CHAPTER TWO

1455 Words
RICHEL "Richel, Richel. P*tang ina nasaan ka?" Narinig ko'ng sigaw ni Tatay. Nasa likod bahay ako habang nagsasampay ng mga nilabhan kong damit namin. Kaya binitawan ko muna ang mga basang damit saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko siya na bagong gising at parang may hinahanap. Mabuti nalang natutulog pa ang apat ko'ng kapatid. Maaga naman si Nanay na umalis para maglaba sa kabilang bahay. Pagka-alis ni Nanay sinaing ko ang natirang bigas kagabi. Pagkatapos nag-umpisa na ako'ng maglaba. "Tay, bakit ho?" Kinakabahan ko'ng tanong pagpasok ko sa bahay. "Nasaan ang pera ko?" Sigaw niya. "Ho?" Tanging nasabi ko. Dahil hindi ko alam ang kanyang sinasabi. "P*tang ina! Bingi ka ba? O bobo ka lang, kaya hindi mo alam ang tanong ko? Ang sabi ko, ang pera ko nasaan? Nakita niyo ba? Kinuha niyo ba?" Galit niyang tanong. "Pera? Nasaan ang pera mo Tay? Pagdating mo dito kagabi lasing na lasing ka. Pasuray-suray ka na kung maglakad. Basa pa nga ang pantalon mo. Mapanghe pa nga na parang ihi. Wala namang laman na pera ang bulsa ng pantalon mo. Nasa labas na nga nakasampay na ." Paliwanag ko sa kanya. Alas onse ng gabi siya nakauwi sa bahay. Sa labas pa lang ng bahay sumisigaw na, nagising kami ni Nanay sa mahimbing namin na pagtulog. Bumangon kami ni Nanay saka lumabas kami ni Nanay ni Nanay sa bahay. Lasing na lasing si Tatay at parang naihian niya pa ang kanyang suot na pantalon. Tinulungan ko si Nanay na akayin si Tatay papasok sa bahay. Dahil hindi niya na kayang humakbang. Pagpasok namin sa bahay humiga siya kaagad sa sahig na gawa sa kawayan sa maliit naming sala. Si Nanay na ang naghubad ng kanyang pantalon. Ako lang ang naglaba ngayon. "Bwesit, ibalik niyo sa akin ang pera ko. May pera ako kagabi dahil nanalo ako sa tong-its diyan sa kanto. Kaya kung kinuha niyo ibalik niyo. Kung hindi malilintikan kayo sa akin." Sigaw niya sa akin. "Tay wala nga ho kaming nakita na pera mo kagabi. Baka naubos mo na ho at nakalimutan mo lang." Sambit ko. "Ih*dip*ta, nagsinungaling ka pa! Nasaan ang Nanay mo? Baka kinuha niya? Nasaan ang mga lintik mo'ng mga kapatid? Baka nasa kanila." Sigaw niya ulit sa akin na para niya ako'ng kainin. "Tay, tulog na ho sila pagdating mo. Kami nalang ni Nanay ang gising. Tinulungan ka lang naman namin na makapasok sa bahay. Wala naman kahit piso kaming nakita ni Nanay sa bulsa mo. Si Nanay maaga pa'ng nagising para maglaba sa kabilang bahay. Ang apat ko'ng mga kapatid tulog pa. Talagang walang pera sa pantalon mo Tay." Paliwanag ko sa kanya. "Kapag hindi niyo binalik ang pera ko mamaya, humanda kayo." Sigaw ni Tatay saka pumasok sa kwarto nila ni Nanay. Hindi pa nga naka mog-mog o hilamos. Amoy alak pa ang kanyang hininga. Nanatili akong nakatayo at hindi muna bumalik sa labas baka hahanapin niya pa ako. Nagulat ako ng marinig ko na parang pinagtatapon niya ang mga gamit sa loob ng kanilang kwarto ni Nanay. Napapikit nalang ako sa bawat naririnig ko na parang malakas na bagyo sa loob ng kanilang kwarto ni Nanay. Maya-maya lumabas siya at nakasuot na siya ng damit. Pumunta siya sa kusina, paglabas niya bit-bit niya ang gamit niya sa pag kumpuni ng bahay. Siguro may trabaho siya. Pero hindi na kami aasa na bibigyan niya kami ng kanyang sahod. Walang paalam siyang lumabas sa bahay. Dali-dali naman ako'ng pumunta sa kwarto nila ni Nanay para tingnan ko'ng ano ang hitsura ng kanilang kwarto. Pagbukas ko, tama nga ang hinala ko. Dahil lahat ng gamit nila sa loob ng kwarto naka kalat na. "Ate." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Jen-jen. "Gising ka na Jen? Ang mga kapatid natin?" Tanong ko saka lumabas ng kwarto nila ni Nanay. Mamaya ko nalang liligpitin kapag matapos ko ang sinampay ko'ng mga damit na nilabhan ko kanina. Nakita ko ang tatlo ko'ng kapatid nakaupo sa labas ng kwarto namin. Magkadikit lang naman kasi ang kwarto nila Nanay at kwarto namin. Magkatabi kaming apat sa sahig na nakahiga. Dating kasama ni Nanay at Tatay si Ton-ton sa kanilang kwarto. Pero dahil sa takot ni Ton-ton kapag lasing si Tatay. Gusto niya nang tumabi sa amin. "Kanina pa kami gising Ate. Narinig namin ang sigaw ni Tatay. Hindi lang kami lumabas dahil natatakot kami Ate. Umiiyak nga si Ton-ton pero tinakpan ko ang kanyang baba para hindi marinig ni Tatay." Wika niya sa malungkot na boses. "Halika na kayo. Nakasaing na ako, saka may nilagang talbos ng kamote para ulam natin. Kumain na tayo, hayaan niyo na si Tatay." Ani ko kay Jen-jen saka niyaya na silang pumunta ng kusina. Umupo naman sila kaagad sa harapan ng maliit naming mesa. Nag sandok ako ng kanin saka nilagay sa malaking palanggana. Kumuha naman si Jen-jen ng plato. Kumuha ako ng tabo na may tubig para hugasan ng kamay ng mga kapatid ko. Pagkatapos namin magdasal nag-umpisa na rin kaming kumain. Kahit talbos lang ng kamote ang ulam namin na sinawsaw sa asin. Maganang kumain ang mga kapatid ko. Parang adobong baboy na para sa amin. Pagkatapos namin kumain, si Let-let na ang nag presinta na maghugas ng pinagkainan namin. Kaya nagpaalam ako sa kanila na tapusin ko muna ang pagsampay ng mga basang damit sa labas. "Ate, tulungan na kita." Sabi ni Jen-jen. "Ako muna ang bahala kay Met-met at Ton-ton mga Ate." Wika ni Let-let. Kaya lumabas na kami ni Jen-jen papunta sa likod bahay. "Ate, bakit kaya ganun ang ugali ni Tatay anuh? Wala naman tayong ginawang mali. Saka hindi naman natin kasalanan na pinanganak nila tayo. Kung ayaw niya pala sa atin, bakit pa tayo ginawa." Wika ni Jen-jen habang nagsasampay kami ng damit. "Iyan ang hindi ko masasagot Jen. Basta huwag nalang natin dagdagan ang problema ni Nanay kay Tatay. Katulad nga ng sinabi ni Nanay kagabi sa atin. Na kahit ano man ang ugali ni Tatay, Tatay pa rin natin siya. Saka wala tayong pupuntahan kapag umalis tayo sa bahay. Kaya tulungan nalang natin si Nanay." Paliwanag ko sa kanya. "Ang hirap talaga Ate anuh? Kapag wala tayong pera, wala din may nakakilala sa atin. Balang araw kapag magka pera at yumaman ako. Lahat na hindi tayo nakilala ngayon. Hindi ko rin sila kilalanin. Kapag may sasakyan ako, bugahan ko ng usok ng tabutso ng sasakyan ko kapag makita ko sila sa daan." Wika ni Jen-jen. Napangiti nalang ako sa sinabi ni Jen-jen dahil malayo pa sa sikat ng araw ang kanyang sinabi. Kaya sinabayan ko nalang siya. Dahil libre naman ang mangarap. "Tama Jen. Tapos magpatayo tayo ng malaking bahay. Iyung may swimming pool saka marami tayong katulong. Si Nanay pa travel travel nalang sa buong mundo." Natatawa ko'ng sabi. Kaya tumawa din siya. Sakto naman na nakatapos na kami sa pagsasampay kaya bumalik na kami sa loob ng bahay. Pagpasok namin, nakaupo na silang tatlo sa sahig at naglalaro ng lastiko. Kaya sinabi ko na magliligpit ako sa kwarto nila Nanay. Sinamahan naman ako ulit ni Jen-jen para daw mabilis matapos at hindi ako mapagod. "Grabi talaga ang ugali ni Tatay, Ate. Sana may makap*t*y sa kanya." Nagulat ako sa sinabi ni Jen-jen. "Jen, huwag mo'ng sabihin iyan. Masama iyan, baka marinig ka ni Nanay. Kahit masama ang ugali ni Tatay. Huwag mo'ng sabihin na mamatay siya." Saway ko kay Jen-jen. "Pasensya na Ate. Kawawa kasi si Nanay. Saka baka mamaya saktan niya naman si Nanay kapag hindi maibigay ni Nanay ang pera na hinahanap niya. Baka naubos niya sa alak kagabi. Tapos sa atin niya hahanapin. Mas gusto niya pa'ng bigyan ang ibang tao kaysa sa atin na mga anak niya." Sambit ni Jen-jen habang inumpisahan na namin ligpitin ang mga kalat sa loob ng kwarto nila Nanay. "Sana maalala niya kung nasaan ang pera niya na hinahanap. Sana hindi niya sasaktan si Nanay mamaya. Bilisan nalang natin para makatapos tayo. Kailangan niyo pang maligo. Ako kanina pa nakaligo bago mag-umpisa maglaba." Ani ko sa kanya. "Ate, kapag makaalis ako sa bahay na ito. Hinding-hindi na ako babalik dito hangga't nandito si Tatay." Pagkuwan na sabi ni Jen-jen. Kime ako'ng ngumiti saka hindi na siya sinagot. Dahil kahit ako, katulad din ng iniisip niya. Kapag magka pera lang ako aalis kami dito at iwan si Tatay. Sana lang talaga makayanan namin ang kalbaryo na haharapin pa namin habang kasama namin si Tatay sa bahay. Isang oras din namin natapos ni Jen-jen ang pagligpit ng mga nag kalat na mga gamit. Nilinis na rin namin ang buong kwarto ni Nanay. Hindi naman malaki kaya madali lang malinis. Pagkatapos lumabas na kami ni Jen-jen para paliguan naman namin ang tatlo namin kapatid sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD