"Hi" napalingon ako sa gilid at nakita ko si Edmund na nakangiti sa 'kin. "Ed! Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong ko sa kaniya. "I'm just seeing my girl here. You?" Girl? Sa skwelahan? Teacher ang girlfriend niya? "Hinihintay ko ang mga anak ko." Tipid na sagot ko. Eksaktong lunes ngayon at ako ang naghatid sa mga bata. Wala si Mr. Shein sa bahay dahil kasama niya si Vicente at mga kaibigan niya. Buhat no'ng dumalaw ang Don sa bahay, naging maayos na pagsasama ng mag-ama. Binalik na ng Shein corporation ang suporta nila sa kumpanya ng asawa ko kaya dagsaan ulit ang investors and clients. Abala ako sa mga gawaing bahay. Ako at ang mga anak ko ang laging magkasama buhat sa bihira lang makauwi si Mr. Shein na hindi pagod. Nakaka recover na rin ang lakas niya sa aksident

