bc

KRASS & KRASSBACK

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
fated
friends to lovers
drama
lighthearted
highschool
teacher
like
intro-logo
Blurb

Love takes time.

Love is patient.

But Sofia is becoming impatient and is losing hope, that her love for him for years, will finally be reciprocated. Does she need to do something for her to be noticed by him? Or she'll just accept the fact that destiny is not on her side and move on?

Love is blind.

Love is thoughtful.

Faithful and true to his girl, that's Alexander. Despite how other people sees him because of his school reputation, he remained faithful no matter what.

Will there be a chance of getting those two together?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
SOFIA'S POINT OF VIEW Biology Subject..... Boring na boring na ako sa pangalawang subject ko para sa araw na ito. I dont hate my biology subject but i just dont enjoy it either. Lalo pa na ang topic namin sa araw na ito ay tungkol sa parts of the plants. Ayaw na ayaw ko kasi sa memorization ng mga given tapos yung meaning pa nila, sumasakit lang ang ulo ko. Okay naman ang teacher namin, magaling nga sya actually na magturo, pero ewan ko ba kung bakit hindi ko makuhang i enjoy ang subject na ito. Marahang kong tinitipa tipa ang hawak kong ballpen sa nakabukas na notebook ko habang nakapangalumbaba ako. Kasalukuyang nagdi discuss ang teacher namin na nasa harap. "While individual plant species are unique, all share a common structure: a plant body consisting of stems, roots, and leaves. They all transport water, minerals, and sugars produced through photosynthesis through the plant body in a similar manner. All plant species also respond to environmental factors, such as light, gravity, competition, temperature, and predation," ani ni Alexander Ramos, ang top student ng klase. Nagtanong pala ang teacher namin ukol sa basic structure ng mga halaman. Napatitig na lang ako sa kanya. Bilib talaga ako sa talino niya. Naka ranking din naman ako dahil i also excel in other subjects especially Algebra, English and MAPEH. But Alex is different. Halos lahat ng subjects eh magaling siya. At hindi lang sa academic kundi maging sa sports at other curricular activities ay active din siya.Siya yung tipo ng lalaking pagkakaguluhan talaga ng mga kababaihan at hindi ako exempted doon. Mula 1st year pa lang kami ay crush ko na siya. Napatitig ako sa notebook ko na may kung anu-ano na palang nakasulat. My dream man. Ang cute mo Alex. Ang ganda ng mga mata mo. At kung anu- ano pa. Minsan pa akong napalingon sa gawing kanan ko kung saan siya nakaupo. At bigla akong napangiti sa ideyang naglalaro sa isip ko. Dahan -dahan akong pumunit sa notebook ko at sinulatan ko ito. "MAY CRUSH ME SA U" ? Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko habang tinutupi ko ang kapirasong papel na sinulatan ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagseryoso at lumingon muli sa kanya. "Alex" pabulong na tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa gawi ko. agad kong kinuha ang kapirasong papel sa harap ko at siniguro ko munang hindi nakatingin ang aming teacher sa gawi ko bago ko iniabot iyon sa kanya. Hindi pa niya agad kinuha ang iniaabot ko sa kanya kaya sininyasan ko siya na kunin na at baka makita pa ng teacher namin. Nagtataka man at nakakunot-noo pero inabot din niya ang papel mula sa akin. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kanya dahil gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya pag nabasa niya kung ano man ang nakasulat doon. Tinapunan niya pa ako ulit ng isang sulyap bago niya dahan-dahang binuklat ang nakatuping papel. Matagal siyang nakatitig lang sa papel bago siya muling lumingon sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya dahil blangko ang ekspresyon niya. Unti- unti kong pinakawalan ang hangin mula sa aking baga na hindi ko namalayang kanina ko pa pala hinihigit dahil sa antisipasyon. Ngumiti ako sa kanya para ipahayag na totoo ang isinulat ko sa papel. Nagbago ang timpla ng kanyang mukha kapagkuwan. Parang hindi siya makapaniwala sa aking ipinagtapat. Yes. I am bold. Kung ano ang nasa isip ko at kung ano ang gusto kong gawin ay walang makakapigil sa akin. Wala naman akong inaagrabiyadong tao kaya okay lang, yun ang punto ko. Crush ko siya, matagal na, at panahon na para malaman niya yun. Hindi naman ako umaasa na magugustuhan din niya ako, ang akin lang, kung magkrassback siya eh di wow, kung hindi naman, eh di okay pa rin. Ang importante nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. I am Sofia Nicole Montecarlo. Na naniniwala sa kasabihang "Honesty is the best policy". Kung minsan, sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na taklesa daw ako minsan dahil hindi ko mapigilan ang bunganga ko na sabihin ang kung ano mang gusto kong sabihin sa isang tao. Pero yun ako eh. At least ako mismo ang nagsasabi ng nasa isip ko. Iba't- ibang ekspresyon ang nakita ko sa kanyang mukha. Parang hindi siya makapaniwala, nandun din ang pagtataka at ang kagustuhang magtanong. Hindi ko tuloy alam kong natuwa ba siya o naasar sa ipinagtapat ko sa kanya. Nagkibit balikat na lang ako at itinuon kong muli ang atensyon ko sa aming guro. Ngunit pilit ko mang ilagay sa utak ko ang lahat ng sinasabi niya pero parang wala ni isa man lang na tumatak at naiwan sa kukute ko. Makalipas ng ilang sandali pa ay tumunog na ang bell na hudyat ng pagtatapos ng ikalawang subject namin sa araw na ito. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at inilagay sa bag ko. Breaktime namin kaya pupunta muna kami ng school canteen. May usual spot na kami ng mga kaibigan ko doon. Lumingin ako sa may pintuan at nandoon na ang dalawa kong kaibigan na parehong kumaway sa akin. Lima kami sa grupo pero sina Ana at Grace lang ang kasama ko sa section 1, sa section 2 naman ang dalawa pa naming kaibigang sina Alice at Charmaine. Pero dahil sabay- sabay naman ang breaktime ng buong school kaya doon na lang kami naghihintayan sa canteen. Akmang tatayo na ako para lumabas ng classroom ng may humawak sa isang braso ko. Si Alex pala yun. Agad din niyang inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin nung nilingon ko na siya. "Hey," sabi niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na yun pagtingin ko sa kanya. Masaya ako na siya mismo ang lumapit sa akin para makipag-usap, pero nandun rin ang kaba na hindi ko maipaliwanag kung ano ang dahilan. Unti-unti akong muling lumingon sa kanya na nananatiling nakatayo at nakaharap sa akin. At hindi ko maipaliwanag ang aking nadama nung tiningnan ko siya sa mata na matiim na nakatingin din sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook