RICHEL
"Mga anak." Narinig namin na tawag ni Nanay sa labas ng bahay. Tumayo ako mula sa pagkaupo sa sahig. Pagkatapos namin maglinis ng buong bahay, tinuruan ko sila magsulat at magbasa. May mga libro na luma si Net-net na binigay sa akin. Kaya iyun ang ginagamit ko sa pagturo sa mga kapatid ko. Kaagad ko'ng binuksan ang pintuan namin na gawa sa kawayan. Nakita ko si Nanay na may hawak na dalawang plastic bag kaya kinuha ko at nagmano.
"Ka-awaan ka ng diyos anak." Wika ni Nanay.
Pagpasok ni Nany sa loob ng bahay. Magkasunod ang apat ko'ng kapatid na lumapit kay Nanay at yumakap.
"Mga anak, may dala ako'ng pagkain galing kay Mrs. Cruz. May birthday pala sa pamilya nila. Kaya pagkatapos ko maglaba tumulong muna ako. Ang bait nila mga anak, isang libo ang binigay nila sa akin. Tapos ito may mga pagkain pa na pinadala si Mrs. Cruz. Kaya dali na mga anak kumuha na kayo ng plato. Kainin niyo na ang mga ito." Masayang turan ni Nanay. Kaagad naman kami pumunta sa maliit namin na kusina. Kumuha ako ng mga pinggan para paglagyan ng mga pagkain na nakabalot sa mga plastik. Kumuha naman ng kutsara si Jen-jen habang naghugas ng mga kamay ang tatlo. Ang daming pagkain at mukhang masarap lahat. May bihon, manok, pasayan, karne at kung ano-ano pa. Hindi ko naman alam kung anong mga luto, ang nakilala ko lang ay bihon, dahil bihon pa lang ang natikman ko sa lahat na dala ni Nanay. Pumalakpak si Ton-ton habang hinahain ko ang pagkain sa mesa. Habang nakaupo siya sa hiya ni Nanay. Kaagad kaming nagdasal at nag-umpisa ng kumain.
"Salamat Nay, ikaw Nay, ayaw mo ba'ng kumain?" Tanong ko kay Nanay
"Sige lang anak, kumain lang kayo. Nakakain na ako sa bahay ni Mrs. Cruz bago umalis. Marami ako'ng kinain duon para hindi na ako maka kain dito. Siya nga pala, itago mo ang pera, baka kasi kapag sa akin at makita ng Tatay mo, baka kunin sa akin. Bukas pinapabalik pa ako ni Mrs. Cruz sa bahay nila. Tutulong daw ako sa pagligpit ng ginamit kanina. Baka may pagkain pa silang natira, baka bibigyna nila ako ulit." Saad ni Nanay.
"Maraming salamat sa mga pagkain Nay. Ang sarap talaga." Masayang turan ni Jen-jen.
"Nay ang sarap po. Parang nasa kariderya lang tayo. Ang daming pagkain." Sambit ni Let-let habang puno ng pagkain ang loob ng kanyang bunganga.
"Oo nga, Nay ang sarap po. Sana ganito araw-araw." Inosenting sabi naman ni met-met. Puno din ng pagkain ang kanyang bunganga. Nakita ko si Nanay na tumalikod habang nagpupunas ng kanyang luha.
"Kumain na lang nga kayo. Saka bilisan natin, baka maabutan tayo ni Tatay." Saway ko sa kanila.
"Nay, may pera ka ba'ng nakita sa pantalon ni Tatay kagabi? Pag-gising niya kasi kanina galit na galit at hinahanap ang pera niya. May pera daw siya dahil nanalo siya sa tong-its. Sinabi ko sa kanya na wala naman tayong nakitang pera. Kaya nagalit, humanda daw tayo kapag hindi natin maibalik ang pera niya." Sumbong ko kay Nanay.
"Wala akong n akita anak. Paghubad ko kagabi tinapon ko naman sa labas dahil ang baho. Saka hayaan mo siya. Baka naubos ng alak at hindi niya naalala dahil sa sobrang kalasingan. Bilisan niyo nalang ang pagkain niyo saka pumasok na kayo sa kwarto niyo. Itago mo ang pera, kahit anong sasabihin niya mamaya huwag na huwag mo'ng ibigay ang pera." Bilin ni Nanay sa akin. Tumango ako saka nilagay ko ang pera sa loob ng bra ko. Pagkatapos nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa mabusog kaming lahat. Marami pang natira, kaya ito nalang ang kakainin bukas. Habang magliligpit kami ng pinagkainan namin. May malakas sa bumulya ng pintuan namin. Kaya sabay-sabay kaming napatingin. Pumasok si Tatay na nakainum pero hindi naman lasing
"Tama nga ako na kinuha niyo ang pera ko. Buhay mayaman kayo ah. Ang dami niyo pinamili sa pera ko?" Sigaw ni Tatay. Sumiksik kaming lahat kay Nanay sa takot na baka saktan niya kami. Nakita niya kasi sa mesa ang mga pinagkainan namin at ang pagkain na natira. Pagbukas kasi ng pinto makita kaagad ang mesa. Magkadikit lang naman kasi ang maliit namin na sala at kusina. Sa kabila naman ang dalawang kwarto na tinutulugan namin. Mahigpit ang yakap ni Nanay sa amin at sinabi na huwag kaming matakot.
"Wala kaming kinuha na pero mo, kahit peso Baldo. Binigay ni Mrs. Cruz ang mga pagkain na dinala ko sa mga anak natin." Sagot ni Nanay kay Tatay.
"Baka sinasabi mo lang na galing kay Mrs. Cruz. Ang totoo nagpakant*t ka sa kung sino-sino para magka pera ka. Kunwari naglalaba ka. Pero ang totoo kung sino-sinong mga lalaki ang kumakant*t sa iyo." Sigaw ni Tatay habang dinuduro ang pagmumukha ni Nanay.
"Sumusobra ka na Tay. Lahat ng trabaho ginawa ni Nanay para lang lang may ipakain sa amin. Ikaw nga bisyo mo lang ang inaatupag mo. Wala ka nga pakialam sa amin. Tapos ganyan ka pa magsalita kay Nanay. Wala ka naman silbi dito sa bahay. Mabuti pa nga ang ibang tao. Nakatikim ng sahod mo kapag may trabaho ka. Tapos kung umuwi ka na walang pagkain. Magagalit ka, bakit may binibigay ka ba'ng pambili ng bigas? Di ba wala? Kinukuha mo pa nga minsan ang pera ni Nanay." Sigaw ni Jen-jen. Nagulat kami sa kanyang sinabi.
"Marunong ka nang lumaban sa akin. Mga walang hiya kayo. Mga walang silbi sa buhay ko. Mga malas." Sigaw ni Tatay saka lumapit sa amin. Tinaas niya ang kanyang kamay para sampalin sana si Jen-jen nang sumigaw si Nanay. Kami naman umiiyak na sa takot. Lalo na si Ton-ton na nanginginig ang kanyang katawan kaya niyakap ko siya at pinatalikod para hindi niya makita si Tatay.
"Sige sampalin mo si Jen-jen ipakulong kita. Hinayaan na nga kita na saktan mo ako. Pero huwag na huwag mo'ng sasaktan ang anak natin. May record ka na sa baranggay kaya ano mang oras kapag magreklamo ako. Ikukulong ka nila, sinabi ko na sa iyo na saktan mo lang ako, huwag lang ang mga bata." Matapang na sabi ni Nanay. Kaya naiwan sa ere ang kamay ni Tatay. Masama niyang tiningnan si Nanay saka tumalikod sa amin. Binulya niya ng malakas ang pintuan at umalis. Kaagad kaming inakay ni Nanay sa kwarto.
"Mga anak tahan na. Wala na ang tatay niyo. Habang nandito ako, Hindi ako papayag na saktan kayo." Wika ni Nanay.
"Jen, bakit mo pinag salitaan ang tatay mo ng ganun? .Ako nalang sana, kaya ko naman siyang sagutin dahil hindi naman totoo ang binibintang niya sa akin. Kaya mga anak sa susunod huwag na kayong sumagot sa kanya. Lagi kong sinasabi sa inyo. Na kahit anong ugali niya, Tatay niyo pa rin siya. Hanggang nandito ako hindi niya kayo masasaktan. Kunting tiis nalang mga anak, makaalis din tayo dito. Maka ipon lang ako, aalis tayo dito kapag hindi pa rin magbago ang tatay niyo. Basta kapag wala ako dito, mag-ingat kayo." Paalaala ni Nanay sa amin.
"Pasensya na Nanay, sumusubra na kasi si Tatay. Kaya hindi na ako makapag pigil. Sana talaga Nay, maka-alis na tayo dito." Humihikbi na sabi ni Jen-jen. Kaya niyakap siya ni Nanay.
"Patawarin niyo si Nanay mga anak, kung sa ngayon wala akong magagawa. Pero manalig lang tayo palagi sa panginoon. Balang araw nakapag aral din kayo at makaahon tayo sa kahirapan, mahal ko kayo mga anak. Kaya tama na sa pag-iyak." Naluluha na sabi ni Nanay.
"Mahal din namin kayo Nanay." Magkasabay na sabi namin. Nang maalala ko ang hugasin, nagpaalam ako na tatapusin ko muna hugasan ang mga plato. Sumama si Jen-jen para tulungan ako.
"Jen, nagulat ako kanina nang sinagot mo si Tatay ang tapang mo." Bulong ko kay Jen habang naghuhugas kami ng plato.
"Gusto ko nga sana siya suntukin Ate. Kung makapag salita kay Nanay akala mo mabuting Tatay. Siya nga ang walang silbi sa bahay. Pasalamat lang sa kanya dahil pinanganak tayo sa mundo. Pero sa pagka Tatay parang wala naman. Kung pwedi lang magpalit ng Tatay. Matagal ko ng ginawa. Parang nawala na talaga ang respito ko sa kanya Ate. Kung hindi lang kay Nanay matagal ko nang nilagyan ng lason ang pagkain niya." Saad ni Jen na mukhang galit na galit talaga. Magkapatid nga kami dahil pareho ang iniisip namin. Kanina sasagutin ko naman sana si Tatay kaya lang naunahan niya ako. Wala na rin ako'ng natira na respito kay Tatay. Kung hindi lang dahil jay nanay at sa mga kapatid ko. Baka lumayas na ako dito.
"Iyan ang huwag na huwag mo'ng gagawin Jen. Buti kung mapuruhan siya. Pero kung hindi, kawawa si Nanay dahil tiyak siya naman ang mag problema. Basta kailangan natin sundin ang bilin ni Nanay sa atin. Saka huwag natin dagdagan ang problema niya jay Tatay." Payo ko kay Jen. Tumango siya saka kinuha ang basahan upang punasan ang mesa. Tapos na rin kami sa paghugas. Kinuha namin ang batya para duon ilagay ang natirang pagkain at tinakpan ulit namin ng isa pang batya at pinatungan sa ibabaw ng malaking kahoy para hindi makain ng pusa. Minsan kasi may pusa na pumapasok sa loob at kung may pagkain sa mesa kinakain nila. Wala naman kaming refrigerator kaya ito ang ginagawa namin sa tuwing may pagkain kaming natira. Ito kasi ang masarap na pagkain kaya kapag hindi namin matakpan ng maayos baka kakainin nila. Nang masiguro na namin na maayos na ang mesa at pagkain. Ni-lock naman namin ng maayos ang pinto saka bumalik kami ni Jen sa loob ng kwarto . Nakatulog na si Ton-ton at Met-met. Habang si Nanay at Let-let nakaupo na parang kinukutuhan ni Nanay.
"Mga anak tapos na ba kayo?" Tanong ni Nanay nang tumabi kami sa kanya.
"Oho, Nay. Ni-lock na rin namin ang pinto. Sana hindi umuwi si Tatay para makatulog tayo ng mahimbing." Sabi ni Jen-jen. Sabay nalang kaming napatawa ni Nanay.
"Laki talaga ng galit mo sa Tatay mo." Nakangiti na sabi ni Nanay. Pa kamot-kamot nalang ng ulo niya si Jen-jen na parang maraming kuto. Alas siete pa lang naman ng gabi, kaya nag-usap lang kami nila Nanay. Sinabi niya na tatabi siya sa amin matulog.
"Dito ka nalang gabi-gabi matulog sa amin Nay. Hayaan mo si Tatay matulog mag-isa sa kabila." Sambit ko.
"Kapag hindi magagalit ang tatay niyo mga anak. Kailangan ko lang samahan siya matulog para hindi siya magalit at magsisigaw. Kaya titiisin ko para sa inyo." Malungkot na sabi ni Nanay. Niyakap nalang namin siya at hinalikan sa pisnge. Naunang nakatulog si Let-let at Jen-jen. Kami naman ni Nanay naghintay pa kung uuwi si Tatay. Pero hanggang sa mag alas 10 ng gabi hindi pa rin umuwi si Tatay. Kaya sinabi ni Nanay na matulog na kami. Hindi naman nagtagal nakatulog kami ni Nanay. Hanggang sa magising kami na umaga na, hindi parin umuwi si Tatay kaya naging maayos ang aming pagtulog lahat. Alas singko umalis si Nanay papunta sa bahay ni Mrs. Cruz. Tulog pa ang apat ko'ng mga kapatid. Kaya ininit ko ang pagkain namin kagabi. Nilabhan ko rin ang mga marumi namin damit kahapon. Sakto pagkatapos ko'ng magsampay. Gising na rin silang apat. Kaya sabay kaming limang kumain. Kasya naman sa amin kaya hindi na ako bumili ng bigas. Alas onse ng umaga habang tinuturuan ko ang mga kapatid ko sa pagsusulat at pagbabasa. Dumating si Tatay, mabuti hindi siya lasing. Binati pa rin namin siya kahit parang hindi niya kami nakita. Dumiretso siya sa loob ng kanilang kwarto ni Nanay. Tahimik lang kami at naghihintay kung tatawagin niya kami. Hindi naman siya nagtagal sa loob lumabas din naman siya kaagad. Iba na ang kanyang damit na suot. Wala paalam na lumabas naman siya kaagad sa bahay.
"Ay salamat umalis ang demonyo." Wika ni Jen-jen
"Oo nga , Ate. Mabuti sana kung hindi na babalik dito sa bahay." Wika naman ni Let-let.
"Sana mapilay siya para hindi na siya makalakad at hindi na makauwi dito." Wika din ni Met-met. Ramdam ko na wala na talaga silang respito kay Tatay. Kung alam lang siguro ni Ton-ton baka may sasabihin din siya tungkol kay Tatay. Pagkakita niya kay Tatay kanina sumiksik siya sa likod ko. Hindi ko naman masisi ang mga kapatid ko kung may galit sila kay Tatay. Dahil ako ganun din. Hindi ko lang sinabi sa kanila para hindi na nila masabi kapag kaharap namin si Nanay. Bilin kasi ni Nanay sa akin na kung may sasabihin ang mga kapatid ko na masama laban kay Tatay sasawayin ko sila.
"Huwag na natin pag-usapan si Tatay. Ang importante hindi niya tayo sinigawan. Hali na kayo, tapusin ko na ang pagtuturo sa inyo. Nagugutom na ba kayo? Gusto niyo bumili ako ng bigas o hihintayin nalang natin si Nanay? Sabi naman ni Nanay tanghalian siya uuwi." Sabi ko sa kanila.
"Busog pa naman kami Ate. Saka baka may dala naman si Nanay. Kung walang dala si Nanay saka nalang bibili ng bigas Ate." Sabi ni Jen-jen. Kaya tumango ako, saka tinuruan sila ulit magbasa. Si Ton-ton nakikinig lang sa amin habang naglalaro ng lastiko. Sakto pagkatapos ko silang turuan. Dumating si Nanay at marami naman dalang pagkain. Kaya masaya namin pinagsalohan ang mga pagkain na dala ni Nanay.