bc

Your name hurts

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
second chance
independent
self-improved
confident
CEO
single mother
drama
bxg
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Wouldn’t say that I regret you but man,

I wish I never met you.

That your mama even had you.

Every single letter’s killing me. Don’t know why it always get to me.

Every time I hear that sound.

—-your name hurts.

chap-preview
Free preview
Prologue
I love you, You love me, We're a happy family..... Sa ilalim ng liwanag ng buwan. Mahinang lagaslas ng tubig sa dagat. Malayo sa ingay na nanggagaling sa bar ng resort na ito ay nakaupo sa dalampasigan ang isang babaeng panandaliang tumakas sa sakit at hirap ng buhay. With a great big hug... Mahina itong kumakanta habang nakayakap ang braso sa binti nito at may hawak na isang bote ng alak. And a kiss from me to you, Hinigpitan niya ang pagyakap sa binti ng biglang lumakas ang ihip ng hangin at dahan dahan kinanta ang huling linya ng paborito niyang kanta di alintana ang tumakas na luha sa kanyang napakagandang mata. Won't you say you love me too? “It’s you, right?” Napalingon ito sa biglaang pagsalita ng isang lalakeng may baritonong boses. May kung anong lungkot at pagod na maririnig sa boses nito. Na hindi maipagkakaila dahil mababasa mo rin sa mukha ng binata. Kitang kita ang malungkot na mukha nito, magulong kulot na kulot na buhok at bahagyang nagusot na damit. “Anong pinagsasabi mo? Sino ka?” Kahit tila pamilyar sa kanya ang mukha ng lalake ay sinabi na lamang niya ito. Dahil hindi niya gustong makausap o makainteraksyon ang lalakeng nasa harap niya. Hindi dahil sa takot siyang may kung anong gawing masama ito sa kanya, kundi dahil sa takot niyang marinig ng lalake ang t***k ng puso niya. Matagal niya ng iniiwasan ito. Matagal na rin siyang nagkukunwaring hindi niya ito kilala at nakikita sa tuwing nagkakasalubong ang landas nila. Dahil alam niyang hanggang internet lang ang kung anong meron sila. Alam niyang bored lamang ang lalake kaya siya kinausap nito dati. ‘Who would not be?’ Sa isip niya. Quarantine, lockdown, walang magawa ang halos lahat. Kaya pati feelings ng isang tao napaglalaruan ng mga taong bored kagaya ng lalakeng nasa harap niya. “Hindi mo ba ako namumukhaan?” Tanong pa nito at mas lalong lumapit sa kanya. Tiningnan niya lamang ito ng may “mukha bang kilala kita” na tingin bago humarap ulit sa dagat na kanina niya pang pinagmamasdan. Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya kaya umurong siya ng kaunti para hindi sila mag dikit. Sa ideyang mag didikit pa lamang ang katawan nila ay hindi na mapakali ang puso niya sa pagtibok. ‘Bwisit na puso to’ sabi niya sa isip niya. “Nakakatawang isipin na hindi mo ko nakikilala. Tapos ako ito, kilalang kilala ka. I’ve been watching you Gabbie..” after a minute of silence nagsimula ang binata sa pag open up ng topic. Napakagat si Gabbie ng kanyang labi para pigilan ang pagsalita. “After 2weeks na natapos yung lockdown I gathered all of my strength and confidence para pumunta sainyo. Regardless kung gaano kahaba yung byahe, tumuloy ako kasi gusto kong malaman yung dahilan mo bakit bigla na lang naging ganon tayo. I was so excited and at the same time sobrang kinakabahan nung araw na yon. Nung araw na unang kita natin. Alam ko, alam kong nakilala mo ako. Hindi mo man aminin pero nakita ko sa mga mata mo” Napakuyom si Gabbie ng kanyang kamao at pinipigilan ang nagbabadyang luha na pumatak sa mga mata niya. “Naiinis ako sa sarili ko kung bakit gusto pa rin kita makita kahit iniiwasan mo ako, kahit pinapakita mong hindi mo ako kilala. Tell me, Gabbie why? Why are doing this to me?” May halong sakit na sambit ng binata. Hindi na napigilan ni Gabbie ang kanyang mga luha na pumatak at dahan dahang humarap sa binata. Nakita niya sa mukha nito ang sakit at pagod na kanya ring nararamdam. ‘No, Earl. Why are you doing this to me?’ Tanong niya ulit sa isip niya na hindi niya magawang bigkasin. Dahan dahang lumapit kay Gabbie si Earl at hinawakan ang kanyang mga pisngi para punasan ang mga luhang pumatak. “I know we just talked on the phone and we don’t really know each other yet but fuck.... I already fell for you Gab. I already did.” May mga luha na rin na pumapatak sa mga mata niya. ‘f**k you, Earl lasing ka lang’ sa isip ulit ni Gabbie. ‘But dmn I already fell for you too. It’s just that I can’t trust you right now. Or will I ever trust you again...’ Napapahikbi na lamang si Gabbie sa mga naiisip niya. Alam niyang lasing lang si Earl kaya niya nasasabi ito. Hindi siya sigurado kaya kahit gusto mang umamin ng marupok niyang puso ay hindi niya magawa. Dinikit ni Earl ang noo niya kay Gabbie at dahan dahan nilaktawan ang espasyo na namamagitan sa mukha nila. “I love you....” mahinang sabi ni Earl bago siya hinalikan nito. Pareho silang umiiyak habang naghahalikan. Sa di malamang dahilan ay gumanti ng halik si Gabbie. ‘s**t! Taksil ka Gabbie! Bakit ang rupok mo?!’ Dala ng kanilang kalasingan, sigaw ng mga pusong ang bawat isa ay inaasam, kahit mali, kahit hindi dapat para kay Gabbie ay hinayaan niyang bumigay ang puso niya. Kahit ngayon lang... kahit ngayon lang pinili niya ang kanyang kaligayahan..... .....kahit isang gabi lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook