dahil d'yan?"
"And who's fault is this? Sinong nang-akit sa akin? Sinong madaling-madali? Ako ba?"
With that, napamaang na lamang siya. Tama naman si Rovi. Ang intensyon lang naman nila noon ay kumain ng meryenda, hindi ba?
"Look, Hailey, alam kong frustrated ka dahil unexpected ito pero tingin mo ba may magagawa pa tayo? Nand'yan na. Nabuo na ang anak natin. Wala na tayong magagawa. Kahit magtalo pa tayo o kahit bugbugin mo ako, wala na."
Inirapan niya ito. "Ayaw mo palang nanunumbat ako tapos may pa-say whatever you want ka pang nalalaman d'yan."
Hindi agad nakasagot si Rovi, mukhang natigilan yata. "I mean, ang gusto ko lang kasing malaman ay yung sagot mo sa proposal ko kanina. Hindi ko sinabing manumbat ka. I want to settle this. Say your condition, I'll say mine, too. Simple. Hindi ba mainam nang gawin natin iyon kahit maaga pa? Para kapag lumabas na ang anak natin, handa na tayo?"
"So?" muling sabi ni Rovi nang hindi na naman siya sumagot.
Marahas siyang napakamot ng ulo. "Let's talk about this tomorrow. Pagod na talaga ako and I want to rest na." Muli niya itong tinalikuran saka nagtalukbong ng kumot.
"Ay naman! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" narinig niyang reklamo nito. "Ito lang masasabi ko, Hailey, maybe you could run away from this for now but not forever. Darating ang oras na kakailanganin mong harapin ang problemang ito. At kung ako sa iyo, harapin mo na habang maaga pa. Sige, good night na." Naramdaman niya ang pag-alis nito sa kama.
She counted from one to ten before she sighed softly. May point si Rovi at alam niya iyon. Pero... hindi pa talaga siya handa.
Niyakap niya ang sarili.
She's scared.
-
She barely had a sleep that night. Ilang oras matapos, nagising siya. Medyo madilim pa, and she's sure na dahil hindi pa masyadong mataas ang araw. Sa silangan kasi nakatapat ang bintana.
Pero hindi niya nadatnan si Rovi. Nakaligpit na rin ang higaan nito.
Nag-inat muna siya saka lumabas ng kwarto. Nadatnan niya ang binata na nagkakape sa sala. Balisa nga ito at mukhang malalim ang iniisip. But he immediately felt her presence, anyway.
"Hi. Good morning," bati nito. Nakita niyang namumula ang mga mata nito na wari bang wala pa itong tulog. "Gusto mong magkape?"
Tango na lamang ang sinagot niya.
"Black or with creamer?"
"Black lang."
Agad namang tumayo si Rovi upang igawa siya ng kape habang siya naman ay tamad na tamad na umupo sa sofa.
While waiting for him, she took the opportunity to observe Rovi's unit. Maliit lang iyon kung tutuusin, sa tantiya niya'y 43sqm lang ang sukat niyon. But it looks spacious dahil wala masyadong gamit liban sa itim na two-seater na sofa at coffee table. Ni wala ngang mga pandekorasyon man lang. Maaliwalas din tingnan dahil nasa tamang pwesto ang mga bintana.
Hindi nagtagal, bumalik si Rovi bitbit ang isang mug ng umuusok pang kape. Nilapag nito iyon sa harapan niya saka tumabi sa kanya.
"Nakatulog ka ba?" tanong nito matapos ang ilang sandaling katahimikan.
Ibinaling niya ang tingin dito. Muli na naman niyang nakita ang namamaga nitong mga mata. "Ako dapat ang nagtatanong niyang sa iyo."
"Why? Concern?" his lips puckered in amusement.
"Concern mo mukha mo." Inirapan niya ito saka kinuha ang kape. Hinipan muna niya iyon nang ilang ulit saka sumimsim.
"Ito naman, hindi mabiro."
"I don't have time for your jokes, Sir John Roosevelt.” Napaikot siya ng mga mata."
"Oh come on, Hailey. Pinapagaan ko lang ang mood. Masyadong mabigat. Nakakasakal."
"Ano bang ine-expect mo? Nabuntis mo ako. Inaasahan mo bang chill lang ako? O magse-celebrate? Ni wala nga tayong relasyon." Gusto niyang magalit pero wala siyang lakas para manumbat kaya pagtataray na lang ang nagawa niya.
"O, iyan na naman tayo." Umiling-iling si Rovi. "Nangyari na. Sabi ko naman sa iyo, wala na tayong magagawa, hindi ba? Nandito na. Nangyari na."
Ayaw na niyang pag-usapan pa ito kaya pagtalak na lamang ang nagawa niya. Tapos, itinuon na lang niya ang atensyon sa pag-inom.
She really loves coffee. For whatever reason, the scent of roasted coffee bean calms her down.
Bumuntong hininga si Rovi. "Starting on Monday, anong gusto mong maging set-up nating dalawa—"
Tumigil siya sa pagsimsim ng kape. "Rovi, stop. Please lang! Not in front of my coffee."
"No," mariing sambit naman nito. "Let's talk about it now. Kung ayaw mong magsalita, then sige, ako na ang magsasabi."
"Tsk!" Inirapan na naman niya ito.
"Hindi pa ba sumasakit ang mga mata mo kakairap, Hailey?"
"Mas sumasakit ang mga mata ko na makita ang pagmumukha mo. You look wasted, Rovi. Mukha kang zombie. Sarap mong buhusan ng kape."
Winasiwas nito ang kamay sa hangin na para bang sinasabing ibahin na ang usapan.
"Ihahatid kita sa unit mo pagkatapos nating mag-break fast. Siguro mainam na huwag muna tayong mag-usap kahit isang araw lang. Magpalamig muna tayo ng ulo," maya-maya'y suhesyon ni Rovi. "Then, I'll fetch you on Sunday afternoon. Pag-uusapan natin ang set-up. Siguro naman sapat na iyon para makapag-isip ka, hindi ba?"
Naningkit ang mga mata niya. "Bakit ba madaling-madali ka?"
"Nagmamadali?" Tumaas pa ang isang kilay nito.
"Oo! Panay ka pag-usapan ang set-up, ganito ganyan. Ano ba, Rovi! Pwede bang hayaan mo muna akong mag-isip?"
"Ano bang sinabi ko kanina?"
"And you think enough na ang isang araw?"
Bumuga ito nang malakas. "Come on, Hailey, stop being stubborn. Halatang tumatakas ka lang. Kagabi ko pa sinabi iyan, hindi ba? Wag mong takasan. Problema ito. Dapat nating harapin. I'm willing, you aren’t. Weird. Kung sino pa ang babae, siya ba ang tumatakbo."
"Are you trying to tell me na I should be thankful dahil hindi ka tumatakbo?"
When Rovi scowled, Hailey knew his patience was running out.
"When did I say that, Hailey?" Marahas nitong kinamot ang ulo. "Pwede bang lawakan mo ang isip mo? We're running in circle here. Ang akin lang, paulit-ulit ko nang sinasabi ito: pag-usapan natin kung paano ang gagawin. Simple. Mahirap ba talaga akong unawain?"
Akmang sasagot pa siya pero kinuha nito ang kape sa mesa at tuloy-tuloy iyong nilagok hanggang maubos. Tapos, tumayo ito at pabagsak na nilagay ang mug sa lababo saka binabaran ng tubig.
"I'm hungry. Let's grab something to eat for breakfast," nakakunot-noong sabi nito sa flat na tono. "Maliligo lang ako." Tinalikuran siya nito saka pumasok sa kwarto nito. Pabagsak pa ang pagsara.
She heaved a very long sigh before slouching on the couch. Is she really running away? Ewan din niya, but Rovi might be right. This was not a part of her plan, anyway, and she doesn't like it kapag hindi iyon nasusunod.
-
Their breakfast was disastrous. Isang fast food ang kinainan nila. Rovi bought a tapsilog for him. Nang maamoy ni Hailey ang bawang, tila bumaligtad ang sikmura niya. Ang ending? Iyon, sumuka siya. Sa kamalasan, she didn't even made it to the comfort room. Sumakit ang ulo niya at pinanawan ng ulirat kaya itinakbo tuloy siya ni Rovi sa ospital. Amoy ng amonia ang gumising sa kanya.
Niresetahan siya nito ng anti-morning sickness medication at mga supplement. She was also encouraged to go back immediately if the medication didn't help.
"Maselan ka palang magbuntis," maya-maya'y kumento ni Rovi. Nasa loob sila ng kotse nito at halos kinse minutos na ring nakatulala sa loob at hindi mawari kung anong gagawin.
"Aba'y malay ko. This is my first time." Kinapa niya ang tiyan. She's hungry. Pero hindi siya makakain. Natatakot siyang baka sumuka na naman siya.
"Huwag mong asahang sisipa na ang anak natin. Maaga pa para d'yan, Hailey."
Ibinaling niya ang tingin dito saka tinaasan ito ng kilay. "Nagugutom lang ako, Rovi. Wag kang ano d'yan. Di ko pa rin tanggap na buntis ako, FYI."
Mukhang napahiya ito. Napaiwas kasi ng tingin at napakamot ng batok.
"Sabi ko nga. At nagbibiro lang ako," depensa naman nito. "Ano bang gusto mong kainin?"
"Hindi ko alam." Lalong kumulo ang tiyan niya. Napapikit na lang tuloy siya. "Ayokong sumuka."
"Subukan mong kumain. Kahit light lang. Tinapay. I'll buy you burger. Daan tayo sa drive thru." Binuhay nito ang makina saka nagmaneho patungo sa pinakamalapit na fast food.
But even a juicy hamburger was rejected by her stomach. Hindi tuloy niya mapigilang mapaiyak habang sumusuka siya sa isang plastic bag. Dumagdag pang sumasakit lalo ang ulo niya sa kada duwal niya.
The doctor said it would usually last for the entire first trimester. She's four weeks pregnant, so she had to endure it for another two months. Kakayanin kaya niya?