RICHEL
Ang bilis lang lang ng araw, buwan at taon ngayon 15 years old na ako. Labandera pa rin si Nanay at tinutulungan ko na siya. Marami na rin ang gustong magpalaba sa amin. Kada linggo naglilinis at naglalaba kami sa bahay ni Mrs. Cruz. Si Tatay lasinggero pa rin. Pero hindi niya na kami sinisigawan. Minsan kinukuha niya pa rin ang pera ni Nanay. Hinayaan nalang ni Nanay para wala ng gulo. Kaya minsan nakatulog kami na walang kain. Mabuti nalang kahit saging hindi sumasakit ang tiyan ni Ton-ton at Met-met. Pero nitong mga nakaraan na linggo sunod-sunod ang kanyang trabaho bilang karpentiro kaya hindi niya kinukuha ang pera namin ni Nanay.
"Anak, tapos ka na ba diyan? Ako tapos na rin sa loob. Umalis si Mrs. Cruz, sinabi niya na kapag tapos na tayo. Pwedi na rin tayong umuwi. Binigyan niya na rin ako ng pera at pagkain. Dadalhin nalang natin ang pagkain sa bahay para mkakain ang mga kapatid mo." Masayang turan ni Nanay nang pinuntahan niya ako dito sa likod bahay nila Mrs. Cruz. Para madali ang trabaho, ako ang naglaba si Nanay ang naglinis sa loob ng bahay ni Mrs. Cruz. Naawa na rin ako jay Nanay dahil inuubo na siya minsan sa paglalaba. Kaya sinabi ko na ako nalang sana ang maglaba pero ayaw niya naman. Kaya sinamahan ko nalang siya para hindi siya mahirapan. Dahil kahit peso wala din si Tatay binibigay. Siya pa nga ang naghihingi kay Nanay. Ay hindi pala siya humihingi. Kundi pilit na kinukuha kay Nanay.
"Tapos na po Nay. Sakto nga paglabas mo Nay." Sagot ko kay Nanay.
"Halika na anak. Tamang-tama pananghalian na. Tiyak matutuwa na naman ang mga kapatid mo dahil masarap naman ang kakainin nila." Magsilang sabi ni Nanay. Lumapit ako kay Nanay saka kinuha ko kay Nanay ang hawak niyang plastic. Tiningnan ko ang laman. May nakita ako na isang buong litson manok at may prito pang bangus.
"Wow, Nay! Masarap nga. Ang bait talaga ni Mrs. Cruz." Saad ko saka yumakap sa kamay ni Nanay.
"Kapag yumaman tayo Nay. Litson baboy naman ang kaninin natin." Magiliw ko'ng sabi kay Nanay. Hinaplos ni Nanay ang aking ulo.
"Kahit hindi na tayo maging mayaman anak. Basta maging maayos lang ang buhay natin, malayo sa sakit at sama sama tayo." Ani ni Nanay.
"Libre naman mangarap Nay. Basta balang araw nay magiging mayaman tayo. Tutuparin ko ang pangarap ko na magkaruon ng malaking kompanya at maging isang sikat na interior designer." Saad ko na parang mangarap sa hangin. Hinaplos ni Nanay ay aking ulo saka hinalikan.
"Tama anak, maging mayaman tayo." Nakangiti na sabi ni Nanay. Kaya sabay kaming tumawa. Nagkwentuhan lang kami ni Nanay hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagpasok namin sa loob, nakita namin ang mga kapatid ko na nagbabasa at nagsusulat. Ganito sila araw-araw kapag tapos na ni Jen-jen at Let-let ang trabaho sa bahay tinuturuan nila si Met-met at Ton-ton magbasa at magsulat. Kaya kahit hindi sila pumupunta sa school marunong sila magbasa at magsulat. Sinabi naman ni Nanay na mag-aral na kami pero ayaw namin. Naawa kasi kami kay Nanay dahil pagkain lang ang pino-problema niya. Baka kapag mag-aral kami mas marami pa siyang alalahanin. Kaya okay na kami kahit hindi na mag-aral. Pagkakita ng mga kapatid ko sa amin, magkasabay silang tumayo saka lumapit sa amin ni Nanay. Nagmano at humalik sila isa-isa kay Nanay. Yumakap din sila akin. Pagtapos niyaya na sila ni Nanay kumain. Tinaas ko ang hawak ko'ng plastic. Masaya ang kanilang mukha ng makita na pagkain ang dala ko.
"Wow! May masarap na naman na pagkain." Magkasabay nilang sabi.
"Basta, kapag wala kami dito ni Ate niyo. Magpakabait kayo dito. Saka Jen-jen alagaan mo ang mga kapatid mo. Malay mo kapag malaki ang kita namin ng Ate niyo. Makabili din tayo ng masarap na ulam." Wika ni Nanay.
"Opo, Nay. Kahit minsan lang tayo makatikim ng masarap ayos lang naman sa amin Nay. Basta mag-ingat lang kayo ni Ate sa trabaho. Ako ang bahala sa mga kapatid ko at sa bahay." Magalang na sabi ni Jen-jen.
"Mabait kami dito Nay. Sinusunod namin si Ate Jen-jen at tinutulungan namin po siya Nay." Magiliw na sabi ni Let-let.
"Ang bait talaga ng mga anak ko. Oh, siya Tara na kain na tayo." Yaya ni Nanay. Nagdasal muna kami at nag-umpisa ng kumain. Masaya kaming pinagsaluhan ang dala naming pagkain. May sinaing na rin pala si Jen-jen at niluto na ginataang talbos ng kamoteng kahit kaya naparami ang kain namin. Busog na busog kaming lahat. Magkasabay pa na dumighal si Ton-ton at Met-met kaya napatawa kami. Si Jen-jen at Let-let ang naghugas dahil daw pagod kami ni Nanay. Pumunta naman kami ni Nanay kasama si Met-met at Ton-ton sa maliit namin sa sala at tinuruan ko sila ulit magbasa at magsulat. Si Nanay naman humiga sa upuan na kawayan, parang inaantok daw siya at matulog muna siya saglit. Tahimik ako'ng tinuturuan ang dalawa para hindi magising si Nanay. Sabay kaming napatingin na tatlo sa pintuan ng bumukas ito. Pumasok si Tatay na may dalang isda na bangus at tinapay. Binati namin siya at nagpatuloy ako sa pagtuturo kay Ton-ton at Met-met. Hindi ko kinuha ang dala niya, dahil ang akala ko hindi naman para sa amin. Ngunit nagulat ako ng sinabi niya na para daw sa amin ang isda at tinapay. Kaya sabay-sabay kami ulit tumingin kay Tatay. Hindi siya nakainum, kaya nagtaka kami. Napatingin din si Jen-jen at Let-let.
"Kainin niyo na, saka lutuin niyo ang isda para may ulam kayo." Aniya. Kaya tumayo ako saka kinuha ang plastic na dala niya.
"Salamat, Tay." Ani ko. Tumango lang siya saka tumingin kay Nanay bago lumabas. Paglabas niya, lumapit si Jen-jen.
"Himala, anong nangyari kaya, sa kanya Ate? Baka may sakit siya? Kaya niya tayo binigyan. O di kaya baka nasabuyan siya ng asin." Pa ngiti-ngiti na sabi ni Jen-jen. Kaya napangiti kami ni Let-let.
"Bunganga mo Jen. Baka nasa labas pa siya at marinig ang sinabi mo at bawiin pa ang binigay niya. Ikaw na muna dito, lilinisan ko lang ito. Sarap ito sabawan mamaya para may ulam tayo sa hapunan natin." Ani ko. Tumango si Jen saka kinuha niya ang tinapay.
"Huwag kayong maingay para hindi magising si Nanay." Bilin ko sa kanila bago pumunta sa kusina. Napaisip ako kung bakit binigyan kami ni Tatay. Mula nang nagka-isip ako. Hindi ko natandaan na may dinala siya dito na pagkain sa bahay. Ngayon pa lang. Bahala na, ang importante may binigay siya ngayon. Sa isip-isip ko at inumpisahan ko nang linisin ang tatlong bangus.