Chapter 11

1300 Words
Matapos ng gabing iyon ay parang kabuti na lang ang lalaki na biglang susulpot kung nasaan siya. Mapa bahay man o opisina. Hinayaan na lang ni Jaxine dahil kahit anong saway niya sa lalaki ay mas lalo itong hindi mapipigilan. Kaya nasanay na lang si Jaxine sa ganong set up nila ni Andrius. “Bye, nay, tay. Pasok na ako,” paalam ni Jaxine sa nanay at tatay isang umaga. “Bye, anak. Dito ka ba matulog ngayong gabi?” pahabol na tanong ni Cornelia sa anak. “Depende, nay. Kapag hindi busy sa opisina at sa factory,” sagot ni Jaxine. “Pero wag mo nyo na po akong hintayin ha? Baka di rin ako makauwi. Anyway may susi naman ako kaya di nyo na po kailangan na hintayin pa ako.” “Oh, sige. Basta mag-ingat ka anak ha?” bilin pa ni Cornelia sa anak. “Opo. Love you, nay, tay,” sabi pa Jaxine. “Love you too, nak,” sagot ni Cornelia. “Sige, alis na ako. Tay,” tawag niya sa ama. “Ingat, nak,” sagot naman ni Gary. “Sigurado ka bang hindi ka magpapahatid?” “Hindi na talaga, tay. Magpahinga na lang po kayo,” tanggi ni Jaxie. Nang tumango ang magulang ay tuluyan ng lumabas ng bahay si Jaxine. Coding kasi ang sasakyan niya kaya hindi siya maaaring mag-drive. Sanay naman siyang mag-commute. Dati-dati pa naman niya itong ginagawa kahit noong bata pa siya. Swerte lang niya ngayon dahil nakaangat na sila sa buhay at kahit paano ay may sarili na siyang sasakyan na pwedeng gamitin sa tuwing may lakad o kaya ay pupunta ng opisina. Patawid na siya sa kalsada ng biglang may bumusina sa likod niya. Naparolyo na lang siya ng mata dahil alam na agad iya kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Kahit naman hindi niya silipin alam na agad niya kung sino ang makulit na laging buntot na buntot sa kanya. Gustuhin mn niyang magpatay malisya ay alam niyang di siya titigilan ng lalaki. “Hey,” bat nito sa kanya. “Come on, hatid na kita.” Hindi na sumagot si Jaxine at sumakay na lang sa front sent ng sasakyan. Bagay na ikangiti ni Andrius. Hindi na rin nagulat si Jaxine nang bigyan siya ni Andrius ng mabilisang halik sa labi. “Fresh,” wika ng lalaki. “Fresh mo mukha mo,” supla naman ni Jaxine na ikatawa ng lalaki. “Ang aga ang mo namang na high blood, sweetie,” natatawang puna ni Andrius sa dalaga. “Mag-drive ka nga lang. Ma-late pa ako sayo eh,” bwelta ni Jaxine sa lalaki. Nagkibit balikat nan si Andrius at nagsimula ng mag-drive. Himala at hindi ito nangungulit habang muusad ang sasakyan nila. Pagkalipas ng halos isang oras ay nakarating din sila sa opisina ni Jaxine. Wala namang pasumbaling na lumabas si Jaxine sa sasakyan nito. Di na siya nagpaalam pa dito dahil alam niyang susunod din naman ito sa kanya. Sanay na kasi siya sa lalaki. Memoryado na niya ang kilos kapag nasa paligid lang ito. “Good morning, ma’am,” bati ng ilang empleyado na nasasalubong niya. “Morning din,” sagot lang niya saka diretso lang na naglalakad. Ilang saglit pa ay rinig na ni Jaxine na nagkagulo ang mga empleyado dahil kay Andrius. Bagay na ikailing na lang ni Jaxine. “Hi, sir. Mukhang maganda ang gising mo ah?” Biro ng ilan. “Naman. Ikaw ba naman maka-score,” sagot ni Andrius na mas lalong ikaingay ng lahat habang napa-rolyo na lang si Jaxine. Hindi na siya nakikinig pa sa ibang mga sinasabi nito. Diretso niyang binuksan ang opisina niya ngunit ang hindi niya ini-expect ay nasa loob si Nathalie na parang may-ari ng opisina niya. Prenteng-prente itong kakaupo sa swivel chair niya sa likod ng working table. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya sa kaibigan. “Why? Bawal na ba ako dito?” Balik tanong nito sa kanya. “Hindi naman pero wala ka man lang pasabi na narito ka.” “So? Kailangan ba na bawat kilos ko, ipaalam sayo?” nakataas ang kilay na tanong ni Nathalie sa kanya. “So, bakit ka nga narito?” Tanong na lang ulit ni Jaxine sa kaibigan. “Wala naman. Napadaan lang,” sagot nito. Tumango na lang si Jaxine sa kaibigan. Naglakad siya palapit sa swivel chair niya para iparamdam sa kaibigan na kailangan na nitong umalis mula sa kinaroroonan nito. Ngunit hindi natinag si Nathalie. Akmang pasabihan niya ang kaibigan ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Iniluwa ito ni Andrius na nakangiti pa. Kapwa napatingin sina Jaxine at Nathalie dito. “Sweetie, bakit mo naman ako ini-” hindi natuloy ang sasabihin sana nito ng makita nito si Nathalie. “Why are you here?” “How about you? Why are you here?” Balik tanong nito sa lalaki. “Ah, I know na.” “What?” Tanong agad ni Andrius. “Don't you dare say something bad, Nathalie,” mahina ngunit madiing wika ni Andrius. Saglit namang natigilan si Nathalie sa sinabi ng lalaki ngunit kalaunan ay parang wala lang na ngumiti ito ng matamis sa kanila. “Of course. How could I? Jaxine is my best friend,” sabi nito bago tumingin kay Jaxine at pagkatapos ay bumaling sa lalaki. Tumanyo pa ito mula sa kinauupuan niyang swivel chair at lumapit sa lalaki.. “And you are my friend too.” Tinitigan lang ito ng mariin ng lalaki ngunit matamis na ngiti lang ang ganti ni Nathalie dito. Napailing na umupo na lang si Jaxine sa upuan. Hindi na niya pinapansin ang dalawa na halos matunaw na sa titig ng bawat isa. “Anyway, girl. Labas tayo later?” Aya ni Nathalie kay Jaxine. “No. Busy ako,” sagot ni Jaxine. “Na naman?” Yamot na wika ni Nathalie. “Come on, girl. Minsan nga lang ako magyaya.” “She said, she's not going, Nathalie. Why can't you understand that?” medyo nairita na sabat ni Andrius. “How about you? Are you free later?” Sa halip ay tanong ni Nathalie sa lalaki na may halong panlalandi. “Why should I? Do I need to be with a married woman?” Balik tanong ni Andrius sa babae. Medyo na insulto naman si Nathalie sa tanong na iyon ng lalaki. Pero sa halip na ipakita ang pagkainsulto ay mas lalo niyang tinutudyo si Andrius. “Are you willing?” Tanong pa nito sa lalaki. “No. I would rather go with Jaxine than with you,” sagot ni Andrius. Naparolyo na lang ng mata si Nathalie sa sinabi ni Andrius. “Whatever. Anyway, I have to go. Puntahan ko na lang asawa ko sa office niya.” Hindi naman nagtagal ay wala na nga si Nathalie sa opisina ni Jaxine. Ngunit si Jaxine ay tila may nais itanong kay Andrius. Tinitigan namam siya ang maigi ng lalaki. “What?” Tanong ni Andrius. “Wala. Wala naman akong dapat malaman di ba?” Balik tanong ni Jaxine sa lalaki. “You can ask me about anything, sweetie,” sagot ni Andrius. “No thanks, I'm not interested,” sagot ni Jaxine saka binuksan ang laptop na nasa harapan niya. Magsasalita pa sana si Andrius ngunit naunahan ito ng cellphone nito na bigla na mang tumunog. Biglang nagbago ang expression ng mukha nito bago sagutin ang tawag. Kalaunan ay napa buntong hininga na lang ito matapos maibaba ang tawag. “I'm sorry but I have to go. This is urgent,” biglang paalam ni Andrius sa kanya. Napailing na lang si Jaxine matapos siyang iwan ng lalaki. Ni hindi man lang nito hinintay na makasagot pa siya. Basta na lang siya nito iniwan matapos makatanggap ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD