Chapter 8

1989 Words
Gulat si Jaxine ng pagpasok niya sa kusina ay nandoon na si Andrius, kumakain. Kunot ang noong tumabi siya dito since ang upuan na lang sa katabi nito ang bakanti. “Saan ka dumaan?” Tanong niya sa lalaki. Kindat ang isinagot nito sa kanya. Kaya inirapan na lang niya ito at kumuha na lang ng pagkain upang ilagay sa plato nita na nasa harapan lang niya. “Nga pala, Andrius, ano nga pala ang kailangan mo kay Jaxine ko?” Tanong ni Nelia sa binata. “Nag-alala lang ako, tita. Bigla kasi niya akong ini- aray!” Hindi naituloy ni Andrius ang sasabihin dahil tinadyakan ni Jaxine ang paa nito sa ilalim ng mesa sa takot na baka bigla na lang masabi ng binata na may nangyari sa kanila. “Okay ka lang, Ijo?” Tanong ni Nelia sa binata. “Okay lang, tita. May kumagat lang sa paa ko,” nakangiwing sagot ni Andrius. Tumatango na lang si Nelia sa lalaki. Naiiling na ipinagpatuloy ni Jaxine ang pagkain hanggang natapos sila sa pagkain nila. Nagpaalam na rin si Andrius na aalis na. Ayaw pa sanang ihatid ito ni Jaxine sa labas ngunit utos ng nanay Nelia niya na ihatid ito sa labas. Kaya naman ay napilitan si Jaxine. Hinatid niya ito hanggang sa labas ng gate nila kung saan naka-part ang sasakyan nito. “Bye, sweetie,” paalam ni Andrius na ikangiwi ni Jaxine. “Tigilan mo nga ako sa kakatawag ng ganyan,” wika ni Jaxine. “Why? I love you that way,” kontra naman ni Andrius. “Isa pa, tayo naman na di ba?” “No. Walang tayo,” wika ni Jaxine. “Yung nangyari sa atin, kalimutan mo na yon. Hindi na yon mauulit pa.” Matapos sabihin yon ay agad tumalikod si Jacine sa lalaki para sana babalik sa loob. Ngunit hinawakan siya ng lalaki sa sa siko at hinaharap sa kanya. “Hey,” pigil nito sa kanya. “So, ganun na lang yon?” Naramdaman ni Jaxine ang bigat ng mga salitang iyon. Tumingin siya sa mukha ni Andrius, at nakita niya ang seryosong ekspresyon nito, parang may hinahanap na sagot. Pero hindi siya papayag na magpatuloy sila sa ganitong kalagayan, kaya pinilit niyang maging matatag. "Oo," sagot ni Jaxine, "Ganun na lang." “Paano ang nangyari sa atin?” Tanong pa ni Andrius. “Sabi ko nga di ba? Kalimutan mo na lang,” sagot ni Jaxine. “Really? Kaya mo ba?” Wika ni Andrius sa may paghahamon na tinig. “Oo, kaya ko.” may paninindigan wika ni Jaxine. “Talaga lang ha?” natatawang wika ng lalaki st bigla na lang siyang buhatin at ipinatong sa hood ng sasakyan niya. “Andrius! Anong ginagawa mo?” Nataranta Na wika ni Jacine. “Baka makita tayo nila nanay.” “Much better so that they will know what my relationship is to you,” tukso nito sa kanya. “Andrius, ha? Hindi ako natutuwa,” seryosong sabi ni Jaxine. “At hindi rin ako nagbibiro, Jaxine.” Wika rin ni Andrius. “Andrius, please. Alam naman natin na mali ang nangyari-” “Akala ko ba? No regrets?” Paalala nito sa kanya. “I’m not regretting it. It just that–” Hindi natapos ni Jaxine ang sasabihin dahil sakop na ni Andrius ang bibig niya. Napapikit na lang si Jaxine dahil nagugustuhan din naman niya ang ginawa ng lalaki. Sumabay siya sa galaw ng lalaki hanggang sa ito na ang kusang tumigil. “Alright, sweetie. Whatever you say is,” wika ni Andrius. “But you can't stop me from claiming you whenever I want and I don’t want no for an answer. Hmmm?” Pinamulahan naman ng mukha si Jacine sa sinabi ng lalaki. Napangiti naman si Andrius sa reaksyon niya at binuhat siya pababa sa hood ng sasakyan. “Go inside now. Para makapag pahinga ka. Alam ko naman na may masakit pa rin sayo dulot ng nangyari sa atin kagabi,” paalala ni Andrius sa kanya. “Gago!” Namumulang nag-marcha si Jaxine papasok ng bahay habang hinahatid naman ni Andrius ang dalaga sa tingin. Nang masigurong nakapasok na ang dalaga ay saka lang siya pumasok sa sasakyan niya at pinaandar. Napangiti pa siya ng maalala kapilyohang ginawa niya sa dalaga. How he wishes that Jaxine will be his forever. Ngunit naalala niya ang dahilan kung bakit nakilala niya ito. Trabaho ang dahilan kung bakit niya ito nakikilala. “s**t!” Mura niya sa sarili. Napasuntok pa siya sa steering wheel ng sasakyan niya dahilan upang bumusina ito ng sunod sunod. Mabuti na lang at siya pa lang ang nasa daan kondi baka mapagkamalan siyang balik at shunga-shunga. Napatingin siya sa cellphone niyang biglang tumunog. Napamura ulit siya ng makita ang boss niya ang tumawag. Gustuhin man siyang wag sagutin ngunit alam naman niya ang ugali ng boss niyang ito. “Hello,” bati nita pagkasagot ng tawag. “Report to the office now!” Utos nito sa kanya. “What? Why?” Tanong niya dito “Just do it,” yun lang at nawala na ito sa kabilang linya. Napailing na lang si Andrius st pinasibad ang sasakyan papunta sa opisina niya. Parang gusto niyang piktusin ang boss niyang iyon. Iwan ba niya bakit ganun na lang ka obssess ang boss niya na makakita ng ebendensya laban sa factory ni Jaxine. Sa halos isang taong niyang pag-obserba ay wala talaga siyang makitang kahina-hinala sa babae maging sa company nito. Ang tanging nakikita niya sa babae ay ang pagiging mapagmahal nito sa pamilya, sa mga empleyado at mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya hindi rin maiwasan na mahulog din ang loob niya dito at nais din niyang maranasan kung paano siya mahalin nito hindi bilang isang kaibigan kundi bilang siya, bilang lalaki sa buhay nito. “Si boss?” Tanong niya sa kasamahan niya matapos niyang makarating sa opisina nila. “Nasa office niya,” sagot ng isa na busy din yata sa case na hina-handle nito. Tango lang ang isinagot ni Adrius at diretso na sa opisina ang boss. Nakailang katok pa siya ngunit wala man lanh sumagot mula sa loob. Kaya naisipan niyang buksan na lang ang pinto na sana ay hindi niya ginawa. Nakita tuloy niya na may kalumpungan ang boss niya. Mukhang naramdaman naman ng mga ito ang presensya kaya napalingon ang mga ito sa kanya. Pansin din niya ang paglaki ng ngiti ni Nathalie nang makita siya. Oo, si Nathalie na kaibigan ni Jaxine ang kasama ng boss niya na kasalukuyang nakakandong sa boss. “Mukhang may importante kayong pag-uusapan, hon,” sabi ni Nathalie sa boss niya. “See you later, sa bahay na lang ha? Ipaluto ko ang favorite mong pagkain, okay.” “Okay, hon. Love you,” sagot nito sa babae. “Love you too,” sagot ni Nathalie. “Okay,” natatawa na wika ng Boss ni Andrius. Humalik pa ng isang beses si Nathalie bago umalis sa kandungan nito. Kinuha nito ang bag na nasa visitors chair bago naglalakad palabas ng opisina habang ang mga mata ay naka head to foot ang tingin kay Andrius na tila may magandang plano na nabuo sa isipin. Napailing na lang ng lihim si Andrius sa babae. Humarap siya sa boss niya na ngayon au inaayos na ang damit na suot. Nakatayo lang siya habang naghihintay na matapos ito. “How's the case?” Tanong nito sa kanya. “Negative, sir. Wala talaga. Wala akong nakikitang kahina-hinala sa factory niya,” sagot ni Andrius. “Then anong gagawin natin ngayon?” Tanong sa kanya ng boss. “We will close the case,” sagot ni Andrius. “I see,” sabi na lang ng boss. “But still, continue your investigation.” “But sir-” “No buts, Dimaculangan. Hanggang wala kang nakikita na ebidensya tuloy ang imbestigasyon mo!” Bulyaw sa kanya ng. Boss. Napailing na nagpaalam na lang si Andrius. Ganyan naman talaga ang boss niyang yon. Talagang hindi titigil hanggat walang nakitang ebidensya. Diretso na siya sa opisina niya matapos kausapin ang boss niya. Hindi ka siya nagulat nang makita si Nathalie na printing nakaupo sa visitor's chair sa harap ng working table niya. “What brought you here?” Malamig na tanong niya sa babae. “Wala naman. I just want to see your handsome face,” mapang-akit na wika nito. “Your husband is just on the other side of the office,” paalala niya rito. Mukhang nakalimutan yata nito na may asawa itong tao at ang boss pa niya. “And so? Hindi naman niya malalaman kung wala kang sasabihin,” sabi pa ni Nathalie. Napailing na lang si Andrius sa babae. “Get out,” flat na wika niya sa babae habang naglalakad siya papunta sa swivel chair niya. Tumayo naman ang babae matapos niyang sabihin yon. Buong akala niya ay aalis na ito ngunit nagulat na lang siya ang nasa likod na niya ito nakapulot sa baywang niya kaya napaitigil siya sa paglalakad. “How about a night with me?” Bulong nito sa kanya. Binaklas niya ang mga braso nito saka humarap sa babae. “Go, ask your husband about it.” Napapadyak naman ang babae sa sinabi niya. Wala namang pakialam si Andrius kahit pa mag trantum pa ito sa harap niya. Parang wala lang sa kanya umupo sa upuan. Muli namang bumalik si Nathalie sa kinauupuan niya kanya. Pinag-cross pa nito ang mga hita para mas lalo siyang akitin. Napasandal naman si Andrius sa swivel chair niya sa tiningnan ng mariin ang babae. “Come on, don't you like me? I'm sexy and pretty,” puri nito sa sarili. “ I'm good at ned too.” “Jaxine is more pretty and sexy than you,” sabi ni Andrius sa babae. Kitang-kita niya kung paano nag-iba ang mukha ng babae. Mula sa pagiging maamo patungo sa nanlilisik na mga mata. Kita din ni Andrius ang pagkuyom ng mga kamay nito. Ganun pa man ay mas pinili nitong magpaka-plastic at ngumiti sa kanya. “Sure she is but I'm hotter than her. Don't you agree?” mapang-akit na wika nito. “Of course,” sabi na lang ni Andrius para matigil na. “Now, get out. I'm busy.” Napapadyak na lang ang babae at nag-matcha palabas ng opisina niya. Napailing na lang ai Andrius dito. Super turn off talaga siya sa babae na nagpapakita ng motibo kahit na may asawang tao na ang mga ito. Kinuha na lang niya ang mga file na nasa mesa niya at sinimulan ang nakabinbin na trabaho. Minsan napangiti na lang siya ng maalala si Jaxine. Napaisip siya kung anong gagawin para magkaroon sila ng relasyon. Mukhang kailagan niya ang matinding orasyon para makuha talaga niya ang dalaga. Hindi siya papayag na hanggang doon lang ang relasyon nilang dalawa. Gusto niya naas higit pa doon ang magiging papel niya sa dalaga. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigang si John. “What's up, bro?” Bati nito sa kabilang linya. “Send me a flower to Jaxine's office,” utos niya dito. “What the f**k!” Bulyaw nito. “Ano ba talaga ang papel ko sa inyong lahat? Utusan?” “Fifty thousand,” untag niya dito. “Noted,” sabi nito at nawala na sa kabilang linya. Natarawang napailing na lang si Andrius sa kaibigan. Basta pera ang usapan, ang bilis ng kaibigan niya na iyon. Kaya hindi ma siya magtaka kung darating ang araw na mas marami na itong pera kaysa mga kaibigan niyang mga CEO ng kumpanya. Masyadong buraot ang kaibigan niyang iyon. Napatingin siya sa cellphone niya ng tumunog ulit ito. Nakita niyang si John ang nag-text kaya excited na binuksan niya ito. “Flowers sent.” Basa niya sa text message ng kaibigan. Napangiti si Andrius at ipinagpatuloy na ang trabaho. Excited siyang makita kung ano ang reaksyon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD