RICHEL
Nagising ako na nakahiga na ako sa kama. Bigla ako'ng napabangon ng maisip na baka nahuli ako ni Tito Kalbo. Ngunit nakahinga ako nga maluwag ng makita ko ang buong kwarto at hindi pamilyar sa akin kaya alam ko'ng wala ako sa bahay ni Tita Melinda. Sobrang kinakabahan ako ng bigla ko naman naisip na baka isang sindikato ang may-ari ng bahay. Na ibibinta ako at patayin. Abot-abot ang aking kaba ng bumukas ang pinto. Sumiksik ako sa dulo ng kama saka pumikit.
"Gising ka na pala ijah. Huwag ka'ng matakot sa akin. Hindi ako'ng masamang tao. Pasensya sa nangyari kagabi. Muntik ka na namin masagasaan ng trysikel. Mabuti nakapag preno kaagad si Berting ang asawa ko." Napamulat ako kaagad ng aking mata sa narinig ko'ng sinabi ng babae. Isang babae at may hawak siyang tray na sa tingin ko ay pagkain dahil mabango ang amoy. Parang ka edad siya ni Nanay. Nanginginig ang kamay ko saka bigla nalang tumulo ang aking luha dahil alam ko'ng ligtas na ako. Kahit hindi ko pa kilala ang babae ramdam ko na mabait siya.
"Mabuti at nagising ka na. Ito may dala ako'ng pagkain. At ang bag na dala mo kagabi ayan sa ibabaw ng mesa. Pasensya kung muntik ka na namin masagasaan hindi ka kasi namin napansin. Saka medyo mabilis ang pagpatakbo ng trysikel ni Berting." Wika ulit ng babae.
"Maraming salamat po Manang. Pasensya na rin lo kagabi hindi ko rin nakita. Manang pero sana huwag na kayong mag report sa pulis. Ayaw ko na ho na bumalik sa bahay ng Tiya ko po. Baka kung ano ang gawin nila sa akin." Kinakabahan ko'ng sabi.
"Huwag ka'ng mag-alala ijah. Walang nakaalam na nandito ka. Kumain ka muna. Saka ayan ang banyo kung gusto mo munang maligo. Kapag okay ka na, hintayin kita sa labas at duon tayo mag-usap. Ako nga pala si Rosa. Pwedi mo ako'ng tawagin na Nanay Rosa. Kasama ko dito ang Asawa ko. Ipakilala kita mamaya sa kanya. Siya sige maiwan na muna kita. Pagkatapos mo'ng kumain, lumabas ka lang. Huwag ka'ng matakot at mahiya sa amin. Habang nandito ka, ituring mo rin na bahay mo ito." Malumanay na sabi ni Nanay Rosa. Sa sobrang saya ko dahil ligtas na ako. Hindi ko mapigilan na yakapin siya at paulit-ulit na nagpasalamat. Niyakap niya din ako pabalik. Parang nakahanap ako ng isang Ina at kakampi.
"Maraming salamat po talaga Nanay Rosa. Ang bait niyo po. Ako po si RIchel." Naluluha ko'ng sabi.
"Walang anuman iha. Ramdam namin ni Berting na mabait ka. Kaya sige kumain ka muna o kung gusto mo maligo may shampoo at sabon na rin sa loob ng banyo. Hintayin kita sa labas." Saad ni Nanay Rosa.
"Salamat po ulit Nay. Sobrang salamat po talaga na kayo ang naka kita sa akin." Mangiyak ngiyak ko'ng sabi. Ngumiti si Nanay Rosa saka sinabi na mamaya na kami mag-usap at kailangan ko muna kumain. Kaya tumango ako saka kinuha ang bag ko at kumuha ng damit. Pumasok na rin ako kaagad sa banyo at naligo. Mabilis lang ang pagligo ko, dahil makikiusap din ako kay Nanay Rosa na kung may cellphone siya, ay makitawag ako. Baka kung tumawag si Tiya Melinda kay Nanay at gumawa ng kwento. Pagkatapos ko'ng magbihis kinain ko ng mabilis ang dinala na pagkain ni Nanay Rosa. Naubos ko kaagad dahil sa gutom. Pagkatapos bit-bit ang tray lumabas na ako sa kwarto. Paglabas ko, nilibot ko muna ang aking paningin. Makita kaagad ang sala, sa kabila ay ang kusina. Ang ganda at ang linis ng bahay ni Nanay Rosa.
"Iha, Richel lumabas ka na pala. Dalhin mo na ang pinagkainan mo sa lababo at halika sa sala. Mamaya mo na iyan hugasan. Mag-usap tayo, ipakilala kita sa Tatay Berting mo." Nakangiti na sabi ni Nanay Rosa.
"Opo, Nay! Maraming salamat po ulit." Magalang ko'ng sabi, tumungo ako kaagad sa kusina at nailagay ang tray sa lababo. Pagkatapos pumunta ako sa sala. Nakaupo na si Nanay Rosa at may katabi na siyang lalaki. Marahil siya si Tatay Berting na sinasabi ni Nanay Rosa.
"RIchel, umupo ka." Utos ni Nanay Rosa. Tumango ako saka umupo sa kanilang harapan.
"RIchel, ito ang Asawa ko si Berting. Tawagin mo siyang Tatay Berting." Pakilala ni Nanay Rosa. Tumayo ako at bumati saka nag mano kay Tatay Berting. Pagkatapos pinaupo ako ulit ni Nanay Rosa dahil may sasabihin pa daw siya.
Wala kaming anak, ang trabaho niya ay na mamasada ng trysikel. Ako naman ay naglilinis ng bahay sa mansyon ng mga Lorilla. Pero kailangan ni Sir Rocky ng stay in. Kasi minsan walang tao ang bahay. Kung gusto mo pwedi ka duon. Mag-isa ka lang kapag uuwi na ako. Saka isang beses lang ako'ng naglilinis sa mansyon. Kung gusto mo lang naman. Tamang-tama kasi na naghahanap si Madam Ricka. Aalis sila papuntang America. Maiwan si sir Rocky dahil siya ang mag-asikaso ng kompanya nila dito. Pero hindi naman siya palagi umu-uwi sa mansyon. Sa condo niya siya na mamalagi kasama ang kanyang nobya. Malapit na rin kasi silang ikasal." Mahabang saad ni Nanay Rosa.
"Pero bago ang lahat, pwedi mo ba'ng i-kwento sa amin ng Tatay Berting mo ang nangyari sa'yo? Kung bakit gabi'ng gabi na nasa daan ka pa at parang may kinakatakutan. Mabuti nalang mabilis na naka preno si Berting." Dagdag na sabi ni Nanay Rosa.
"Taga Iloilo po ako Nay. Lima kaming magkapatid at ako ang panganay. Labandera ang Nanay ko. Ang tatay ko naman hindi maasahan ni Nanay. Isang araw dumating ang tiya ko na bunsong kapatid ni Nanay. Kaya ako nandito sa Manila. Dinala niya ako dito dahil sinabi niya na may magandang trabaho ako dito sa Manila. Sa kagustuhan ko na makatulong kay Nanay. Sumama ako kaagad sa kanya. Pero pagdating ko dito ginawa niya ako'ng katulong sa kanilang bahay. Wala naman akong magagawa dahil wala ako'ng alam dito sa Manila. Hindi din ako nakatawag kay Nanay dahil wala ako'ng cellphone. Tatlong buwan na ho ako dito. At kahit minsan hindi ko nakausap si Nanay at mga kapatid ko. Kagabi hindi umuwi si Tiya Melinda. Habang natutulog ako, pumasok si Tiyo Kalbo sa kwarto ko, sobrang lasing ho siya. Pinagtangkaan niya ako'ng gahasain. Kaya napalo ko siya ng base ball bat ng tatlong beses. Nang hindi na siya gumalaw bit-bit ang bag ko lumabas ako ng bahay at tumakbo. Iyun na nakita niyo ako sa daan. Dahil gusto ko'ng makatakas." Naluluha ko'ng sabi. Tumayo si Nanay Rosa saka lumapit sa akin.
"Ang sama ng Tiya mo ijah. Mabuti pala nagkataon na Gani na kami umuwi ni Rosa at nakita ka namin. Baka kung hindi kami ang nakakita sa iyo, baka gawan ka pa ng masama. Ang bata at ang ganda mo pa, na parang anak ka ng mayaman." Wika ni Tatay Kalbo. Makikita ko sa kanyang mukha ang awa sa akin. Hinaplos naman ni Nany Rosa ang aking likod.
"May number ka ba na pweding matawagan para makausap mo ang Nanay mo? May cellphone Ako, tawagan mo at sabihin ang lahat. Kawawa ka naman pala. Habang nandito ka sa amin safe ka dito. Kung ayaw mo naman magtrabaho sa mansyon pwedi na dito ka naman sa bahay." saad ni Nanay Rosa.
"Gusto ko po, Nay. Mabait naman Sabi mo kaya mag trabaho ako Nay. Baka ito na ang oras na makatulong ako kay Nanay." Ani ko. Tumango si Nanay saka sinabi na mamayang hapon pupunta kami sa mansyon at ipakilala ako kay Madam Ricka. Pagkatapos kinuha ni Nanay Rosa ang kanyang cellphone upang makatawag ako kay Nanay. Paulit-ulit ako'ng nagpasalamat kay Tatay Berting at Nanay Rosa sa pagtulong nila sa akin. Nagpaalam ako saglit para kunin ang papel na may nakasulat na number ni Mrs. Cruz. Lihim akong nagpasalamat sa panginoon na nakatagpo ako ng mga tao na mabait at tumulong sa akin. Pagkakuha ko, mabilis ako'ng bumalik sa sala. Excited na ako'ng marinig ang boses ni Nanay.