Nagising si Jaxine na parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Unti-unti niyang bumuka ang mga mata at halos manlaki ang mga mata niya nang mapansin na may katabi siya. Tiningnan din niya ang sarili at napapikit na lang nang makitang wala siyang damit kahit isa sa ilalim ng kumot. Mabilis siyang bumangon ngunit napa aray naman siya sa sakit.
“Aray ko po. Ang sakit,” nakangiwing wika niya. “Ano ba kasing pinaggagawa ko.”
Napapikit na lang siya at pilit na inaalala kung ano ang nangyari at kung bakit napunta siya sa ganitong sitwasyon. Halos mapamura siya ng maalala na siya ang nag- iniciate ng bagay na ito.
“s**t!” Mura niya sa sarili.
Muli siyang napatingin sa katabi at nanlaki ang mga mata nang makitang si Andrius ito. Dahan-dahan siyang umalis sa kama at hinanap ang damit. Nakita niya ito sa sahig kaya naman ay mabilis niya itong kinuha at sinuot. Hinanap din niya ang underwear niya ngunit napansin siyang gumalaw ang lalaki sa kama.
Sa takot na magising ito ay yung pouch at sandal na lang niya ang kinuha niya at mabilis lumabas sa silid. Hindi na niya iniinda pa ang sakit na nararamdaman niya sa gitnang bahagi ng katawan niya. Napangiwi pa siya bawat hakbang niya.
Nang makakita ng elevator ay mabilis siyang sumakay doon na lang niya sinuot ang sandal niya. Napangiwi ulit siya ulit siya nang maalala na wala siyang panty sa loob.
“Jaxine naman kasi. Naturingang nakapagtapos ng pag-aaral pero katangahan pinairal,” sermon ni Jaxine sa sarili.
Inayos na lang niya ang buhok niya ang makitang nakabuhaghag ito sa repleksyon ng elevator. Saktong bumukas ang elevator nang matapos siyang ayusin ang sarili.
Lumabas siya sa elevator at inikot ang paningin upang makahanap kung saan siya pwedeng lumabas. Nang makakita ng glass door ay diretso siyang naglalakad papunta doon.
“Good morning, ma’am,” bati ng mga receptionist ngunit hindi na ito pinansin pa ni Jaxine. Mas lamang kasi ang pagkahiyang nararamdaman niya ngayon.
Paglabas niya ay nakikita na niya ang paligid kaya napatingin siya sa relo niya at nakitang halos mag-ala siez na ng umaga. Kaya napangiwi na lang siya at naglalakad patungo kabilang building kung saan ang bar na pinuntahan niya kagabi. Diretso na lang siya sa parking lot kung saan ang sasakyan niya.
Samakay siya sa sasakyan niya at doon pinakawalan ang frustration na nararamdaman niya simula pa noong lumabas siya sa hotel kung saan may nangyari sa kanila ni Andrius.
“Goodness, Jaxine. Ang tanga mo! Ano na ngayon ang mukhang ihaharap mo pag nakita mo si Andrius?” Murmur niya sa sarili.
Naiiling na pinaandar niya ang sasakyan at maniobra pauwi sa bahay ng magulang niya. Marami siyang kailangan tapusin sa opisina ngayon ngunit sa kondisyon niyang wala sa katinuan ay kailangan niya na magpahinga. Isa baka sundan lang siya ni Andrius sa opisina.
Wala pa siyang mukhang ihaharap sa lalaki lalo pa at alam niyang siya ang unang nag-iniciate ng bagay na iyon kaya may nangyari sa kanila.
“Ugh!” mura niya ulit ng maalala yon.
Inapakan niya ang gas pedal upang mas mapabilis ang takbo ng sasakyan niya. Kaya wala pang isang oras ay nakarating na agad siya sa bahay ng magulang niya. Bumusina siya ng dalawang beses. Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas ang nanay Nelia niya para pagbuksan siya ng gate.
“Oh, anak, bakit umuwi ka? Wala kang pasok?” Tanong ni Nelia sa anak matapos niyang pagbuksan ng gate para makapasok sa loob.
“Mano po, nay,” sabi ni Jaxine matapos buksan ang windshield ng sasakyan niya.
Inabot naman ni Nelia ang kamay para makamano ang anak. “Ipasok mo na ang sasakyan mo para makapag pahinga ka. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa po,” sagot ni Jaxine at sinunod ang utos ng nanay niya na ipasok ang sasakyan. Pina-park niya ito sa harap ng bakuran ng bahay nila at lumabas na ng sasakyan.
“Anong nangyari sayo. Bakit parang puyat na puyat ka?” Usisa ng nanay niya. “Saka bakit ganyan ang damit mo? Saan ka galing?” Sunod-sunod na tanong ni Nelia sa anak.
“May party lang na pinuntahan, nay. Medyo inumaga na kami kaya dito na lang ako dumiretso,” rason ni Jaxine.
“Anong inumaga? Umaga na talaga.” Sermon ng nanay nita at akmang babatukan siya pero di naman tinuloy. “Suskong bata ka, magbihis ka nga ang komportableng damit at maghahanda ako ng agahan para sa lahat.”
“Opo, nay. Pasok lang muna ako sa kwarto ko,’” sagot ni Jaxine.
Humalik pa siya sa nanay niya bago pumasok at umakyat sa kwarto niya. Pagdating doon ay diretso siyang dumapa sa kama niya. Parang pagod na pagod siya sa nangyari. Ramdam pa rin niya ang sakit at hapdi ng gitna niya niya.
Kaya naman ay di na niya pinigilan pa ang sarili. Pumapaloob siya sa comforter at napagpasyahang matulog muna. Gusto niyang magpahinga ngayong araw na iyon. Bukas na siya pupunta ng opisina niya.
Hindi naman siya nabigo dahil ilang minuto lang ay himbing na agad siya. Nagising na lang siya sa hampas ng nanay Nelia niya sa puwit niya.
“Nay naman, eh,” reklamo niya sa ina.
“Anong nay naman? Nasa baba si Andrius. Hinanap ka,” sabi ng nanay Nelia niya.
Napabangon naman ng wala sa oras si Jaxine dahil sa sinabi ng ina. “Bakit? Ano daw ang kailangan niya?”
“Aba, ewan. Bakit sa akin mo tinanong yan?” Bwelta ni Nelia sa anak.
“Ough,” napasapo na lang sa noo si Jaxine at bumalik ng higa. Wala siyang balak na harapin si Andrius. “Nay, masakit ulo ko. Baka pwedeng saka na lang kami mag-usap?” Pakiusap niya dito.
“Okay, sige. Bahala ka dyan,” sabi na lang ni Nelia sa anak. “Pero magbihis ka ng komportableng damit. Halos kita na kaluluwa mo sa damit mong yan. Pati singit mo, kitang-kita. May panty ka pa ba?”
Sa sinabing yon ng ina ay pinamulahan ng mukha si Jaxine. Nahihiyang hinila na lang niya ang kumot upang itabing sa katawan niya.
“Nanay naman, eh. Sige na labas ka na para makapag pahinga na ako,” taboy ni Jaxine sa ina.
Naiiling na naglalakad na lang si Nelia palabas ng kwarto ni Jaxine. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga ang mawala ang ina. Saka siya bumangon upang makapunta sa banyo.
Balak niyang maligo para kahit paano ay mahimasmasan naman siya kahit paano. Malagkit na din ang pakiramdam niya kaya kailangan niyang maligo para ma-refresh ang katawan niya.
Halos dalawang oras ang tinagal niya sa loob ng banyo. Ganyan naman siya kapag nasa bahay lang siya. Ang dami pa kasi niyang seremonyas sa loob. Kapag nagsabon siya o kaya ay nag-shampoo ay pinapatagal pa niya ang ilang minuto bago banlawan ang sarili.
Nang matapos maligo ay kinuha niya ang tuwalya at itinapis sa sarili. Kumuha din siya ang extra towel upang ipatuyo sa buhok niya at pagkatapos ay ininalabal na rin sa buhok. Bago naisipang lumabas sa banyo.
Pakanta-kanta pa siya habang naglalakad palabas ng banyo dahil presko na ang pakiramdam niya sa sarili. Medyo nawala na din ang sakit na nararamdaman niya sa katawan.
Matapos maisara ang banyo ay maglakad siya patungo sa kama niya kung saan ang vanity mirror ngunit halos mapaiktad siya ang makita si Andrius na prente lang na nakaupo sa kama niya. Tumalikod at babalik na lang sana siya sa banyo nang magsalita si Andrius.
“Where do you think you're going?” Tanong nito sa kanya. Muli siyang humarap sa lalaki.
“Bakit ka nandito?” Balik tanong niya dito. “You are not supposed to be here in my room.”
“Nay Nelia said, puntahan na lang daw kita dito at mukhang masama ang pakiramdam mo,” sagot nito sa kanya.
“Get out,” mariing wika niya dito.
“Why, sweetie?” tanong pa nito sa kanya. Namula naman si Jaxine sa endearment nito sa kanya.
“Anong why? Nandito ka sa kwarto ko,” bulyaw niya sa lalaki. “Isa pa, nakalahiya, Andrius.”
“Wala namang nakakahiya,” sabi nito. “Malinis naman ang kwarto mo.”
“Ah. Basta labas! Magbibihis ako,” sabi niya sa lalaki sabay hila nito palabas ngunit para lang siya naghihila ng bakal.
“Edi, magbihis ka,” nakangisi na wika nito.
“Nakakahiya nga,” maktol ni Jaxine at napapadyak pa.
“Anong nakakahiya? Nakita ko na rin naman lahat sayo, sweetie. Nahawakan, nakain pa nga-”
“Andrius, ano ba?!” Tinakpan ni Jaxine ang bibig ng lalaki. “Marinig ka ni nanay!”
Medyo natawa naman si Andrius sa ginawa ng dalaga. Hindi niya mapigilang ipulupot ang isang braso sa baywang ng dalawa at hinayaan ang sariling matumba sa kama kasama ang dalaga.
“Andrius!” Hindi mapigilang isigaw ni Jaxine ang pangalan ng lalaki.
“Oh, akala ko ba, hindi pwedeng malaman ni nanay Nelia? Eh, bakit sumigaw ka?” Pang-alaska nito sa kanya. Tinampal naman ito ni Jaxine sa braso.
“Bitaw, Andrius. Isa!” Banta nito sa binata.
Natatawang hinalikan naman siya ni Andrius ng mabilis sa labi. “Ang fresh naman ng sweetie ko, hmmm?”
“Andrius, ano ba?!” Medyo nairita ma si Jaxine sa ginawa ng binata.
“Why did you leave me at the hotel?” Tanong nito sa kanya na hindi pa rin siya binitawan.
“Alangan naman peperme pa ako doon? Anong gagawin ko doon? Tatanga lang?” Pilosopong tanong niya sa lalaki.
“Hinintay mo sana akong magising para sabay na tayong umuwi or much better if we do love making again? Round 2?” Tukso nito sa kanya.
“Gago! Hindi na maulit yon!” Kontra ni Jaxine.
“Really? How about we do it again, right here, right now.”
Bago pa man maka react si Jaxine ay binaliktad na ni Andrius ang position nila. Siya na ngayon ang nasa ilalim ng kama at sakop na nito ang labi niya habang nakadagan sa kanya. Ayaw sanang mag-response ni Jaxine ngunit kinagat nito ang pag-ibabang labi niya dahilan upang mapasinghap siya.
Ginamit naman itong pagkakataon ni Andrius upang ipasok ang dila nito sa loob ng bibig niya. Namalayan na lang ni Jaxine na sumabay siya aa galaw ng lalaki. Nag-espadahan ang bawat dila nila. Habang unti-unting pinagsalikop nito ang mga kamay nila sa oluhan ng babae.
“Ahh,” hingal nila pareho.
“Oh, God! Wala pang 2 hours, I missed you already, sweetie,” anas ni Andrius sa pagitan ng halik.
“Hmmmm,” ang tanging sagot ni Jaxine dahil nag-iinit na naman siya.
Lalo na at naglalakbay na naman ang mga kamay ni Andrius sa katawan niya. Bumaba pa ang mga halik nito tungo sa dibdib niya. Nakalas na pala nito ang tuwalya na kanina lang ay nakatapis lang sa kanya.
Akmang sisipsipin nito ang u***g niya ang biglang may kumatok sa labas ng kwarto ni Jaxine. Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Jaxine at biglang bumangon.
Ganun din ang ginawa ng lalaki na tila hindi man lang nababahala sa nangyari. Samantalang si Jaxine ay natatarandang pinulot ang towel na nalalaglag sa paanan.
“Jaxine, anak! Hindi pa ba kayo lalabas dyan? Malamig na ang pagkain!” Sigaw ng nanay Nelia niya mula sa labas ng kwarto niya.
“Magtago ka dali,” bulong niya sa lalaki.
“Why should I? Mas okay nga yon para alam ng nanay mo ang relasyon natin,” sabi naman nito.
“Gago ka ba? Wala tayong relasyon!” Mahina ngunit mariing wika ni Jaxine.
“What? What about what happened to us?” kunot noo na tanong ni Andrius.
“Saka ka na magtanong. Basta sa ngayon ay alis ka muna!” Utos niya sa lalaki sabay tulak dito.
Nakita niya ang makapal na kurtina na malapit sa bintana niya kaya naman ay doon niya dinala ang lalaki.
“Dito ka. Wag na wag kang lalabas dyan kondi malilintikan ka sa akin,” banta niya sa lalaki.
“Yes, sweetie. I'm going to hide,” nakakalokong sagot ni Andrius.
Napailing na lang si Jaxine at inayos ang pagkatapos ng tuwalya bago nagtungo sa pintuan. Kinakabahan binuksan niya ang pinto para sa ina.
“Sorry, nay. Niligo pa kasi ako kaya matagalan ako,” alibi ni Jaxine.
“Ah, itatanong ko rin sana kong nandyan din si Andrius. Sinabihan ko yon na akyatin ka na lang dito,” sabi ni nay Nelia.
“Wala, nay. Ako lang mag-isa,” kinakabahan na sagot ni Jaxine.
“Sure ka? Wala kasi sa baba eh,” sabi pa ni Nelia.
“Opo, nay. Ako lang talaga mag-isa dito,” napakamot na sagot ni Jaxine.
“Okay, sige. Kung ganun, baba na ako. Baka nasa labas lang yon,” sagot nito at nagpaalam na sa kanya.
Napa buga na lang ng hangin si Jaxine matapos mawala ang nanay niya sa harap niya. Agad niyang binalikan si Andrius sa kurtina ngunit napakunot ang noo niya ng makitang wala ito sa pinagtataguan niya.
“Saan na yon?” tanong niya. “Andrius?”
Pinuntahan pa niya ang bawat sulok ng kwarto baka nandoon lang ngunit wala talaga. Nagkibit balikat na lang siya at nagbihis ng komportableng bago bumaba upang makakain na ng agahan.