CHAPTER FIVE

1206 Words
RICHEL 5 "Good morning! Nay, Ate. Ang sarap talaga ng tulog natin kapag tayo lang." Nakangiti na sabi ni Jen-jen habang inuunat unat ang kanyang kamay. Alas sais ng umaga ng magising kaming tatlo ni Nanay. Linggo ngayon kaya hindi kami maglalaba si Nanay. "Good morning, mga Anak." Bati ni Nanay sa amin. "Good morning Nay, Jen." Bati ko din sa kanila. Maingat kaming bumangon at lumabas sa aming silid para hindi magising ang aming mga kapatid. Tumungo kami kaagad sa kusina para mag hilamos at toothbrush. Pagkatapos nag-init na ako ng tubig para magtimpla ng kape namin. Kinuha naman ni Jen-jen ang tinapay at ang gatas sa loob ng bigasan. Dahil hindi kami naka bili kahapon ng ulam dahil may hinatid si Tatay. Kaya bumili kami ng tinapay, kape at gatas para sa mga kapatid namin. Hindi rin si Tatay nakauwi kagabi kaya maaga kaming nakatulog at katulad nga ng sinabi ni Jen mahimbing ang tulog naming lahat. Nagulat nga din si Nanay pagkagising niya kahapon na may binigay si Tatay na isda at tinapay. Nang mainit na ang tubig naglagay na ako sa tatlong cup. Si Jen-jen na ang naghalo ng 3 in 1 na kape. "Sana ganito nalang tayo araw-araw Nay, nuh? Kahit mahirap lang tayo makakain pa rin tayo ng maayos. Saka sana hindi na sana umuwi si Tatay para makapag pahinga tayo ng maaga at maayos." Wika ni Jen-jen habang nag-umpisa na kaming magkape. Ngumiti lang si Nanay at uminum ng kape. "Baka tinatapos lang nila ang trabaho nila. Balita ko kay Caloy kahapon magkasama sila sa paggawa ng bahay sa kabilang baranggay. Saka baka unti-unti nang magbabago ang tatay niyo. Kita niyo kahapon nagdala siya dito ng isda at tinapay sa inyo. Kaya hayaan nalang natin kung uuwi siya dito o hindi. Ang importante hindi niya na kayo sinisigawan o sinasaktan." Paliwanag ni Nanay sa amin. Tumango lang ako saka nagpatuloy sa pag-inum ng kape. Nasa kalagitnaan na kami ng pag-inum ng kape ng narinig kami nang may tumigil na trysikel sa labas ng bahay. Tumayo kami ni Jen-jen para tingnan sa bintana kung sino ang dumating. Nagkatinginan kami ni Jen-jen dahil hindi namin kilala ang babae. May dalawang sako bag siyang dala. Parang nagulat si Nanay ng makita ang babae. "Nay kilala niyo siya?" Sabay na tanong namin ni Jen-jen. "Mga anak bunsong kapatid ko siya sa Manila. Halika salubungin natin." Yaya ni Nanay. Tumango kami saka sumunod kay Nanay palabas. "Ate, Kamusta. Long time, no see. Ito na ba ang mga anak mo? Mga dalaga na pala." Magiliw na sabi ng babae. Medyo kamukha nga sila Nanay. May kulay nga lang ang kanyang buhok. "Melinda ikaw pala? Mabuti at nakapunta ka dito. Dalawampung taon bago ka nagpakita. Siguro maayos ang buhay mo sa Manila kaya hindi mo na ako naalala." Wika ni Nanay. "Ito naman si Ate, nagtatampo kaagad. Pasensya na Ate. Marami lang kasing trabaho. Na-miss kita Ate." Sabi ng babae kay Nany saka niyakap niya ito. Bumaling si Nanay sa amin saka hinawakan kami ni Jen-jen sa kamay. "Mga anak ang Tiya Melinda niyo. Bunsong kapatid ko. Hindi niyo siya kilala dahil ngayon lang naman siya pumunta dito. Hindi ko pa kayo pinanganak ng umalis siya dito sa bahay." Pakilala ni Nanay sa amin. Magalang kaming bumati sa kanya at nagmano. Pagkatapos niyaya na siya ni Nanay na pumasok sa loob ng bahay. Kami na ang nagdala ni Jen-jen ng dala niyang sako bag. Pagpasok niya tiningnan niya pa ang buong bahay habang nakangiwe. "Ate hindi manlang nagbago ang bahay mo. Hindi ba talaga ito inayos ng kupal mong asawa? Di ba panday siya?" Tanong ni Tita Melinda kay Nanay. "Ang dami mong napansin Melinda. Kamusta ang byahe? Saka nakainum ka na ba ng kape o naka almusal ka na?" Tanong ni Nanay saka niyaya na umupo sa upuan na kawayan. Parang ayaw niya pang umupo. "Nakainum na ako ng kape Ate. Saka lahat ng iyan ay para sa inyo." Aniya saka tinuro ang dalawang malaking sako bag. Nagpasalamat naman kami saka binuksan ang sako bag. Nakalimutan na namin tapusin ang pag inum ng kape. Maraming mga groceries at mga damit, sapatos at tsenilas. Kaya masayang masaya kami dahil ang ganda ng mga damit at sapatos saka kasya pa sa amin. Habang inisa- isa namin na tingnan ni Jen-jen ang mga dala ni Tiya Melinda nagising na rin ang mga kapatid namin kaya masaya din sila na may maraming damit at mga pagkain at may mga chocolate pa. Nag-uusap lang si Nanay at Tita Melinda. Kami naman kanya-kanya pili ng mga dala ni Tita Melinda. Inayos din namin ni Jen-jen at Let-let ang mga groceries. Parang isang buwan na namin na kunsumo. "Ate ang totoo pumunta ako dito dahil gusto ko sana dalhin si Richel sa Manila. May magandang trabaho dun at malaking sweldo." Wika ni Tiya Melinda. Bigla ako'ng nakatayo sa sinabi ni Tita Melinda. Ang nasa isip ko ay makapag trabaho ako saka malaki ang sahod. Pwedi na si Nanay tumigil sa paglalaba. "Nay sasama ako kay Tiya." Walang pag alinlangan ko'ng sabi. "Talaga anak gusto mo? Anak 15 years old ka pa lang baka bawal ka pa magtrabaho." Wika ni Nanay. "Ako ang bahala Ate, makapag trabaho si Richel. Hindi ko siya pababayaan duon." Ani ni Tiya Melinda. Sa kagustuhan ko na makapag trabaho para matulungan ko si Nanay at makapag aral ang mga kapatid ko. Hindi na ako nagdalawang isip. Pinilit ko si Nanay na sumama na payagan ako'ng sumama kay Tiya Melinda sa Manila. Kaya kahit parang nag dalawang isip si Nanay na pumayag. Sa huli napapayag ko din. Sinabi ni Tiya Melinda na bukas na bukas aalis kami papuntang Manila. Dahil walang cellphone si Nanay. Pumunta muna siya sa bahay ni Mrs. Cruz para humingi ng cellphone number dahil sa tuwing sabado tatawag ako kay Nanay sapagkat sabado ang schedule niya sa paglalaba kay Mrs. Cruz. "Anak mag-ingat ka duon. Saka kung hindi mo kaya ang trabaho huwag mo'ng pilitin ang katawan mo. Sabihin mo kaagad kay Tiya Melinda mo. Huwag ka'ng magpagutom duon anak. Saka tumawag ka kaagad sa sabado huh. Nangako naman si Tita Melinda mo na pahiramin ka ng cellphone sa tuwing sabado. Mga alas nwebe ng umaga ka tumawag anak." Bilin ni Nanay habang nakahiga na kami. Hindi pa rin umuwi si Tatay kaya sa kwarto ni Nanay si Tiya Melinda pinatulog ni Nanay. "Opo.Nay, mag-iingat ako duon. Saka kapag nakapag trabaho na ako. Tumigil na kayo sa paglalaba Nay." Tugon ko kay Nanay. Marami pa'ng mga bilin si Nanay. Alam ko'ng napilitan lang si Nanay na pumayag. Kahit ako walang alam sa Manila at bago ko lang nakilala si Tiya Melinda. Ngunit kailangan ko'ng sumama sa kanya para makapag trabaho at matulungan ko si Nanay. Napansin ko kasi na sumasakit na kanyang likod. Kahit hindi niya sinasabi pero alam ko, dahil palagi ko siyang nakikita na sa tuwing mag-isa siya. Hinahawakan niya ang kanyang likod. Hinihilot niya ito habang umaaray. "Siya sige na anak. Matulog na tayo, maaga pa kayong aalis bukas ng Tiya Melinda mo." Wika ni Nanay. Mahimbing na ang tulog ng mga kapatid ko. Kaya humalik ako kay Nanay saka yumakap. Hindi nagtagal nakatulog na rin ako, habang yakap ko si Nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD