CHAPTER ONE

1326 Words
RICHEL "Tay, tama na po! Huwag niyo na po'ng saktan si Nanay. Pagod na po si Nanay sa maghapon na paglalaba. Tapos sasaktan niyo pa po siya." Umiiyak na sabi ko kay Tatay. Ang apat ko'ng mga kapatid sa gilid ng maliit naming mesa habang nagtatago na umiiyak din sa takot. Lasing si Tatay galing sa labas. Pagdating niya sa bahay, walang pagkain kaya galit na galit sa amin. May nilagang saging na saba naman sa kaldero pero ayaw niya. Kaya pagdating ni Nanay galing sa kapitbahay namin mula sa paglalaba. Kinuha niya ang kaldero na may lamang saging saka tinapon kay Nanay. "Isa ka pa! Gusto mo na rin ba'ng lumaban? Mga malas kayo sa buhay ko. Mga walang silbi. Mga bwesit,." Sigaw ni Tatay sa pagmumukha. "Hindi naman sa ganun, Tay. Kawawa naman kasi si Nanay. Maghapon siya sa trabaho at pagod na pagod. Tapos ikaw wala namang trabaho." Akmang sasampalin niya sana ako ng niyakap ako ni Nanay kaya ang ulo ni Nanay ang tinamaan. "Baldo, ako nalang ang saktan mo. Huwag mong saktan ang mga anak natin..Ito ang lera kung gusto mo. Huwag na huwag mo'ng sasaktan ang mga anak natin." Umiiyak na sabi ni Nanay sabay abot ng isang daan kay Tatay. Ngumisi naman si Tatay saka kinuha ang pera. "Kung kanina mo pa ito binigay e di mabuti." Sigaw ni Tatay saka tumalikod palabas ng bahay." Lumapit kaagad ang apat ko'ng kapatid saka yumakap kay Nanay. "Tahan na mga anak. Nandito lang si Nanay." Umiiyak na sabi ni Nanay. "Nanay, ang saging po. Naapakan niyo po! Kakainin pa natin iyan Nanay." Umiiyak na sabi ni Jen-jen ang kasunod sa akin. Pinulot naman ni Let-let ang saging malapit sa paa ni Nanay. "Nay, bakit mo binigay kay Tatay ang pera? Ibibili niya lang naman iyun ng alak. Kanina pa simula umaga hindi naka kain ang mga kapatid ko ng kanin. Kasi ang kanin kanina kinuha din ni Tatay at dinala sa labas. Duon daw siya kakain sa kaibigan niya dahil may ulam. Nay, bakit ka pumapayag na saktan ka ni Tatay? Saka bakit ayaw mo'ng iwan si Tatay?" Naluluha ko'ng tanong kay Nanay. Hinaplos niya naman ang aking mukha at at hinawi ang aking buhok na nakatakip sa aking pisnge. "Anak, okay lang na saktan ako ng Tatay niyo. Huwag lang kayo. Saka wala tayong mapupuntahan kapag umalis tayo dito sa bahay. Hindi tayo kilala ng kamag-anak ko dahil wala tayong pera. Ayaw ko din humingi ng tulong sa pamilya ng Tatay mo dahil katulad din sila ng ugali ng Tatay mo. Kaya mga anak patawarin niyo si Nanay kung ganitong buhay ang naranasan niyo. May isang daan pa naman ako. Pwedi pa ito pambili ng bigas at sardinas. Baka balang araw ma isip din ng Tatay niyo na magbago. Lagi niyong tandaan mga anak na kahit ganun ang ugali ng Tatay niyo. Tatay niyo pa rin siya. Kaya mga anak kunting tiis pa. Ang mahalaga kasama ko kayo, kayo ang lakas ko mga anak. Mahal na mahal ko kayo mga anak." Wika ni Nanay habang patuloy na umiiyak saka yakap kaming lima. Limang kaming magkapatid at ako ang panganay. Labing dalawang taon pa lamang ako. Si Jen-jen naman ay labing isang taong gulang, si Let-let naman ay siyam na taong gulang. Si met-met ay pitong taon at ang bunso namin ay limang taon. Walang trabaho si Tatay pero lahat ng bisyo ay nasa kanya na. Tanging paglalabandera naman ang trabaho ni Nanay. Hindi ko din alam kay Nanay kung bakit pumayag na anakan lang siya ni Nanay at sinasaktan. Pero nagpasalamat pa rin ako dahil mga mabait ang mga kapatid ko. Hindi din kami nakapag aral. Pero marunong ako'ng magsulat at magbasa dahil tinuruan ako ni Net-net na kaibigan ko. Kaya tinuruan ko rin ang mga kapatid ko. Balak ko nga sana maghanap ng trabaho para kahit paano makatulong ako kay Nanay. Pero walang gustong kumuha sa akin dahil bata pa daw ako. May 4'ps at tupad din sana sa amin pero hindi naman kasali si Nanay. Kapag