Chapter 3

1736 Words
Andrius POV “Thank you sa pagpunta, dong Andrius ah?” sabi ng nanay ni Jaxine sa kanya matapos niyang magpaalam na aalis na siya. “No worries, tita. Ginusto ko rin na magpunta kahit na hindi ako imbitado,” pabirong sagot ni Andrius dito. “Ano ka ba? Hindi na kailangan ng imbitasyon. Basta, ikaw,” sabi pa nito. Natawa na lang si Andrius sa tinuran na iyon ng ina ni Jaxine. “Paano, tita. Alis na ako.” “Sige, ingat ka sa daan,” bilin nito sa kanya. Tumango lang si Andrius at napatingin sa likod ng ginang baka sakaling nandoon ang babae. Napansin na naman yon ni Cornelia. “Gusto mo ba tawagin ko muna si Jaxine? Busy na yon sa pagliligpit sa kusina,” sabi nito. “Hindi na, tita. Pakisabi na lang na alis na ako,” tanggi ni Andrius. “Sige. Pero sigurado ka? Ayaw mong magpalipas ng gabi dito?” Tanong ni Cornelia. “Hindi na, tita. May duty pa ako bukas,” tanggi pa ulit ni Andrius. “Hala, sige. Ingat ka,” sabi nito. “Sige po,” sagot ni Andrius at tumalikod na. Matapos sumara ang gate ay napa buntong hininga na lang si Andrius. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigang si John. “Bro, where are you?” Tanong niya sa kaibigan. “Condo. Why?” Balik tanong nito sa kabilang linya. “Fetch me here near Jaxine’s place,” pakisap niya sa kaibigan. “What? Nandyan ka na naman,” wika nito sa kanya. “It’s tita Cornelia’s birthday,” sagot ni Andrius. “Bro, pag yan mahulog sayo, good luck na lang sayo,” sabi pa nito. Natatawa na napailing na lang si Andrius. “Just fetch me, okay?” “Okay,” sagot nito at nawala na sa kabilang linya. Ibinalik naman ni Andrius ang cellphone sa bulsa niya at tumambay sa waiting shed malapit sa bahay ng dalaga. Ilang sandali pa ay napa buga siya ng hangin nang maalala ang sitwasyon kung bakit siya narito. Halos mag-isang taon na ang ginawa niyang pagmamasid dito ngunit wala man lang siyang nakitang kahina-hinala sa babae maging sa factory nito. Kaya nagtataka siya kung bakit pinaimbestigan ng agency niya ang negosyong ito ni Jaxine. Pansin din niya ang pagiging malapit nito sa mga empleyado. Wala rin siyang nakitang kakaiba sa paligid nito. Kunot ang noo na napailing na lang si Andrius. Kung tutuusin, kapag siya ang gumawa ang trabaho ay wala pang isang buwan ay tapos na. Pero ito, mahigit isang taon na wala pa rin siyang makuha-kuha na ebidensya. Napaigtad si Andrius nang makarinig siyaang busina mula sa kalsada. Kita niya ang sasakyan ng kaibigang si John kaya naman ay naglalakad siya palapit dito at diretsong sumakay sa front seat. “Where's your car? Bakit nagpapasundo?” tanong ni John at nanguy-ab, senyales na galing pa sa isang mahimbing na tulog. “I use a motorcycle only, I left it near Jaxine's office,” sagot ni Andrius nito. “I see,” patango-tango na wika nito. “Kumusta naman imbestigasyon?” “Still, negative,” napabuntong hininga na lang si Andrius. “Baka naman talaga wala,” sabi pa nito. Pinatakbo na nito ang sasakyan pabalik sa city. “I hope so. But you know our agency, kailan man ay hindi pa yon pumalpak sa trabaho,” sabi Andrius. “Yon naman pala. Anong problema mo?” tanong pa ni John. Umiling lang si Andrius sa kaibigan. Hindi naman ang usisa pa si John at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. “How about, let's go to a bar?” Suggestion ni John sa kaibigan. “Sure, maaga pa naman,” sagot ni Andrius. “Alright, here we go!” Sabi ni John at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Napailing na lang si Andrius sa kaibigan. Laman talaga ang bar ang kaibgan niuang ito. Palibhasa super relax lang ng trabaho at binata pa. Mabilis naman silang nakarating sa bar na si John ang laging laman.Parang nawala sa mukha ng kaibigan niyang antok lalo na at sa labas pa lang ay rinig na ang tugtog. “Let’s go,” Sabi ni John sa kanya ang nasa harap na sila ng bar. Tanging tango lang ang sagot ni Andrius nito. Agad naman silang pinapasok ng bouncer nang makilala sila. Sa entrance pa lang ay kitang kita na nilang mga taong nawawala sa dance floor, sa gilid ay mga mga nagtutukaan na akala mo walang tao sa paligid. Hindi na rin naman nagulat si Andrius sa mga nangyari dahil sa mga tulad nilang mahilig sa night clubbing ay normal na lang sa kanila iyon. “Hey, handsome, Mind if I join you?” Sabi ng isang babaeng sobrang ikli ng damit matapos nilang maka upo sa high chair sa tapat mismo ng bar counter. “No, thanks. Stay away from me,” sagot ni Andrius. “How about you, boy?” Baling nito sa kaibigan niya. “Boy? Oh, I’m not a boy. Wanna feel it?” Sagot nito sa babae. Napailing na lang si Andrius sa kaibigan. Halatang gamay nito paano magpaikot ng babae sa palad nito. Sabagay halos lahat naman na mga kaibigan niya ay dumaan sa ganyan bago nag-asawa. Tutungga sana si Andrius ng alak ng biglang nag-virate ang cellphone niya sa bulsa kaya naman ay kinuha muna niya ito at napakunot ang noo niya ng makita ang boss niya ang tumawag. “Hello,” bati ni Andrius sa boss. “Any news?” Tanong nito sa kanya. Napa buntong hininga naman si Andrius dahil alam na agad niya kung ano ang tinutukoy nito. “Not yet,” sagot niya. “Faster, Dimaculangan. We’re running out of time!” Bulyaw nito sa kanya. “But there is no evidence, sir,” kontra ni Andrius. “Then, make evidence! Simple as that!” Bulyaw ulit nito. “What?!” Hindi makapaniwala si Andrius sa sinabi ng boss. “I can’t do that!” Rinig niya ang pag halakhak ng nasa kabilang linya. “Andrius, don’t be too devoted to your job. You know how money works.” “But sir—” “Just do it para tapos ang trabaho.” Yon lang at nawala na it sa kabilang linya. Napa buga na lang ng hangin si Andrius matapos maibaba ang cellphone. Kinuha niya ang baso na may lamang alak at diretsong iniinom. Bagay na napansin ng kaibigan na may kalungpungan pa sa kabilang upuan. “Alright, ladies, I’ll call you later, okay?” Sabi nito sa mga kasamang babae. “But for now, leave us alone first, okay?” “Okay,” tanging sagot ng mga ito at bigla na lang parang bolang nawala sa paligid nito. Nagpatuloy naman sa pag-inom si Andius at tila walang pakialam sa paligid. Kaya naman ay humarap sa kanya ang kaibgan niyang si John. “Problem?” Tanong nito sa kanya. “Nothing,” sagot niya. “Oh, come on. I know you,” sagot naman ni John. Napangiti na lang ng hilaw si Andrius. “Nah, hindi ka naman maka-relate nito. Kasi mayaman na ka.” “Gago! Anong mayaman?” Kontra nito. “Kung mayaman ako, eh di sana nakahiga na ako ngayon sa kama na punong-puno ng pera. Hindi na sana ako nagka kanda kuba para magpapaalipin sa mga boss kong nag-asawa lang, sa akin na lahat ng responsibilidad ng mga kumpanya nila?” “Nagrereklamo ka na niyan? Samantalang milyones naman ang nakorakot mo sa mga sinasabi mong boss?” sarkastikong anong ni Andrius sabay tawa. “Aba, dapat lang. Hindi biro ang pagpapatakbo ng mga kumpanya nila. Tapos, assistant lang ako? Assistant lang.” Reklamo nito. Napailing na lang si Andrius. “Pero teka nga, ikaw ang topic dito. Bakit ako ang nag nagpapaliwanag?” “Ewan ko sayo. Sinabi ko lang naman na milyones ang nakorakot mo sa mga kaibigan natin, ang dami mo nang rant,” nakakatawang sagot ni Andrius. Natawa na rin ang kaibigan niya. “So, anong problema?” Tanong ni John sa kanya. “Gusto nilang madaliin ko ang pag-imbestiga sa factory ni Jaxine,” sabi ni Andrius. “Oh, tapos anong problema?” Tanong pa nito. “Ang problema, Wala akong nakuha na ebidensya,” sagot ni Andrius. “That’s good. That means their factory is clean,” sagot pa nito. Kumuha ito ng isang baso ng alak at tinungga. “But they said that if there is no evidence, make evidence,” sabi ni Andrius. Sa gulat ni John ay nailuwa niya ang alak na iniinom. “What the hell!” Sigaw nito . “What do you mean to say is framing Jaxine and their factory?” “Yes,” tumatangong sagot ni Andrius. “Oh, no. That's a big problem,” sagot ni John. “Pero wag mong sabihing gawin mo nga yon?” “Of course not! Hindi ko gagawin yon kay Jaxine,” mabilis na sagot ni Andrius. “And why?” Usisa pa ni John sa kanya. “Because she's, she's a friend,” sagot ni Andrius. “Are you sure?” Tanong pa ni John. “Of course,” sagot ni Andrius. “Okay, sabi mo eh,” sagot na lang ni John. Nilagok na lang ni Andrius ang huling laman ng alak sa baso niya. Ang isip niya ay lumilipad sa kung paano niya tapusin ang pag imbestiga sa factory ng babae. Sa higit isang taong niyang palihim na pag obserba sa factory ng babae ay wala siyang nakikita na kahina-hinala dito. Mabait, masipag, maalaga at protective si Jaxine hindi lang sa pamilya niya maging sa mga taong nakasalamuha nito kaya naman ay hindi mapigilan ni Andrius ang humanga sa dalaga. “Oh, natulala ka na naman,” puna ni John. “Wala,” sagot na lang ni Andrius. Napatingin pa siya sa relo na pambisig. “Malalim na ang gabi. Last na to at uwi na ako.” “Sure. Maaga din ako bukas, daming trabaho sa opisina ni Blaze,” sagot naman ni John. “Milyon naman ang pumasok sayo kahit tambay ka lang sa opisina niya,” biro ni Andrius. Natatawa na napailing naman ang kaibigan. Nagpatuloy sila sa pag-inom at nang wala ng laman ang botelya ang alak ay nagpasya na silang umuwi. Hinatid muna siya ang kaibigan sa condo building kung saan ang unit niya bago ito umuwi sa sariling condo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD