“Mukhang blessing in disguise yata ang pagkawala niya ng ala-ala Lorelay kasi naging masaya kayong lahat.” Napatingin ako kay teacher Han. Papunta kami ng counter ngayon para bayaran ang mga pinamili namin nang bigla niyang sabihin iyon. “Noong sa party kasi akala ko ay hindi na kayo magkakaayos. You just prove to me na may mga taong kagaya mo na madaling magpatawad.” Makahulugang aniya. “Mahirap magpatawad lalo’t sagad na sagad ka na.” Dagdag ni teacher Han. Tumingin ako sa harapan at nilapag ang mga kinuha ko na nasa cart para ma check na nila at maiuwi ko na. “Itong batang kasama natin at batang naiwan sa bahay lang naman ang rason ko teacher Han para magpatawad at kalimutan ang lahat kahit pa sabihing sagad na ako.” Tumingin si teacher Han kay Sico na papalapit sa gawi namin. “M