may binibigay ang baranggay namin. Kinukuha naman ni Tatay saka binibinta pambili ng alak. Minsan may trabaho din siya pero ang sahod niya hindi niya naman kami binibigyan. Dahil binibili niya ng alak at pinagsusugal. Kapag umuwi sa bahay na walang pagkain. Sasaktan si Nanay at pagsabihan ng mga masakit na salita. "Anak, bumili ka na ng tatlong kilong bigas saka isang maliit na sardinas. Lagyan lang natin ng maraming gulay at maraming sabaw. Tingnan mo muna si Tatay mo. Kapag makita mo siya, magtago ka. Baka kukunin niya sa iyo ang pera o di kaya sasaktan ka. Kung may sobra bili mo na rin ng tinapay. Bukas maglalaba naman ako ulit kaya may pambili ulit tayo ng bigas." Wika ni Nanay. Kaya tumango ako at kinuha ang pera saka lumabas ng bahay. Pa-linga-linga pa ako sa paligid na para bang magnanakaw dahil tinitingnan ko si Tatay. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko siya makita. Kaya lakad takbo ang ginawa ko para makarating kaagad sa tindahan. "Aling Moning pabili po." Tawag ko sa mag-ari ng tindahan. Kaagad ko din sinabi ang bibilhin ko para makabalik ako sa bahay at para hindi ako makita ni Tatay. "Richel pakisabi kay Nanay mo na bayaran niya ang utang ng Tatay mo. Pakisabi limang daan. Ang sabi ng Tatay mo, si Nanay mo daw ang magbayad. Ayaw ko sana siyang pautangin dahil alak ang kukunin niya. Pero parang may balak magwala. Natakot naman ako dahil mag-isa lang ako kahapon dito. Parang gusto niya kasing pumasok at may balak ng hindi magawa. Hindi ako natakot sa kanya, natakot ako na baka mapatay niya ako. Pina baranggay ko na nga. Kaya bindi na siya makapunta pa dito." Saad ni Aling Moning. "Aling Moning wala naman ganun kalaki na pera si Nanay. Saka kinukuha naman ni Tatay ang pera ni Nanay sa paglalaba. Mabuti nga nakatago pa si Nanay ng isang daan kaya nakabili ako ng bigas. Aling Moning pwedi pa na labhan ko nalang. Naawa na rin kasi ako kaya Nanay." Pakiusap ko kay Aling Moning. "Hay, Nako. Kung bakit ba nagtitiis ang Nanay mo sa kupal mo'ng Tatay. Wala na ngang trabaho o kung may trabaho man. Ipambili lang naman ng alak ang kanyang sahod. Di bali nalang, kapag may pera ka, saka mo na bayaran. Sige ito na ang tatlong kilong bigas, isang sardinas at tatlong tinapay. May sukli ka lang limang piso gusto mo candy nalang?" Tanong Aling Moning. "Sige po Aling Moning salamat po." Pagkatapos ko'ng makuha lakad takbo naman ako para makarating sa bahay. Pagpasok ko sa bahay kumakain na sila Nanay ng saging. "Anak, nan'dyan ka na pala. Nagutom kami Kaya kumakain muna kami ng saging." Sabi ni Nanay. Tumango nalang ako saka pumunta sa maliit namin na kusina. Kaagad ko'ng sinaing ang dalawang kilo na bigas. Tinira ko ang isang kilo para bukas ng umaga. Hapon pa naman kasi si Nanay makauwi galing sa paglalaba. "Ate, kukuha lang kami ni met-met ng mga gulay." Paalam ni Jen-jen. "Anak, ako na ang magluto ng gulay. Kumain ka muna ng saging. Wala ba ang tatay mo sa labas." " Wala Nay. Baka sa kabilang tindahan Nay. Mabuti nga wala siya, kung nakita niya ako baka kinuha niya na ang pera." Tugon ko kay Nanay. Hindi ko na sinabi pa ang sinabi ni Aling Moning para hindi na si Nanay mag problima pa. Pagkatapos ko'ng ilagay sa kalan ang kaldero na may bigas. Tumabi ako kay Nanay saka kumain din ng saging. Habang naghihintay kami na kumulo ang sinaing ko. Pumasok si Jen-jen at Let-let na may dalang talbos ng kamote at kangkong. Kaya tinulungan ko sila para himay-himayin. Pagkatapos hinugasan ko at kumuha ng isa pa'ng kaldero para paglutuan. "Anak, umupo ka nalang sa tabi ni Ton-ton. Ako na ang magluluto ng gulay. Hindi naman ako pagod." Sabi ni Nanay. kaya tumabi ako kay Ton-ton at kinain ang natira ko kaninang saging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD