Gulat si Jaxine nang makita si Andrius na nakasandal sa sasakyan matapos niyang makalabas sa building kung saan naroon ang opisina niya.
“Anong ginawa mo dito?” Tanong ni Jaxine sa lalaki.
“I changed my mind. Makikain na lang ako sa inyo. Tipid pa sa gastos,” sagot nito.
“Gago. Saan ka nga pala galing at ilang araw kang nawala,” tanong ni Jaxine sa lalaki.
“Hmmm, nasa tabi-tabi lang. Naghahanap ng ebidensya este chicks pala,” sagot nito habang may pakamot pa sa batok nito.
Napailing na lang si Jaxine sa lalaki. Ewan ko sayo. Tabi nga, nagmamadali ako.”
“Give me your key,” sabi nito sabay lahad ng palad.
“Key?” Tanong ni Jaxine.
“Car key. I’ll drive you,” sabi nito.
“No thanks. Hindi ka invited,” sabi ni Jaxine at pinapatunog ang chery Tiggo senyales na binuksan niya ang sasakyan.
Ngunit hindi pa man nabuksan ni Jaxine ang sasakyan niya ay naagaw na ni Andrius sa kanya ang susi. Kung paano niya nagawa yon ay hindi niya alam. Bigla na lang kasing nawala sa kamay niya ang susi.
“Hoy, akin na yan,” agaw ni Jaxine sa susi ng sasakyan niya.
Natatawa na itinaas lang ni Andrius ang kamay niya. Kaya nakasimangot at humalukipkip na lang ni Jaxine ang mga braso niya sa dibdib niya.
“I’ll drive, okay?” Sabi ni Andrius. “Don’t worry, I will not go there empty handed,” dagdag p nito.
“Bahala ka,” sagot na lang ni Jaxine at umikot sa front seat.
Nakangiting pinagbuksan naman siya ni Andrius ng pinto at nang matapos ay saka ito umikot sa driver's seat para magmaneho. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan matapos maka-pwesto habang prente namang nakaupo si Jaxine sa front seat.
“Anyway, may dadaanan ka pa ba?” Tanong ni Andrius sa dalaga.
“Ahm, bibili pa sana ako ng cake,” sagot ni Jaxine.
“Cake? Consider it done,” sagot ni Andrius sabay kindat sa kanya.
“Sigurado ka bang magustuhan yon ni nanay?” tanong ni Jaxine.
Hindi na siya nakipag argumento pa sa binata ang sabihin nito yon dahil alam niyang nagawa na ng binata ang nais niya.
“Of course. Nanay Cornelia wants sa coffee flavored cake,” sagot nito. Napailing na lang ai Jaxine.
“Stalker ka ba ang pamilya ko? Ang dami mong alam tungkol sa amin ah. Pati ang mga paborito namin ay alam mo,” kunwari ay naghihinala siya dito.
“Of course not. I just want to make sure na alam ko ang mga dapat kong malaman,” sabi nito.
Nagkibit balikat na lang si Jaxine. Hindi na siya magtataka kung bakit alam nito ang paboritong cake ng nanay niya. Dahil sa cake na yon kaya sila nagkakilala.
FLASHBACK…
One year ago
Nasa San Rivals bake shop siya bumili ng cake para sa nanay Nelia niya. Kaarawan nito ngayon at gusto niya niyang bilhan ito ng coffee flavored cake. Nang matapos siyang makabili ng cake ay agad siyang lumabas.
Napatingin siya sa pambisig na relo habang naglalakad ng mabilis. Hindi niya napansin ang papasok na lalaki kaya ang nangyari ay nagkabonguan silang dalawa.
“Aray,” reklamo ni Jaxine.
“I'm sorry, hindi ko sinasadya,” hinging paumanhin ng lalaki.
Sasabihin sana ni Jaxine na ‘okay lang’ ngunit nakita niya ang cake niyang naka kulob na sa paanan niya.
“Goodness! Ang cake ko…” sabi na lang niya at pinulot ang box ng cake baka sakaling okay pa. “Agh.”
“I'm sorry, palitan ko na lang ang cake mo, miss,” sabi nito.
“Dapat lang. Birthday pa naman ng nanay ko ngayon,” sikmat ni Jaxine.
“Okay, okay,” sabi nito na medyo natawa. “Wag na magalit, okay? Mabawasan kagandahan mo.”
Namula si Jaxine sa sinabing yon ng lalaki. Lalo pa at kumindat pa talaga ito sa kanya. Aangal pa sana siya ang lagpasan siya nito at pumunta sa counter para maka order ng cake.
“Flavor of the cake?” Baling nito sa kanya.
“Coffee,” wala sa loob na sagot niya sa lalaki.
Tumango naman ito at inuulit ang sinabi niya sa crew na nasa counter. Nakahalukipkip na lang si Jaxine at nakasandal sa dingding malapit pintuan.
“Let's sit first. Abutin pa ng ilang minuto bago matapos ang cake,” aya nito sa kanya.
Napairap na lang si Jaxine pero sumunod naman sa gusto ng lalaki. Inaya siya nitong umupo sa isang table. Saglit iniwan at ng bumalik ay may dala na itong dalawang tasa caramel coffee at dalawang platito ng slice cake.
“Here, take a bite first while waiting,” sabi pa nito.
Napabuga na lang ng hangin si Jaxine at sinimulan ng sumipsip ng kape. Siya pa naman ang tao na weakness ang aroma ng kape. Kahit anong kape pa yan kaya niyang inom kahit black coffee pa yan.
“Anyway, I'm Andrius. Andrius Kent Dimaculangan. You can call me Andrius or anything you're comfortable with. How about you?” tanong nito sa kalagitnaan ng pagkape nila.
“Ah, Jaxine,” yon lang ang sagot ni Jaxine dito.
“Nice name. Bagay sayo,” sabi nito.
“Alam mo, ikaw? Bolero ka talaga,” puna ni Jaxine dito. “Yan ba ang talent mo?”
“Bakit? Na-amaze ka ba sa talent ko?” tanong nito sa kanya. Napa Halakhak naman si Jaxine sa sinabing yon ng lalaki.
“Yeah, kung talent mo nga yon. Sige lang. Ipagpatuloy mo yan. Pero wag sanang darating ang araw na ang karma ang kusang gumagalaw para parusahan ka sa pagiging bolero mo,” sabi ni Jaxine.
“Grabe naman to. Don’t worry, hindi ko sila liligawan at syotain kaya safe ako sa karma na yan,” sabi naman ito.
Nakibitbalikat na lang si Jaxine sa sinabi na yon ng lalaki. Saktong natapos sila sa pagkape ay ang paglapit ng isang crew upang ibigay ang order a cake.
“Ito na po ang order nyo, ma’am, sir,” sabi nito.
“Thank you,” sagot ni Andrius dito.
Mabilis namang nagpaalam ang crew matapos ilapag ang cake na naka-box na sa harap nila. Agad namang tumayo si Jaxine nang mawala ang crew sa harap nila.
“Anyway, I have to go. Naghihintay na sila nanay sa akin,” agad na paalam ni Jaxine.
“Sure, go ahead,” sagot ng binata.
Akmang aalis na si Jaxine ng tawagin muli siya nito. “Bakit?”
“Your number, please?” Pakiusap nito sa kanya. Kasabay non ay ang pag-abot ng cellphone nito sa kanya.
Nagdadalawang isip naman si Jaxine kung ibigay o hindi ang numero niya ngunit sa huli ay ibinigay na lang niya bilang pasasalamat na rin sa cake na ini-order nito.
“Ayan, Wala na akong utang sayo, ha?” Natatawa na wika ni Jaxine nito.
“Thanks, expect me to call you later, hmmm,” sabi pa nito.
Tumango lang si Jaxine at muling naglakad palabas ng shop. Hindi na niya tinangka pang magsalita baka mas lalo siyang matagalan sa klase pa naman ng personality ng lalaki ay parang hindi ito nauubusan ng sasabihin. Baka abutin siya ng siyam-siyam bago matapos ang pag-uusap nila.
END FLASHBACK….
“Ang lalim ng iniisip mo, ah. Buti di ka nalunod,” puna sa kanya ni Andrius.
“Gago. Bakit nga pala tayo nandito?” Tanong ni Jaxine ng napansin na nasa harap sila ng bakeshop kung saan sila unang nagkita.
“Kukunin ko lang ang order ko ang cake para kay nanay Nelia,” sagot nito at lumabas na sa sasakyan.
Napailing na sinundan na lang ni Jaxine ang lalaki habang papasok sa loob ng shop. Hindi naman nagtagal ang lalaki at muling bumalik sa sasakyan dala ang cake at may kasama pang flowers.
“Parang hindi ka nga handa na mag-gate crush birthday ng may birthday ah,” biro ni Jaxine sa lalaki.
“Hindi nga. Kasi kung handa ako, malamang naka barong Tagalog ako,” sagot nito.
Natatawa na lang si Jaxine. Kahit kailan talaga ay puro kalokohan lang ang alam ng lalaki. Napaisip tuloy siya kung ang trabaho ba nito ay ang pagpapatawa ng mga tao kagaya niya.
“Ewan ko sayo. Tara na nga aka hinihintay na ni nanay ang cake,” sabi na lang ni Jaxine.
“Alright, let’s go.” Sabi ni Andrius at pinaandar muli ang sasakyan.
Nagpatuloy ito sa pag-drive. Alam naman nito kung saan ang bahay ng pamilya niya kaya hindi na ito nagtatanong pa sa kanya kung saan sila dadaan. Kabisado na ng lalaki ang daan dahil naka ilang beses na rin itong pumunta doon.
Isang oras parang ginugol nila sa daan bago nakarating sa bahay ng magulang niya. At nang makitang magulang niya si Andrius ay tuwang-tuwa ang mga ito.
Mas lalong natuwa ang nanay niya ang bigyan siya ng lalaki ng bulaklak at kwintas bilang regalo sa kaarawan nito. Kaya asikaso na asikaso nito ang binata. Kulang na lang subuan nila ito ang nasa hapag na sila.